Kasalukuyan ako ngayong nagwawalis sa bakuran, ito ang ginagawa ko araw-araw para magsilbi kong exercise. Lagi kasing sinasabi sa akin ni Ate Sabeth na maglakad-lakad daw ako para daw 'pag dumating na ang araw na manganganak na ako e' hindi na ako mahihirapan pa.
"Alieson?" Tawag nito.
Binalingan ko naman ng tingin ang pinanggalingan ng boses na iyon ng makita si Mica na tumatakbo papunta sa direksiyon ko.
"Anong meron?" Nagtataka kong tanong ng makalapit ito sa akin.
Sandali nitong hinabol ang kaniyang hininga bago magsalita.
"May naghahanap sayo." Habol-hininga nitong sambit.
Naghahanap? Sa akin? Wala akong masyadong kilala dito sa Pampanga kaya wala akong inaasahang tao na bibisita sa akin ngayon.
"Sino da-"
"It's been a month, Alieson. Akala ko hindi na kita mahahanap pa."
Para akong natuod sa kinatatayuan ko ng marinig muli ang boses na iyon, napadako naman ang tingin ko sa lalaking nasa likuran na ni Mica ngayon. Parang hindi aki makapaniwala sa nakikita ko ngayon, ilang buwan na din ang nakalipas simula nong umalis ako sa condo niya at hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon.
Nakangiti itong lumapit sa akin bago ako mahigpit na niyakap, naalala ko ang huli naming pagtatalo bago ako umalis ng condo niya at sa tuwing naiisip ko 'yon unti-unti na namang nagtubig ang mga mata ko.
"P-pao...lo!"
"I'm sorry, Alieson."
Iyon lang ang mga katagang sinabi nito bago kumalas ng yakap sa akin, tinapunan nito ng tingin ang maumbok kong tiyan bago muling ibinalik sa akin.
"Ilang buwan ka ng buntis?" Nakangiti nitong tanong.
"P-pitong buwan na." Mahinahon kong sagot.
Pinapasok ko si Paolo sa loob ng bahay para asikasuhin ito, inaamin ko nong una mayroon akong sama ng loob sa kaniya pero habang lumilipas ang panahon ay nawala din ito. Nong panahong walang-wala ako, siya ang naging sandalan ko kaya hindi ako nagtatanim ng galit bilang pagtanaw ng utang na loob sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito? At paano mo nalaman na nandito ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
Tinapunan ako nito ng maamong tingin bago ngumiti.
"Nong mga oras na umalis ka ng condo ng hindi man lang nagpaalam, sobra akong nag-alala sayo no'n. Kaya gumawa ako ng paraan para hanapin ka, and you know what I have a goodnews for you." Saad nito.
Goodnews? Ano kaya 'yon?
" Nahanap ko na ang Nanay Nena mo, at alam ko kong nasaan siya ngayon."
Nabuhayan ako bigla sa sinabi ni Paolo, matagal na din simula nong huli kaming magkita kaya naman ngayon ay sobra akong nanabik na makita siyang muli. Miss na miss ko na talaga siya.
"Dalhin mo ko sa kaniya." Agad kong sabi.
Tinatahak na namin ngayon ang daan papuntang Pasay, nasa iskwater area lang daw nakatira sila Nanay ngayon simula nong umalis sila sa dati nilang tinitirahan. Parang hindi ako makapaniwala sa ibinabalitan sa akin ni Pai, ilang buwan na din ang nakalipas kaya hindi ko inaasahang ganito ang magiging sitwasyon nila Nanay.
Nang makarating kami sa lugar na tinutukoy ni Pao ay hindi na ako makapaghintay pang makita si Nanay, lakad-takbo naman ang ginagawa ko na ikinabahala naman ni Pao lalo na't buntis pa naman ako.
"Be careful, Alieson!" Usal nito.
Gaya nong una nilang tirahan ay parang eskinita din ito na kailangan mo pang pumasok sa loob bago ka makarating sa mga bahay-bahay. Maingay ang lugar na iyon lalo na't madaming mga tao bukod don ay marami pang mga batang pagala-gala habang mga walang tsinelas.
Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng mga tao, hindi ko na lang iyon pinansin lalo na't naeexcite na akong makita si Nanay, mula sa pwesto ko ay rinig na rinig ko na ang boses ng isang babae na sumisigaw. Sobrang pamilyar sa akin iyon at mukhang boses iyon ni Jessica.
"Wala kang kwenta! Pabigat ka na Ma, sana m*m*t*y ka na lang!" Sigaw nito.
Gulat na gulat naman ako ng makita si Jessica na tinulak si Nanay palabas sa kanilang pinto at mas lalong kumulo ang dugo ko sa mga salitang binanggit nito.
Maluha-luha ang mga mata ko ng makita si Nanay na nakahandusay sa lupa habang umiiyak, naawa ako sa kalagayan niya ngayon. Hindi ako makapaniwalang si Nanay na ang nakikita ko ngayon, ang laki-laki ng ipinayat niya. Punit-punit ang mga damit halos buto-buto na lang ang katawan nito sa sobrang payat.
"Ate, h'wag mo namang ganyanin si Mama!" Umiiyak na sabi ni Gigi.
Dahang-dahan bumagsak ang mga luha ko habang nakikita ang sitwasyon nila, hindi ito ang inaasahan kong makikita ko ngayon.
"At bakit hindi! Kasalanan niya! Wala na nga tayong makain, nagsasayang pa! Sino ba ang ipinagmamalaki mo? 'Yong alaga mo? Wala na 'yon Ma, iniwan ka na no'n! Kaya lang naman nagkaletche-letche ang buhay natin dahil sa kaniya eh!" Bulyaw pa nito.
Para akong nabibingi sa mga pinagsasabi ni Jessica, dahan-dahan kong ikinuyom ang mga palad ko at hindi na ako nagdalawang isip pa na sugurin ito!
"Hey! Alieson!" Rinig ko pag tawag sa akin ni Paolo pero hindi ko na iyon pinansin pa.
"Walangya ka!" Sigaw ko.
Kahit buntis ako hindi ako nagpapigil na sugurin si Jessica at agad na sinabunutan, unang-una pa lang sagad na sagad na ako sa ugali niya. Noong una kaya kong tiisin, pero sa tuwing naiisip ko at nakikita na gano'n ang ginagawa niya kay Nanay ay hindi ko mapigilan ang sariling mag-apoy sa galit.
"Wala kang utang na loob! Ikaw ang walang kwenta!" Sigaw ko sa kaniya.
Narinig ko kung paano umaray sa sakit si Jessica pero hindi pa rin ako nag-paawat. Sinabunutan din ako nito pabalik na agad kong sinampal ng malakas.
"Alieson! Stop it!" Awat ni Paolo.
Hindi pa rin ako nagpaawat kahit na inaawat na kami ng asawa nito pati na si Paolo, sobra 'yung galit na nararamdaman ko ngayon dahilan para maitulak ko ito ng malakas at matumba.
"Baliw ka na ba! Ano bang problema mo?" Sigaw nito.
"Ikaw ang problema ko! Anong karapatan mong pagsalitaan ang isang babaeng nagluwal sayo ha! Ginawa lahat ni Nanay para mapaayus ang buhay mo, pero anong ginawa mo? Inuuna mo 'yong kaladian mo diba at ngayon isisi mo sa akin kong bakit naging ganiyan ang buhay mo!"
Habang sinasambit ang mga katagang iyon ay hindi ko mapigilang maiyak, kitang-kita ko ang sakripisyo ni Nanay para sa kanila simula nong una pa lang, kaya hindi ko matanggap na ginaganito siya ng anak niya ngayon.
"Kong nag-aral ka lang ng maayos hindi magiging ganiyan ang buhay mo! Ang kapal ng mukha mo!"
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...