Pakiramdam ko nag-iisa na lang talaga ako, wala na si Nanay at hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang mga magulang ko.
Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko hanggang sa biglang kumulog at kumidlat dahilan para bumuhos ng malakas ang ulan. Hindi ako natinag at nanatiling nakatayo sa harap ng bahay nila Nanay, sumasabay sa buhos ng ulan ang mga luha ko at sobrang sakit isipin na ngayon mag-isa na lang talaga ako.
Bakit ganito 'yong buhay ko? Puro kamalasan na lang, hanggang kailan ba magiging ganito? Kasi sa totoo lang pagod na pagod na akong maramdaman na lagi na lang nag-iisa, tama na 'yong pahirap sa'kin sobra-sobra na 'yong sakit.
Habang umiiyak ay hindi ko na naramdaman ang pagdampi ng ulan sa katawan ko, agad ko naman iyong tinapunan ng tingin hanggang sa nakita ko na lang ang maamong mukha ni Sir Yaji."Let's go home, Alieson." Mahinahon niyang usal.
Nong mga oras na iyon ay bigla akong nagkaroon ng masasandalan, isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Sir Yaji saka humangulgol ng iyak. Ang pigil kong iyak kanina ay naibsan ng ilabas ko lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman ko ngayon, sana nanaginip na lang ako, sana kinabukasan ayos na ang lahat.
________________Nagising ako kinabukasan na magang-maga ang mga mata, hindi ko na lang masyadong inisip ang nangyari kagabi at ipinasalamat ko na lang dahil hindi na madadamay sila Nanay sa gulo ng buhay ko. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa trabaho para makalimot lang.
"Ali, sobra na 'yang kasipagan mo. Tara meryenda muna," nakangiting yaya sa akin ni Lily.
Itinabi ko na muna ang mga ginagawa at nagtungo na ng kusina para magmeryenda. Ang bilis ng oras at mga araw parang kailan lang ako nagsimulang magtrabaho dito pero 'di ko aakalain na maglilimang buwan na pala ako dito.
"Kamusta ka na, Alieson? " Tanong ni Manang.
"Maayus-ayus na po Manang, kahit papano gumagaling na din po ang sugat ko." Tugon ko sa kaniya.
Paano ba naman hindi gagaling eh, araw-araw nandito si Paolo para e-check ang sugat ko, kaya naman araw-araw din silang nagtatalo ni Sir Yaji. Gaya na lang ngayon.
"I said don't touch my things!" Bulyaw ni Sir Yaji.
Ano ba 'yan! Kanina pa 'yan silang dalawang ganiyan at sa tuwing nagsisigawan umaabot ng kusina ang mga boses akala mo naman ay walang ibang tao dito sa mansiyon.
" Easy Yaj, masyado ka naman atang highblood. Sabagay wala namang bago sayo, simula una pa lang naman your just a heartless ceo," saad ni Paolo.
Hindi na natapos ang bangayan nilang dalawa lalo na't walang magpapatalo kahit isa sa kanila, pinagpatuloy na lang namin ang pagmemeryenda at hindi na lang sila pinansin. Kahit si Manang hindi kinaya 'yong mga mataas nilang pride.
Lumipas pa ang mga araw ay nagpaalam muna akong magday-off kahit isang linggo lang, pinayagan naman ako ni Sir Yaji at gagamitin ko ang mga araw na 'yon para umpisahan ng hanapin ang mga magulang ko.
Sapat na ang ipon na meron ako, hindi ko nga lang alam kong paano ko ito sisimulan lalo na't mag-isa lang ako. Inilihim ko ang totoo sa kanila at tanging naging rason ako kaya ako nagday-off ng isang linggo ay para bisitahin sila Nanay pero hindi 'yon ang intensiyon ko.
Nagpasya akong humingi ng tulong kay Paolo at buti na lang din ay pumayag siya, sinikreto 'yon naming dalawa at sinabi ko na din sa kaniya na h'wag sabihin kahit kanino. Ayaw kong may mainvolve pang ibang tao sa problema na pinagdadaanan ko ngayon.
Naghire ng isang private investigator si Paolo para mapadali ang paghahanap namin sa parents ko, kahit papaano nagpapasalamat pa din ako dahil nandiyan si Paolo para tulungan ako, mas mapapadali ngayon ang paghahanap ko kela Mommy at Daddy.
Papunta kami ngayon sa apartment ni Atty. Leo para humingi na din ng tulong baka kasi may alam siya kong saan ko makikita ang mga parents ko, sa totoo niyan simula nong iwan niya ako kela Nanay ay hindi na ito kailan man nagpakita sa akin.
Pagkadating namin ay agad akong kumatok sa pinto nito pero walang sumasagot, sinubukan ko ding sumilip sa bintana pero mukhang wala atang tao sa loob.
"Tao po, Atty. Leo?" Muli kong sabi pero wala pa ding sumasagot. Saan na kaya 'yon?
"Iha? Sino hinahanap mo?" Biglang sambit nito.
Binalingan namin iyon ng tingin ng makita ang isang matandang babae na nasa tingin ko ay nasa mid 50 na ang edad nito.
"Hi, ate. Nandiyan po ba si Atty. Leo?" Tanong ko.
"Si Leo ba kamo iha? Abay matagal ko na 'yong pinalayas. Ilang taon na siyang hindi nagbabayad ng upa at walang ibang iniisip kundi ang pagsusugal," pagkukwento niya.
Si Atty. Leo nagsusugal? Pwede bang magsugal ang isang atty, saka sa totoo lang malaki ang sahod ng isang atty. kaya imposible naman ata ang sinasabi niya.
"Gano'n po ba, sige salamat po."
Sumang-ayon na lang sa kinuwento nito, ayaw ko ng makipagtalo pa baka kasi humaba pa ang usapan namin.
" He is an atty. I don't think so na pwede siya magsugal," usal ni Pao.
Naguguluhan ako ngayon, ang sabi niya sa'kin dati kaya nabankrupt ang company namin at nagkaroon ng malaking utang ang mga parents ko sa mga sindikato dahil nalulong sila sa sugal, pero hindi nasabi sa akin ni Atty. Na pati siya nagsusugal din.
" Gaano ba kalaki ang tiwala mo sa atty. na 'yon, Alieson? "
" Hindi ko alam, he is our private atty. Pinagkakatiwalaan siya ni Daddy pagdating sa company at sa iba pang bagay. Nong huli kaming magkita ay sinabi niya sa akin na hahanapin niya ang parents ko, pero hanggang ngayon wala pa din akong balita sa kaniya," paglalahad ko.
Wala na sila Mommy at Daddy, gano'n na si Nanay pati ba naman si Atty. Leo wala din. Saan ko naman silang lumalop hahanapin ngayon.
" And well, I think hindi ka dapat nagtitiwala sa ganong klaseng tao."

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...