Chapter 35

281 3 0
                                        

Sa paglipas ng mga araw ay nanatili lang akong nakamukmuk sa kwarto, walang kain at walang tulog. Sobra akong nangulila sa pagkawala ng mga magulang ko, hindi ko alam kong saan ako magsisimula para lang bumuo ng panibagong buhay mag-isa.

Matagal kong inasam na muling makasama sila Mommy, pero hindi sumagi sa isipan ko na hahantong sa ganito ang lahat. Araw-araw akong pumupunta sa libingan nila, hindi ako umaalis doon kahit na umulan man o umaraw.

"Alieson, nahihirapan ang mga magulang mo kapag nakikita kang ganiyan iha. Tara na, umuwi na tayo." Yaya sa akin ni Manang.

Ilang araw din kasi akong hindi umuwi sa mansiyon at nandito lang ako palagi sa libingan ng mga magulang ko, ayaw kong maramdaman ulit ang mag-isa. Mamatay na ako sa gutom pero hindi ako aalis dito sa puntod nila Mommy.

"Umuwi na po kayo Manang, hindi ko po iiwan sila Mommy," malungkot kong sambit.

Doble-doble ang sakit na bigay nito sa'kin, hindi ko alam kong paano ko ito masosolusiyonan. Ang pamilya ko lang ang meron ako, pero bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit ako pa!

Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko, sa totoo lang hindi ko kayang tanggapin na wala na ang mga magulang ko. Para na akong mababaliw sa sakit.

"Iha, kailangan mong tatanggan ang loob mo at tanggapin ang totoo."

"Manang, ano bang maling nagawa ko? Bakit sila Mommy at Daddy pa? Bakit 'yong pamilya ko pa? Sila na lang ang meron ako e,  hindi ko kaya kapag wala sila," umiiyak kong sambit.

Niyakap ako ni Manang para pagaanin kahit papaano ang loob ko, sobrang hirap tanggapin na wala na sila. Parang naglaho lang na parang bula ang pangarap kong muli kaming mabuo.

Umuwi kami ng mansiyon na magang-maga ang mga mata ko at tulala, pakiramdam ko hindi na ako to, pakiramdam ko ibang tao na ako dahil lang sa pagkawala ng mga magulang ko.
__________

"Alieson, anak?" Tawag nito sa akin.

Napabangon ako ng kama dahil sa boses na iyon, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata bago ko nakita sila Mommy at Daddy.

Nagsimula na namang maluha ang mga mata ko ng makita ang mga ngiti nila, iyon ang mga ngiti nilang hindi ko na masisilayan habang buhay.

"Mommy? Daddy?"

Tumakbo ako para yakapin ang mga ito, kahit sa huling pagkakataon na lang. Maramdaman ko lang ulit ang mainit nilang yakap.

"Alieson, anak. H'wag ka ng umiyak iha. Umalis man kami ng hindi nagpapaalam sayo lagi mo pa ding tatandaan na lagi kaming nandiyan sa puso mo." Si Mommy.

"Babantayan ka namin palagi iha, ingatan mo ang sarili mo. Mahal na mahal ka namin." Si Daddy.

Matapos kong marinig ang mga salitang iyon ay agad akong nagising kasabay no'n ang pagluha ng mga mata ko, bumangon ako ng kama at nagtungo sa kusina.

Wala ako sa sariling kinuha ang kutsilyo at itinutok iyon sa pala-pulsuhan ko. Kong hindi ko makakasama ang mga magulang ko ng buhay, mas mabuti pang magsama na lang kami sa kabilang buhay.

Sinugatan ko ang pala-pulsuhan ko gamit ang kutsilyong hawak ko, napabalik na lang ako sa huwisyo ng makita ang walang tigil na pagdurugo nito. Nabitawan ko ang kutsilyo at patuloy na umiiyak, wala akong ibang sinambit nong mga oras na 'yon kundi ang salitang Mommy at Daddy bago ako mawalan ng malay.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon