Chapter 29

144 2 0
                                    

"Wake up, my princess." Wika nito sa malambing na boses.

Ang boses na 'yon ay pamilyar na pamilyar sa akin at iyon ang boses na matagal ko ng gustong marinig, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata hanggang sa makita ko ang isang nakangiting lalaki na nasa harap ko.

Hindi ako makapaniwala ngayon sa nakikita ko, matagal kong hinangad na muli siyang makita at makasama at ngayon nandito na siya sa harap ko.

"Daddy!" Mangiyak-ngiyak kong sambit.

Agad ko naman itong niyakap ng mahigpit, pakiramdam ko para akong bata na sabik na sabik sa yakap ng isang ama, matagal ko siyang hindi nakita kaya naman sobra akong nangulila sa kaniya.

Hindi ko na napigilan ang sariling maiyak, sana hindi na to panaginip dahil gustong-gusto ko na silang makasama ni Mommy, gusto ko ng mabuo ulit ang pamilya namin. Kumalas ako ng yakap saka naman pinahiran ni Daddy ang mga luha sa magkabila kong pisngi.

"Dalangang-dalaga ka na, Alieson. Nagpapasalamat ako dahil maayus ang kalagayan mo ngayon," nakangiti niyang sabi.

Parang ayaw ko ng matapos ang oras na toh, hindi matutumbasan ng kahit ano 'yong saya na nararamdaman ko ngayon.

"Daddy, nandito ka ba para sunduin na ako? Mabubuo na ulit 'yong pamilya natin."

Hindi na ako sinagot ni Daddy at tanging ngiti lang ang binigay nito, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ba siya nandito para sunduin ako? Iiwan din ba niya ako gaya ni Mommy dati.

"Daddy, h'wag niyo na po akong iiwan ha." Muli kong sabi. 

" Alieson, anak. Patawarin mo sila Mommy at Daddy ah kong hindi namin nagampanan ang pagiging magulang sayo, kong iniwan ka namin na puno ng problema. Pero nagpapasalamat pa din ako kasi lumaki kang mabait na bata. H'wag mong pababayaan ang sarili mo at nandito lang lagi kami para sayo." 

Iyon ang huling ngiti at salita ni Daddy na narinig ko bago ito nawala sa paningin ko.

"Daddy!" Bigla kong sigaw saka ako biglaang napabangon ng kama.

Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalawa kong kamay, tuwing gabi na lang lagi ko silang napapanaginipan, miss na miss ko na ang mga magulang ko at sana nasa maayus silang kalagayan kong nasaan man sila ngayon.

Bumababa ako ng kama at pumunta ng kusina para uminom ng tubig, sa totoo lang sobra na akong nag-aalala sa kalagayan ng mga magulang ko. Tuwing gabi ko na lang sila napapanaginipan at iisa lang lagi ang kanilang sinasabi, 'yun ay ang lagi ko daw  ingatan  ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim bago ako nagtungo sa veranda para magpahangin, sa tingin ko ay alas-tres na ng madaling araw at parang hindi na rin ako makatulog kaya tumambay na muna ako doon.

Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid, iniisip ko na sana ganito na lang ang buhay namin, Tahimik at malayo sa gulo.

"What are you doing here?" Baritonong sambit nito.

Agad kong tinapunan ng tingin ang  pinanggalingan ng boses na iyon hanggang sa makita ko si Sir Yaji na naglalakad papalapit sa pwesto ko.

"Nagpapahangin lang po, hindi kasi ako makatulog." Sambit ko ng makalapit ito sa akin.

Umupo ito sa tabi ko at malayo ang tingin, napakaamo tingnan ng mukha ni Sir Yaji sa malapitan, hindi mo aakalain na may pagka-suplado siya.

Napangiti naman ako nang sumagi sa isip ko ang una naming pagkikita, 'yong awra niya no'n napakaseryoso at mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo niya sa akin no'n.

"Ikaw bakit gising ka pa?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"I have some report that need to be finished," tugon nito.

Ang sipag naman niya sa pagtatrabaho, kong ako 'yan baka naghihilik pa ako ng ganitong oras.  Sabagay, kong hindi dahil sa kasipagan na 'yon hindi niya makukuha ang kong anong meron siya ngayon.

"Nasaan nga pala ang mga magulang mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

Nakaramdam naman ako ng hiya ng bigla ko iyong itanong sa kaniya, wala na akong maisip na topic e. Magiging awkward lang kong mananahimik na lang kami ditong dalawa.

"Well, they are not here. Nasa Canada sila at minamanage ang company namin doon at ako naman dito sa Pilipinas."

Buti pa si Sir Yaji nandiyan 'yong pamilya niya kahit malayo,  pwede pa din silang magsama kong gugustuhin niya. Pero ako, gustuhin ko mang makasama  ang mga magulang ko, hindi ko nga lang alam kong paano lalo na't hindi ko alam kong saan ko sila hahanapin ngayon.

"Ikaw? Nasaan ang mga magulang mo?"

"Sa totoo lang hindi ko na sila masyadong nakakasama nong naging pitong taong gulang na ako, masyado na silang naging abala sa kumpanya at nakalimutan nila ako." Mabigat man sa dibdib pero nagawa ko pa rin iyong ikwento.

Nakangiti ako habang ikinukwento iyon sa kaniya, akala ko maiibsan 'yung bigat sa loob kapag kinukwento ko pero mas lalo lang akong naiyak.

Ilang buwan na din ang nakalipas bago naging magulo ang pamilya ko, at hanggang ngayon nandito pa din 'yung sakit at pangungulila sa mga magulang ko. Simula nong bata ako ramdam ko na mag-isa na lang ako at hanggang ngayon 'yon pa din ang nararamdaman ko.

"Nagkaroon ng problema ang pamilya namin, nalulong sila sa sugal at nabaon sa utang. Nabankrupt ang company namin at kinuha ng banko ang bahay namin, sunod-sunod 'yong kamalasan sa pamilya ko pero kinaya ko 'yon mag-isa. Matapos pasukin ng pamilya ko ang problemang 'yun hindi ko na sila nakita pa at kahit tawag wala akong natanggap sa mga magulang ko. Pakiramdam ko nga no'n pinabayaan na nila ako e."

Umiiyak akong nakangiti habang sinasabi iyon, hindi ko matanggap na biglang naging ganito ang buhay namin, sa pagkakaalam ko kasi wala naman akong nasaktan o naapakan na tao para sapitin ang ganitong sitwasyon.

"Pero alam mo, sa totoo lang hindi ako galit sa kanila. Kaya ako nagtatrabaho para hanapin sila Mommy at Daddy, miss na miss ko na kasi sila eh."

Hindi ko na napigilan ang sariling humagulgul sa iyak, masakit ang naging kapalaran ko pero naging matatag ako sa kabila ng lahat. Nong mga oras na 'yon ay nagawa ko pang tumawa habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko, bigla tuloy ako nahiya baka isipin ni Sir Yaji na iyakin ako.

Ilang saglit pa ay bigla kong naramdaman ang yakap ni Sir Yaji.

"Shhhh, don't cry. I'm here," malambing nitong sabi.

Naging komportable ako sa yakap na 'yon kaya hindi ko napigilan ang sariling yakapin siya pabalik.

Kong patuloy na magiging ganito ang pakikitungo ni Sir Yaji sa akin, baka tuluyan na nga akong mahulog sa kaniya.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon