Madilim na at nasa byahe pa kami ngayon ng mga taong kumuha sa'kin, hindi ko alam kong saan kami ngayon pupunta at wala akong ibang naiisip kundi si Nanay. Sana okay lang siya ngayon.
Napatingin naman ako sa labas ng bintana, wala akong nakikitang mga bahay at kahit street light man lang, sa tingin ko wala na kami sa siyudad. Pero nasaan na kami? At saan nila ako dadalhin?
"Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko sa lalaking katabi ko ngayon.
"Malalaman mo mamaya pagdating natin." Nakangisi lang ito at tila ba kalmado lang.
Muling nabuhay na naman ang kaba at takot sa dibdib ko, mukhang nawawalan na ako ng pag-asa na may tao pang tutulong sa'kin lalo na't mukhang malayo na ito sa Manila.
Hindi ko alam kong ilang oras na ang byahe namin at wala pa akong tulog simula nong makarating ako ng Manila, kaya naman ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
__________"Huy! Gising!" Pang-gigising nito sa'kin.
Iminulat ko naman ang mga mata at napagtantong nandito na pala kami, bumungad sa'kin ang isang malaking bahay at ang mga ilaw na kumikinang sa paligid. Nasaan na ako?
Nang makababa na ako ng van ay nilibot ko ang tingin sa paligid, napapalibutan ang mansiyon ng matataas at bakal na gate. Bago nila isara ang gate ay natanaw ko naman ang mga nakatanim na sugar cane, ibig sabihin ba nito ay tago ang lugar na to! Kahit kanina habang nasa byahe ay wala akong nakitang mga bahay o kahit street light man lang.
"Tulong! Maawa kayo sa'kin." Napabaling ang tingin ko sa isang babaeng sumisigaw na ngayon ay hila-hila ng dalawang lalaki papasok ng mansiyon.
Napaatras naman ako at mas naging triple ang kabang nararamdaman ko, babalik sana ako at papasok ng van ulit pero bigla nitong nahawakan ang braso ko.
"Saan ka pupunta? Kong ako sayo, sumama ka na lang ng maayos para 'di ka masaktan!" Malaki ang boses nito kaya mas lalo akong natakot.
"Bitawan mo ako!" Sigaw ko.
Sinubukan kong magpumiglas pero malaki ang katawan nito at sobrang higpit ng kapit niya sa braso ko.
"Tulong! Tulong!" Paulit-ulit kong sigaw.
Heto na ata huling araw ko sa mundo, ganito na ba ako kamalas at kailangan pa ganito ang mangyari sakin.
Tinakpan nito ng tela ang bibig ko para hindi ako makasigaw, kasunod non ay hinila niya ako papasok ng mansiyon. Malaki ang loob nito na parang gymnasium sa sobrang laki, wala kang ibang makikitang ibang gamit na nakadisplay bukod sa mga cocktail table na nakahilera sa paligid, isang maliit na stage at ang microphone stand.
" Welcome, Alieson. Mababayaran mo na ang utang ng mga magulang mo at yayaman ka na din." Sabi nito sabay tawa.
Hindi ko maintindihan ang gusto nitong sabihin, pero sobra na ang takot na nararamdaman ko ngayon. Akma nitong hahaplusin ang pisngi ko na agad kong ikinaiwas.
"Dalhin mo na 'yan sa taas." Maawtoridad niyang utos.
Agad naman itong sinunod ng tauhan niya at dinala ako sa taas, kasunod no'n ay pinasok niya ako sa isang kwarto saka tinanggal ang tela na nasa bibig ko. Muli niyong sinara ang pinto at ng subukan ko itong buksan ay nakalock na ito, ano ng gagawin ko ngayon?
"Palabasin niyo ako dito! " Sigaw ko.
Paulit-ulit kong hinampas ng malakas ang pinto para marinig nila, pero wala pa ding nangyari.
"Kahit anong gawin mo hindi ka na makakatakas dito," sambit ng babaeng nasa likuran ko.
Binalingan ko naman iyon ng tingin, at siya ang babaeng nakita ko kanina na hila-hila ng isang lalaki papasok ng mansiyon.
"Wala na tayong kawala sa kanila, kapag sinubukan nating tumakas baka patayin nila tayo. " Dagdag pa niya.
Hindi na ako magtataka kapag ginawa nila 'yon, lalo na't wala sa mukha nila ang pagiging mabuting tao.
"Anong meron? Bakit nila tayo kinulong dito?" Nagtataka kong tanong.
Kanina pa ako naguguluhan at madaming katanungan sa isipan ko na hanggang ngayon hindi pa nasasagot.
"Kinulong nila tayo dito, dahil balak nila tayong ibenta sa mga foreigner sa malaking halaga."
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...