Chapter 45

284 3 0
                                        

"Ano? Gusto mong sabihin ko kay Yaji ang totoo?" Hindi ko makapaniwalang sambit.

Oo, inaamin kong si Yaji ang dahilan ng kalungkutan ko ngayun pero hindi ibig sabihin no'n na sasabihin ko na sa kaniya ang totoo.

"Yes, i think that is the right thing to do. Lalo na't may karapatan naman siyang malaman ang totoo." Tugon nito.

Tinapunan ko ng seryosong tingin si Pao na ikinaiwas nito, bakit ganito ang pakikitungo niya ngayon sa akin? Masyado na ba akong nagiging pabigat sa kaniya.

"Nagiging pabigat na ba ako say-"

"No! That's not what I mean. Gusto ko lang itama ang lahat Alieson, sa tingin mo ba 'pag nalaman ni Yaji na itinago mo sa kaniya ang anak niya hindi 'yon magwawala!" Sambit nito.

"At sa tingin mo ba kapag nalaman ni Beatrice na ang ama ng pinagbubuntis ko ay si Yaji, hindi magkakagulo?"

Hindi ko na napigilan ang sariling makipag-sagutan kay Paolo, sa mata ng ibang tao iisipin nilang kabet ako dahil kasal si Yaji at Beatrice. Pati anak ko madadamay at hindi ko kakayanin 'yon.

Si Paolo ang taong inaakala kung taong masasandalan ko sa ganitong sitwasyon pero bakit pakiramdam ko pinagtutulakan niya ako palayo sa kaniya. Pinaparamdam lang nito sa akin na mag-isa na lang ako.

"Pasensiya na Pao, hayaan mo bukas hindi na!" Usal ko bago pumasok ng kwarto.

Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin kay Yaji ang totoo dahil sa ayaw ko ng gulo, pagod na akong masaktan at umiyak ng paulit-ulit. Ayaw ko din namang palakihin ang anak kong nangungulila sa ama niya, pero mali ba na gusto ko lang siyang protektahan.

Unti-unti kung naramdaman ang pagbagsak ng mga luha ko, hindi ko mapigilang maawa sa sarili. Wala ng araw na hindi ako umiiyak, mula sa pagkamatay ng mga magulang ko hanggang ngayon. Sobrang hirap na lagi na lang ganito ang magiging sitwasyon ko.

Pagsapit ng ala-singko ng madaling araw ay tahimik akong nag-iimpake ng mga gamit. Ayaw ko ng maging pabigat kay Pao kaya aalis na lang ako, hindi ko din alam kung saan ako pupunta lalo na't wala naman akong malapit na kamag-anak dito sa Maynila hanggang sa sumagi sa isipan ko si ate Sabeth.

Minsan na din akong nakabisita sa probinsiya nila ate Sabeth sa Angeles Pampanga kaya doon ko naisipang pumunta. Mula sa Manila ay aabutin ng isang (1) oras at 54 minutes ang byahe kaya naman ay maaga akong umalis ng condo papunta sa terminal ng mga bus.

"Angeles Pampanga ate, isa na lang aalis na!" Wika ng kundoktor.

Huminga muna ako ng malalim bago ko binalingan ng tingin ang buong paligid, hindi na ako nakapag-paalam kay Pao bago  umalis pero nag-iwan naman ako doon ng sulat at sinabi ko din doon na h'wag na niya akong hanapin.

Sa probinsiya nila ate Sabeth ako mag-uumpisa ng panibagong buhay kasama ang anak ko, tama lang ang desisyon kung umalis para tuluyan na din akong makalimot sa bangungut na nangyari sa akin dito sa Manila.

Pagkadating ko ng Angeles Pampanga ay agad kung hinanap ang bahay ni ate Sabeth, napadaan pa ako sa plaza kong saan masayang naglalaro ang mga bata, maganda ang pamumuhay dito kaya masisigurado kong maganda din ang magiging buhay dito ng anak ko.

Habang tahimik na nagmamasid sa paligid ay namataan ko si ate Sabeth na nagwawalis sa kanilang bakuran kaya naman nakangiti akong naglakad papunta sa kaniya.

"Ate Sabeth?" Nasisiyahan kung sambit.

Mula sa winawalis ay napabaling ang tingin nito sa akin, nong una nagtataka pa ang mukha niya ng makita ako pero isang saglit pa ay agad nitong binitawan ang hawak niyang walis at puno ng pananabik akong niyakap.

"Alieson? Ikaw na ba 'yan iha? Grabe hindi kita nakilala. Ang laki ng pinagbago mo tapos....nanaba ka ata." Usal nito habang marahang pinipisil ang braso ko.

Tinapunan pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang inuusisa ang buo kong katawan.

"Grabe kayo ate Sabeth, ako pa rin po to si Alieson, walang bago sa akin." Masaya kong wika.

Muli ako nitong niyakap kaya naman napayakap din ako sa kaniya, ilang buwan din ang lumipas na hindi kami nagkita kaya sobrang saya ko na makita siya ngayon.

Pumasok kami sa munti nitong tahanan, madami din kaming napagkwentuhan ni ate Sabeth pero hindi ko sinabi na buntis ako. Ang sabi ko lang magbabakasyon lang ako dito sa kanila ng ilang buwan at wala naman iyong problema lalo na't welcome na welcome ako sa bahay nila.

"Ang mga magulang mo? Alam ba nila kung nasaan ka?" Bigla nitong tanong na ikinalungkot ko.

Naalala ko tuloy sila Mommy at Daddy, magkakaroon na sila ng apo pero hindi man lang sila nabigyan ng pagkakataon na maexperience ang pagiging lola at lolo. Nalulungkot ako sa tuwing naiisip kong wala na sila.

" Ahhmmm. Wala na po sila ate Sabeth, matagal na pong patay ang mga magulang ko."

Hirap man na sambitin ang mga katagang iyon pero ginawa ko pa din, gusto kong malaman ni ate Sabeth ang nangyari sa kanila at ayaw kong itago iyon. Mas masasaktan lang ako kung itatago ko 'yun lalo na't hanggang ngayun nandito pa din ang sakit.

Nanatiling tahimik si Ate Sabeth at hindi makapagsalita, pati siguro siya ay hindi makapaniwala sa binanggit ko, marahan ako nitong hinila para yakapin. Hindi ko man sabihin sa kaniya na nalulungkot ako pero alam kong ramdam na ramdam niya ang bigat na dinadala ko.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon