Natuod ako sa kinatatayuan ko nong tapunan ako nito ng tingin, tumakbo ito papunta sa akin at nakangiti akong niyakap.
"Alieson! Thanks god I found you!" Naiiyak nitong sambit.
"Y-ya..j-ji!" Nauutal kong wika.
Hindi ako makapaniwalang natagpuan ako ngayon ni Yaji, natagpuan ko na lang ang sarili na niyayakap ito pabalik. Unti-unti kung naramdaman ang pagbagsak ng mga luha ko hanggang sa narealize ko na lang bigla na hindi pa ganap nawala ang nararamdaman ko para kay Yaji.
Kumalas ito sa pagyakap saka niya pinunasan ang mga luha ko, puno ng pag-iingat ng hawakan nito ang magkabila kong pisngi. Makikita sa mga mata nito ang pananabik na makita ako habang may mga ngiti sa kaniyang mga labi.
"Don't leave me again, Alieson! Pleaseee come back!" Mahinahon nitong saad.
Unti-unting naging malabo ang mukha ni Yaji habang may mga ngiti sa kaniyang labi bago ito naglaho sa paningin ko.
"Yaji!" Sigaw ko saka ako biglang napabangon sa kama.
Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalawa kong palad ng mapansing isa lang pala iyong panaginip. Napahawak na lang ako sa pisngi ko ng maramdaman ang biglang pagtulo ng mga luha ko, sa totoo lang may pagkakataong nanabik akong makita si Yaji, hindi ko din alam kong kagustuhan ko ba iyon o dahil iyon ang kagustuhan ng baby na nasa tiyan ko.
Bumababa ako ng kama para uminom ng tubig sa kusina, alas-singko na ng madaling araw kaya hindi na rin ako makakatulog nito. Hanggang ngayon iniisip ko pa din ang sinasabi ni Yaji sa panaginip ko, please come back? Anong ibig niyang sabihin doon?
"Madaling araw pa lang ha, bakit gising ka na?"
Napabaling naman ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na iyon, nakita ko si ate Sabeth na pababa ng hagdan at mukhang kakagising lang nito.
Eto ang oras ng gising niya para magluto ng agahan lalo na't maagang umaalis ng bahay si Mang Domeng para magtrabaho."Nanaginip ako ate Sabeth, kaya hindi na po ako makatulog." Pagdadahilan ko.
"Ang ama na naman ba ng anak mo ang napanaginipan mo?"
Bumuntong hininga naman ako bago tumango, hindi ito ang unang beses na napanaginipan ko si Yaji. At sa tuwing napapanaginipan ko siya ay hindi ko mapigilang ikwento iyon kay ate Sabeth.
"Alam mo iha, isa lang ang ibig sabihin niyan. Gusto ng ama ng baby mo na bumalik ka na sa kaniya at alam kong 'yun din ang gusto ng anak mo."
Gustuhin ko mang bumalik sa Manila ay hindi ko na iyon magagawa pa at kahit kailan hindi na ako babalik pa doon. Sobrang sakit ang pinagdaanan ko roon na hanggang ngayon ay bumabalik ang sakit sa tuwing sumasagi iyon sa isipan ko.
Dito na sa Pampanga ang tahimik na buhay na inaasam ko, kaya bakit ko pa babalikan ang magulong buhay ko sa Manila."Nasa sa iyo ang desisyon iha, pero kapag hindi ka pa handa ay h'wag mong pilitin ang sarili mo."
_____________Sa paglipas ng panahon ay mas naging maayus ang buhay ko sa probinsiya, kung dati rati'y naiiyak ako at nalulungkot sa tuwing napag-uusapan sila Mommy at Daddy, ngayon naman ay hindi na. Mas minabuti kong tanggapin na lang ang katotohanan na wala na talaga sila kesa naman ikulong ko ang sarili ko sa kalungkutan.
Pitong buwan na akong buntis ngayon kaya nama'y malaki at maumbok na din ang tiyan ko. Sapat na ang naging ipon ko para pampanganak ko kaya naman ay tumigil na ako sa pagtatrabaho.
Tuwing umaga at hapon ay naglalakad-lakad lang ako sa bakuran para daw kapag nanganak na ako ay hindi na ako mahihirapan pa. Sobra na akong naeexcite sa paglabas ng anak ko at sana sa paglabas niya hanggang sa kaniyang paglaki, h'wag niya sanang hanapin ang ama niya.
Nasa kwarto ako ngayun habang inaayus ang mga damit ng baby ko, buti na lang talaga ay malaki ang naipon kong pera, sapat na din para makabili ako ng mga gamit ni baby.
"Malapit ka ng lumabas mahal ko, konting buwan na lang ang hihintayin ni Mama at makikita na kita." Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay naluluha ako.
Naalala ko pa dati nong malaman kong buntis ako, hindi ko alam kong masisiyahan ba ako sa balitang iyon. Sobra akong nababalot ng kalungkutan ng mga oras na iyon, dahil sobra ko nong dinamdam ang pagkawala nila Mommy at hindi ko din alam kong kaya ko bang buhayin ang baby ko mag-isa.
Napadako naman ang tingin ko sa peklat na nasa palapulsuhan ko, eto 'yung sugat na nakuha ko ng tangkain kong patayin ang sarili ko. At sa tuwing nakikita ko ang peklat na iyon ay naalala ko si Yaji.
Nandito ako ngayon buhay na buhay dahil kay Yaji, pero sa kabila ng kabutihan niya sa akin nagawa kong itago sa kaniya ang anak niya. Patawarin mo ako Yaji kong dumating man ang oras na malaman mo ang totoo, hindi ito ang gusto kong mangyari pero gusto ko lang protektahan ang anak ko.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...