Chapter 47

155 2 0
                                    

"Healthy naman si Baby, Alieson. Basta ang lagi kung bilin sayu ay h'wag masyadong magpapagod at iwasan ang stress." Nakangiting wika ni Doc.

Isang beses sa isang linggo ako nagpapakonsulta kay Doc. Dionco para masigurado ang na safe ang baby ko, ilang buwan na lang ang hihintayin ko at malalaman ko na din ang gender niya. Sa tuwing naiisip ko ang bagay na iyon ay hindi ko mapigilan maexcite, nag-iisip na ako agad kung anong pwedeng e' pangalan sa kaniya.

"Maraming salamat po ulit Doc, lagi ko pong susundin ang bilin niyo," tugon ko rito.

Nakangiti ako habang hinahaplos ko ang maumbok kong tiyan, kaunti na lang mahal ko lalabas ka na sa tummy ni Mama at hindi na ako makakapaghintay pang makita ka.

"By the way, ilang linggo ka na din nagpapakonsulta sa akin pero kahit kailan hindi ko pa nakikita ang father ng baby mo. Wala ba siyang balak na samahan ka?" Kuryosong tanong nito.

Ngumiti naman ako ng peke at pilit na umiiwas ng tingin kay doc.

"Busy po kasi siya sa work niya doc, kaya hindi niya po ako nasasamahan." Pagsisinungaling ko.

Bukod kay ate Sabeth ay wala na akong pinagsabihan pa ng totoo, 'yan ang lagi kung nirarason sa kanila kapag nagtatanong sila tungkol sa ama ng baby ko. Ayaw ko namang ipagsabi na 'yung ama ng anak ko ay meron ng asawa't anak, mamaya ano pa ang isipin nila sa akin kahit 'di naman nila alam ang totoo at isa pa privacy ko na din 'yon.

"Gano'n ba."

Tumango naman ako sa kaniya bilang pag-sang-ayon. Mas magandang e' sarili ko na lang ang bagay na iyon lalo na't para rin 'yun sa privacy ko.

Lumabas ako ng clinic ni doc habang may mga ngiti sa labi, mabuti na lang at maingat ako araw-araw lalo na sa mga kinakain ko. Gusto kong maging healthy ang baby ko paglabas.

"Nandiyan na pala si buntis oh," sambit ni Mica ng makarating ako ng karinderya.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin, ang aga-aga balak na namang mang-asar nitong gurang na to.

Si Mica ay kapitbahay ni ate Sabeth at siya din ang tao na nagpapasok sa akin sa karinderya para magkaroon ako ng trabaho. Ilang buwan pa lang kaming nagkakilala pero naging malapit na kami sa isa't-isa, mabait kasi siya at masayahin kaya naman nag-eenjoy ako lagi na kasama siya ang kaso nga lang mapang-asar.

Minsan din napapaisip ako, kung pati ba siya ay pinaglilihian ko na din. May araw kasi na ayaw ko siyang makita minsan naman gusto ko siyang makita.

"Ang init!" Reklamo ko bago  umupo.

Hindi naman kalayuan ang clinic ni Doc. Dionco hanggang dito sa karinderya ang kaso nga lang tirik ang araw at sobrang init. Mas pinili ko na lang kasi na maglakad kesa sumakay ng tricycle lalo na't ayaw kong gumastos.

Dinalhan naman ako ni Mica ng isang basong tubig na agad ko ding kinuha at ininom, alas-diyes pa lang naman ng umaga kaya kaunti pa lang ang kumakain sa karinderya.

"Kamusta? Ano sabi ni doc? Maayus naman ba ang inaanak ko?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Dami mo namang tanong, isa-isa lang. Healthy naman si baby at ang sabi ni doc, iwasan ko lang daw mastress." Paliwanag ko sa kaniya.

Ngumiti sa akin si Mica saka tumango, uminom ulit ako ng tubig ng makaramdam ng uhaw. Naramdaman ko na lang bigla na marahan nitong hinaplos ang maumbok kong tiyan kaya napapangiti na lang ako.

Pagsapit ng hapon ay sinara muna namin ang karinderya bago umuwi, sabay na kaming umuuwi ni Mica sa hapon pero sa umaga naman ay nauuna siya lalo na't siya ang nagbubukas ng karinderya.

Pagdating ng plaza ay inalalayan ako nitong bumaba ng tricycle, limang buwan pa lang ang tiyan ko pero nauna agad siyang magsuhestiyon na maging ninang ng anak ko. Nakakatuwa lang dahil hindi pa man lumalabas ang anak ko, tanggap na agad siya ng mga taong nasa paligid ko.

Habang naglalakad ay tanaw na tanaw ko na agad ang isang pamilyar na rebulto ng isang lalaking nakatayo sa bakuran ni ate Sabeth. Nabuhay na naman ang kaba at takot sa puso ko, nong mga oras na iyon ay gusto kong tumakbo pero tila ba ayaw gumalaw ng mga paa ko. Sh*t! Anong ginagawa niya dito? At paano niya ako natunton.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon