Chapter 5

535 5 0
                                        

Nang makarating kami ni Betty sa tapat ng gate ay agad naman siyang nagdoorbell, ng biglang may nagsalita na ikinagulat ko.

"Sino iyan?" Boses ng matandang babae na nasa kabilang linya.

Naks, soyal may pa-intercom, 'di naman imposible magkaroon ng gano'n lalo na't mayaman ang may-ari nitong bahay.

"Manang Lena, si Betty po ito. Nandito na po 'yung kaibigan kong mag-aapply ng kasambahay," tugon ni Betty.

"Gano'n ba, teka at pagbubuksan ko kayo ng gate," muli nitong usal.

Ilang sandali pa ay awtomatikong bumukas ang gate, kaya mas lalo na naman akong namangha. Anak mayaman din naman ako pero iba ang yaman ng mga tao dito. Royal Villa kaya to, hello!

"Tara na!" Yaya sa'kin ni Betty.

Sabay kaming pumasok sa loob ni Betty, pero pakiramdam ko taga bukid ako na manghang-mangha sa mga nakikita ko sa paligid.  Matataba ang tanim nitong bermuda grass sa buong palibot ng mansiyon na ngayun ay inaapakan na namin, sabayan pa ng mga magaganda at humahalimuyak na bango ng mga bulalak. Grabe! Sarap siguro magpicnic dito.

Sa totoo lang gusto kong magwala sa sobrang ganda mg paligid, pero pinigilan ko na lang ang sarili at idinaan na lang sa ngiti. Ilang sandali pa ay bumukas ang main door ng mansiyon kasabay no'n ang paglabas ng isang matandang babae na kasing-edad lang din ni Nanay. Siya siguro ang tinatawag na  Manang Lena ni Betty.

"Goodmorning Manang! Eto po pala si Alieson, kaibigan ko po," pagpapakilala ni Betty.

"Magandang umaga din at gan'on din sayu iha," nakangiti nitong sambit na binalikan ko din ng isang matamis na ngiti.

"Magandang umaga din po sa inyo Ma'am Lena." Usal ko.

"Manang na lang iha, 'di naman ako ang amo mo dito," natatawa niyang sabi.

Hindi ko maiwasang isipin si Nanay sa biglang naging tawa nitong si Manang Lena, pareho sila ng tawa kaya biglaan kong namiss si Nanay. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Sana okay lang siya.

"Ngapala sabi ni Betty balak mong magtrabaho dito?"

"Opo sana Manang," Tugon ko.

"Sakto iha at umalis ang isa naming katulong kahapon, kaya naghahanap kami ng bagong kasambahay ngayon. Buti na lang at nireto ka sa'min nitong si Betty."

"Manang, sakto naman kasi naghahanap talaga siya ng trabaho bago umalis si ate Flor," sagot ni Betty.

" Marunong ka naman ata sa gawaing diba?" Tanong ni Manang.

"Ah... Kasi po-"

"Oo naman po Manang, maasahan po 'yan sa lahat," singit ni Betty.

Maasahan sa lahat? Galing talagang sumingit nitong si Betty eh, galing din magsinungaling.

Tumango naman si Manang at mukhang naniwala ito sa naging sagot ni Betty, jusko Manang! Kong alam mo lang! Baka sesantihin mo ako agad.

"Oh siya, pumasok ka na at ituturo ko pa sayo ang mga gagawin mo."

Nauna ng pumasok si Manang Lena sa loob ng mansiyon at naiwan ako sa labas dahil sinabi  kong magpapaalam muna ako kay Betty. Nang tuluyan nang makapasok si Manang ay agad kong hinampas si Betty sa balikat nito.

"Aray! Alieson, alam mo kanina ka pa!" Pagmamaktol nito.

"Bakit mo sinabi na maasahan ako sa lahat? E, kakasabi ko lang sayo kagabi na 'di ako marunong magluto!" Bulyaw ko sa kaniya.

Ang bilis namang  magka-amnesia nitong si Betty, sarap bitinin.

"Alieson, as if naman matatanggap ka 'pag sinabi kong 'di ka marunong magluto."

"Kaya ba nagsinungaling ka?" Dire-diretso kong wika.

Napakamot na lang ito sa ulo niya at tila ba naiinis na. Ay naku Betty!

" Ali, pumasok ka na lang sa loob at simulan mo na magtrabaho. Imbes na magpasalamat ka sa'kin, hampas pa natanggap ko. Diyan ka na nga!" Naiinis nitong sambit saka naglakad papalayo.

"Hoy, Betty! Bumalik ka dito!" sigaw ko.

Hindi na ako nilingon ni Betty, at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Hays, attitude talaga!

Nagdesisyon na lang akong pumasok sa loob ng mansiyon dahil di na ako umaasa pang babalikan ako ng ma-attitude kong kaibigan.

Kumpara sa labas ng mansiyon ay mas nakakamangha ang ganda sa loob ng bahay, gawa din sa marmol ang sahig nito, sa sobrang kintab no'n pwede ng manalamin.
Mula sa kinatatayuan ko ngayon ay tanaw ko na ang napakagandang sala, Large grey sectional ang sofa nito at isang modern center table. Meron din siyang malaking flat screen tv na nakadikit sa dingding sabayan pa ng kumikinang at napakagandang chandelier.

Natatanaw ko din ngayon ang curved staircase nito na gawa sa salamin mula footstep hanggang handrail. Sobrang yaman talaga, ultimo footsteps ng hagdan gawa pa sa salamin. Malaki ang loob ng mansiyon pero wala siyang gaanong gamit at tanging mga mamahalin at babasaging base lang ang nakikita kong nakadisplay sa palibot.

"Ali, tapos ka na bang mag-inspection dito sa loob?" Natatawang saad ni Manang Lena.

"Nakakamangha lang Manang, kasi ang laki nitong bahay ta's ang ganda pa," nakangiti kong tugon.

Napangiti na lang si Manang naging sa turan ko. Hinatid na ako ni Manang sa maids quarter dahil doon ang magiging kwarto ko, kaya naman pagdating  doon ay agad ko ng inayus  ang mga damit ko. Kahit papaano malaki naman ang kwarto, meron itong single bed at dalawang unan saka kumot, mga cabinet na sapat lang para sa mga dala kong damit. May side table din siya para paglagyan ko ng relo at merong  ding isang single sofa.

Nang matapos na akong mag-ayus ng mga gamit ay nagpalit na din ako ng maid's uniform. Simpleng pants lang ito na kulay blue saka isang makapal na damit na may bulsa sa magkabilang gilid. Pakiramdam ko para ako ngayung nurse dahil gano'n ang style ng damit at pants na suot ko ngayon.

This is it Alieson! Kaya mo to.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon