Sa paglipas ng isang linggo ay naging maayos naman ang pagtatrabaho ko dito sa mansiyon, maayos ang pakikitungo ni Manang Lena sa'kin minsan pa nga inaalalayan niya ako sa pagtatrabaho.
Nasa dining kami ngayun ni Manang Lena habang nagmemeryenda, kakatapos lang kasi namin maglinis dito sa baba at sobrang nakakapagod, wala ngang masyadong gamit pero nag-dodoble ingat kami lalo na't babasagin ang mga vase na nakadisplay dito.
"Manang, 'di ba kayo nahihirapan sa paglilinis nitong mansiyon? Ang laki kasi ta's mag-isa lang kayo," usal ko.
Malaki itong mansiyon kaya kulang ang isang araw para matapos mong malinisan ang buong bahay, 'di pa kasali don ang mga kwarto. Kulang ang tatlong maid sa laki nitong mansiyon dapat sampu.
"Hindi naman iha, dahil paminsan-minsan lang akong naglilinis. Bukod kasi sa ating dalawa ay meron pang isang kasambahay, nagbakasyon lang 'yon sa probinsiya nila at pabalik na din siya ngayon dito," paliwanag ni Manang Lena.
Tumango na lang ako bilang sagot at nagpatuloy lang sa pagmemeryenda ng biglang nag-ring ang phone ko. Nang makita ko ang caller id ni Nanay ay agad ko naman itong sinagot.
"Nay, napatawag kayo? Kamusta?" Natutuwa kong wika.
"Okay lang naman ako Alieson, ikaw kamusta ka diyan?" Sagot nito sa kabilang linya.
Miss ko na talaga si Nanay, kong malapit lang talaga siya sa'kin kanina ko pa siya niyakap.
"Ayus lang po ako dito, h'wag po kayong mag-alala. "
"Oh sige na iha at baka may ginagawa ka, kinakamusta lang naman kita,"
"Opo Nay, basta po mag-iingat kayo diyan. Tawagan ko na lang po kayo kapag wala po akong ginagawa."
Ibinaba na ni Nanay ang tawag kaya 'di ko naman maiwasang makaramdam ng lungkot. Miss na miss ko na talaga siya, kong may pera lang talaga ako para mahanap ang parents ko 'di ko na kailangan magtrabaho pa at lumayo sa kaniya. Hays!
"Siya ba ang Magulang mo?" Biglang tanong ni Manang.
Tumingin naman ako sa kaniya at malungkot na umiling.
"Hindi po Manang, ina-inahan ko po siya. Abala po kasi ang parents ko dati sa company at 'di nila ako nabibigyan ng oras, pero siya po ang nakakasama ko at gumagabay sa'kin hanggang sa paglaki ko." Pagkukuwento ko kay Manang.
Dati pa lang naman si Nanay na ang kasama ko sa lahat, ultimo family day sa school, birthday ko at graduation siya ang nandiyan. Nakakalungkot lang kasi kahit isang beses 'di nasubaybayan ng mga magulang ko ang paglaki ko. Tapos ngayon bigla na lang silang nawala na parang bula.
" Nasabi mong may compang kayo? Edi mayaman ka? Anong dahilan bakit ka nagtatrabaho? Alam ba to ng mga magulang mo?"
Sunod-sunod ang tanong ni Manang, pero lahat ng katanungan nito ay taging iling lang ang naging sagot ko.
"Dati po 'yun Manang, ngayon po hindi na. Nalulong ang parents ko sa sugal hanggang sa nabaon sila sa utang, kinuha ng bangko ang bahay namin at nabankrupt ang company na pagmamay-ari ng mga parents ko."
Bumuntong hininga muna ako bago magsalita ulit, sobrang bigat kasi sa loob kapag binabalikan ko ang mga nangyari sa'kin nitong nakaraan. Tama si Jesica, mas mahirap na nga ako kesa sa kanila ngayon, kaya nga napadpad ako dito eh.
" Kaya ngayon nagtatrabaho ako para makatulong kay Nanay at para na din mahanap ang parents ko, nawala kasi sila nong naging kumplikado na ang sitwasyon. Nakakatawa lang kasi iniwan nila ako at hindi binalikan, napapa-isip nga ako kong nag-aalala ba sila sa kalagayan ko o mas inuna na nila 'yung sarili nila dahil masyado ng magulo 'yung sitwasyon na sila naman mismo ang gumawa."
Kahit masakit pilit akong tumawa sa kalagayan ko ngayon, p*ta! sa totoo lang naawa ako ngayun sa sarili ko, kong 'di lang siguro dahil kay Nanay baka palaboy-laboy na ako sa kalsada ngayon.
"Ganiyan talaga ang buhay iha, puno ng pagsubok at problema. Pero naniniwala naman ako na malalagpasan mo din 'yan kong may tiyaga at pagpupursige ka talaga," advice ni Manang sa'kin.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa sinabi nito, nagkaroon na naman ako ng panibagong ina na masasandalan ko sa kabila man ng hamon na kinakaharap ko ngayon.
Matapos naming magmeryenda ni Manang ay magsisimula na sana kaming maglinis sa taas ng biglang may nagdoorbell.
"Naku! Si Lorie na ata iyan," saad ni Manang.
Binitawan nito ang hawak niyang feather duster at walis para pagbuksan ito ng pinto. Nang ganap ng buksan ni Manang ang pinto ay bumungad ang isang lalaking nasa 5'8 ang height habang hawak-hawak nito ang kaniyang maleta, nakasuot ito ng white long sleeve at bukas ang tatlong butones nito kaya naman kitang-kita ang nakaka-akit nitong dibdib. Jusko po!
Nakatuck-in ang suot nitong long sleeve sa suot niyang black trouser at white sneakers na mas ikinapogi niya lalo.
Kong babasehan naman sa mukha ay pasok na ito sa pagiging artista, two block haircut ang style ang buhok nito, maputi at makinis na mukha, kulay brown na mga mata at mahahabang pilikmata. Manipis at mapula ang labi niya kaso parang ang sungit niyang tingnan.Teka, bakit parang pamilyar sa'kin ang mukha ng lalaking to.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...