Matapos ng lahat ng gawain ay naisipan kong tumambay muna sa veranda, tahimik kong nilalanghap ang sariwang hangin habang nasa malayo ang tingin.
"Yes that's true, and we are also planning to get married."
Ang salitang 'yun ay parang isang plaka na paulit-ulit na nariring ng utak ko, wala naman akong pakialam kong ikakasal na sila, pero nasasaktan ako dahil may gusto ako kay Yaji.
Mariin kong ipinikit ang dalawang mata, hanggang sa bigla ko na lang naramdaman ang isang coat sa balikat ko. Agad ko naman iyong binalingan ng tingin saka ko nakita si Yaji.
"Malamig dito sa labas, baka magkasakit ka," sambit nito.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito kaya naman ay tinapunan ko siya ng tingin, napakaamo ng mukha niya sa malapitan at napakaperpekto ng jawline niya kapag naka side view. Nanatili itong tahimik habang malayo ang tingin, para bang mayroon itong problema na dinadala.
"Ayus lang po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya siya akin at tumango bilang tugon.
"Tomorrow is my Mother's birthday, sana umattend kayo. Not as maid but a guest."
Iyon lang ang mga salitang huli niyang sinabi bago umalis, nakakapanibago siya ngayon. Kahit hindi niya sabihin halata namang mayroon siyang problema hindi niya lang ito masabi.
Kinaumagahan ay naging abala ang lahat ng mga tao sa mansiyon para sa paghahanda ng kaarawan ng Mommy ni Yaji. Hindi na din kami nag-abala pang magluto ng mga pagkain lalo na't nagpacater na si Sir Yaji.
Nasa veranda lang ang reception kong saan gaganapin ang birthday na ngayon ay inaayos na din nila. Ngayon naman ang dating ng Mommy ni Yaji galing Paris at sinundo na sa airport, bukod sa mga kwarto na inayos nmin para sa pamilya ni Yaji ay wala na kaming ibang ginawa kundi ang paghandaan ang nalalapit na birthday party mamayang gabi.
"Ali, ano susuutin mo mamayang gabi?" Tanong ni Lily.
Ilang oras na lang ay magsisimula na ang party, si Lily ay abala na sa pagpili ng dress na susuutin niya habang ako naman ay komportable lang nakahiga sa kama.
"Ewan, wala naman akong balak umattend."
"Bakit naman? Si Sir Yaji na nga mismo nagsabi na invited tayo, not as maid but as a guest." Kinikilig niyang wika.
Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ni Lily, una pa lang naman wala na akong hilig sa mga party. Mas gusto ko pang magmukmok sa kwarto kesa makisalamuha sa ibang tao.
Nagtalukbong na lang ako ng kumot at ipinikit ang mga mata, matutulog na lang ako kesa naman makijoin doon sa kanila.
__________Nagising ang masarap kong tulog ng makaramdam ako ng init, sunod-sunod ang tagaktak ng pawis ko kaya naman ay bumangon ako at bumababa ng kama para buksan sana ang electricfan ng may marinig akong dalawang taong nagtatalo.
"Nahihibang ka na ba? Do you want me to put a date raped drug in his drinks?" Hindi makapaniwalang sambit nito.
Teka, boses iyon ni Paolo ha.
"I have no choice Pao, gusto na nila Daddy ng apo at gano'n din ang gusto ng parents ni Yaji. But everytime that we talked about it umiiwas siya, he's always said that he is not ready."
Gustuhin ko man pigilan ang sariling makichismis sa usapan nila pero para bang naeengganyo akong makinig pa. Jusko Alieson!
"That was exactly his point Bea, he is not ready kaya hindi natin pwedeng pwersahin si Yaji dahil lang sa 'yun ang gusto niyo."
May point naman si Paolo, pero bakit kailangan pa umabot sa gano'n kung pwede namang pag-usapan na lang muna. Nagpaplano pa lang silang magpagkasal pero apo na agad ang nasa isip ng mga magulang nila.
"I'm sorry, I thought ikaw 'yung taong makakatulong sa akin pero hindi pala." Bakas sa boses ni Beatrice ang lungkot.
Hindi ko na alam kong anong naging sagot ni Pao sa kaniya dahil binuksan ko na ang electricfan at wala na din akong balak makinig pa sa usapan nila.
Iyon kaya ang dahilan kong bakit ang lalim ng iniisip ni Yaji kagabi, ang hirap pala kapag may mga taong dumidikta sa buhay mo hindi ka makakapagdesisyon ng para sayo.
Pagsapit ng alas nwebe ng gabi ay nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto para kumuha ng pagkain sa kusina, sakto namang nakasalubong ko si Manang.
Simpleng dress lang ang suot nito na bumagay naman sa kaniya, mayroon itong dala na naka-hanger na three piece suit at charcoal grey ang kulay nito.
"Oh iha, kumain ka na ba?" Agad nitong tanong sa akin.
"Kakain pa lang po Manang, para saan po 'yan?" Pagtutukoy ko sa suit na hawak-hawak nito.
Mukhang mamahalin ang suit na 'yun at sobrang ganda tingnan.
"Eto ba, kay Yaji ito binili ng Mommy niya. Para ito sa nalalapit na kasal nila ni Beatrice," nakangiti niyang sabi.
Tumango naman ako saka pekeng ngumiti, sa tuwing naririnig ko na ikakasal na si Yaji sobra akong nasasaktan. Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong gawain para tuluyan ng mawala 'yung nararamdaman ko para sa kaniya.
"Madaming pagkain doon sa labas iha, ako na ang kukuha at ilagay mo na lang ito sa kwarto ni Yaji." Utos ni Manang.
Binigay nito sa akin ang hawak niyang suit na agad ko namang inabot, umakyat na ako sa taas para ilagay iyon sa kwarto ni Yaji.
Kong magtatagal pa ako sa mansiyon na to baka sobra lang akong masaktan, wala na sila Mommy, Si Nanay pati ba naman ang taong akala kong nandiyan para sa akin ay ikakasal na sa iba.
Pagkarating sa kwarto nito ay maayus kong inilagay ang suit sa kaniyang cabinet bago ko itong marahang hinaplos.
"Best wishes, Yaji."
Tumulo ang luha ko ng hindi ko na lang namalayan, masakit pala ang magmahal lalo na kapag 'yung lalaking gusto mo ay ikakasal na sa babaeng gusto niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga palad, sinarado ko na din ang cabinet at nagdesisyon ng lumabas ng biglang bumukas iyon at pumasok si Yaji.
Nagulat ako sa bigla nitong pagsulpot lalo na sa ayos niya ngayon. Bukas ang tatlong butones sa suot niyang long sleeve, wala na din sa ayus ang suot niyang kurbata at seryoso lang ang tingin sa akin.
"Ayus ka lang ba?" Agad kong tanong.
Ang mga sumunod na pangyayari ay bigla kong ikinagulat, tinulak ako nito sa ibabaw ng kama at malakas na pinunit ang suot kong damit.

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fiksi Penggemar"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...