Nangangatal ang buo kong katawan dala ng takot dahil sa baril na nakatutok sa akin ngayon. Parang hindi agad maproseso ng utak ko ang mga nangyayari, paano nagawa to sa akin ng isang lalaking tinuring kong pangalawang ama.
"N-nasaan ang mga m-magulang ko?" Nauutal kong tanong.
Ngumisi ito sa akin na parang demonyo.
"H'wag mo ng hanapin sa akin ang mga taong namayapa na ngayon sa kabilang buhay, Alieson."
Para akong nabingi sa mga salitang binanggit nito, wala ako sa sariling umiling at hindi pinaniwalaan ang mga pinagsasabi niya. Kong nanaginip man ako ngayon gusto ko ng magising.
"Hindi 'yan totoo, nasaan sila Atty. nasaan ang Mommy at Daddy ko?" Sigaw ko sa kaniya.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbasak ng mga luha ko, pinilit ko ang sariling h'wag maniwala sa mga pinagsasabi nito, pero bakit iba ang dinidikta ng utak ko.
Kong totoo nga na wala na sila, 'yon ba ang dahilan kong bakit gabi-gabi ko sila napapanaginipan.Sa tuwing naiisip ko ang bawat ngiti nila Daddy at Mommy sa panaginip ko, sobra akong nasasaktan. Parang gusto ko na lang isipin na bangungot na lang ang lahat ng ito.
"Ang pamilya mo ang dahilan kong bakit ako naging ganito, Alieson! Inagaw ng Daddy mo ang lahat sa akin, ang kompanya at ang babaeng pinakamamahal ko!" Bakas sa boses nito ang hinanakit.
Wala akong alam sa kong anong dahilan kong bakit ganito ang ginawa ni Atty. sa amin. Naging mabuti kami sa kaniya sa matagal na panahon, pero kong meron man silang alitan ni Daddy hindi 'yon sapat na dahilan para tanggalan niya ako ng karapatan na muling makasama at mabuo ang pamilya ko.
"Ginawa ko ang lahat ng kaya ko para sa kompanya, pero kahit anong effort ang gawin ko hindi pa rin ako kayang tanggapin ni Don Raymundo dahil lang sa anak niya ako sa labas. Sa matagal na panahon na sakripisyo ko para makuha 'yong akin, laging sa Daddy mo napupunta ang lahat."
" At oo, Alieson. Ako ang kapatid ng Daddy mo na itinago nila dahil lang sa natatakot silang ipagsabi sa publiko na may anak si Don Raymundo sa labas. Sila 'yong dahilan kong bakit ako naging ganito, ipagdamot nila sa akin ang mga bagay na dapat para sa akin at sa kagustuhan kong makuha iyon ay pinatay ko silang lahat!"
Nanlalamig ang mga kamay ko sa rebelasyong nalaman ko ngayon, alam kong may kapatid si Daddy pero hindi ko inaasahang si atty. Leo pala iyon.
"Ang Mommy mo, siya ang unang babaeng minahal ko pero mas pinili niya ang Daddy mo kesa sa akin kaya pati siya pinatay ko din! Kinuha ko ang lahat ng tiwala niyo, ako din ang dahilan kong bakit nabankrupt ang company niyo. Nalulong ako sa sugal at umutang ng malaking pera sa mga sindikato kapalit mo! Ngayon, masaya na ako kasi wala ng sagabal sa buhay ko, pero hindi pa 'yon matatapos dahil isusunod na kita sa mga magulang mo!"
Namumula ang mga mata nito na nakatingin sa akin, nanatiling nakatutok sa akin ang baril pero nong mga oras na iyon ay hindi na ako nakaramdam ng takot. Wala na ang pamilya ko, wala na ding dahilan para mabuhay pa ako.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at ikinuyom ang mga palad, sobrang sakit para sa akin ang ginawa niya sa pamilya ko, gustuhin ko mang lumaban pero wala akong lakas na loob na gawin 'yon lalo na't may baril ito at sobra kong dinamdam ang pagkawala ng mga magulang ko.
Hindi ko matanggap lahat ng mga natuklasan ko ngayon, parang gusto ko na lang saksakin ang sarili ko ng paulit-ulit dahil pakiramdam ko unti-unti akong nadudurog sa sakit.
Narinig ko ang pagputok ng baril, hinintay kong tumama sa katawan ko ang bala ng baril pero hindi ko iyon naramdaman. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, saka ko nakita na nakabulagta si atty. Leo sa sahig kasunod no'n ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga pulis.
Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa mahagip ng dalawang mata ko si Yaji. Puno ng pag-alala ang mukha nitong naglalakad papunta sa direksiyon ko.
"Are you okay?" Namamaos niyang tanong.
Ipinikit ko ang mga mata ko saka dahan-dahang tumango, niyakap ako ni Yaji at don na ako tuluyang humagugol ng iyak.
"Mommy! Daddy!" Umiiyak kong sambit.
Nong mga oras na iyon ay si Yaji ulit ang naging sandalan ko, marahan nitong hinaplos ang likod ko para patahanin ako nito sa iyak.
"Shh! Don't cry. I'm here!"
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...