Chapter 10

185 2 0
                                    

"What the! Bakit ang pait ng kape mo?" Reklamo niya.

Napasapo na lang ako sa noo ko  dahil sa ginawa kong kapalpakan nga 'yong araw. Myghad Alieson! Kape lang 'yan ha! Bw'sit!

"Pasensiya na po Sir, hindi po kasi ako marunong magtimpla ng kape," pag-aamin ko.

"It's just a coffee, hindi ka pa marunong magtimpla. What's the use of you working as my maid, e kong sa pagtimpla pa lang ng kape hindi mo na magawa ng maayos."

Bakas sa boses nito ang inis, padabog nitong ibinaba ang hawak niyang mug sa lamesa saka ito umalis. Hays!

Napakasungit talaga ng lalaking 'yon, siguro nong pinagbubuntis 'yun ng Mama niya pinaglihi 'yon sa sama ng loob kaya naging gano'n ang ugali. Ako nga hindi nagreklamo kahit na sa harap ko mismo ibinuga 'yong kape.

Hoy! Yaji Figueroa, pasalamat ka pa nga at tinimplahan kita ng kape kahit panget ang lasa, kesa naman sa wala. Tsk!

Padabog akong pumunta ng kwarto para magpalit ng damit, nangangamoy kape na kasi  ako at malagkit na din sa kawatan. Napakasungit talaga ng bw*sit na 'yon, buti natiisan pa nila Manang ang gano'ng ugali.

***
Nabulabog ang masarap kong tulog dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ko, wala ako sa sariling napabangon ng kama para buksan ang ito.

"Alieson, pasensiya ka na iha ha. Aalis kasi kami ngayon ni Lily para mamalengke, pwede bang ikaw na lang muna ang magluto ng agahan ni Yaji ngayon? Kahit piniritong hotdog at itlog lang, initan mo na din siya ng tinapay saka kape kasi 'yun ang lagi niyang kinakain sa umaga," Mahabang bilin ni Manang Lena na tinanguan ko naman agad.

Muli kong sinara ang pinto at pabagsak na humiga sa kama.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising para maligo,baka mamaya kasi  tambakan na naman ang trabaho. Mahirap ng maligo na pagod ang katawan at baka mapasmo pa ako.

Nang matapos na, ay pumunta na akong kusina para tumulong sa pagluluto ng agahan.

"Manang? Lily?" Tawag ko sa kanila, pero kahit isa sa kanila ay walang sumagot.

Nasaan na kaya ang mga 'yon? Bakit walang tao dito sa kusina? Umalis ba si-
Hindi na natapos ang gustong sabihin ng utak ko dahil bigla kong naalala na namalengke pa sila Manang.

Patay! Binilinan pa naman niya akong lutuan ng agahan si Sir Yaji, pero hindi ko nasabing hindi pala ako marunong magluto. Pabagsak akong napaupo sa upuan, ito na ata ang huling araw ko sa bahay na to. Hays! Kainiss!

Dahil wala nga akong choice ay nagprito na lang ako ng hotdog saka itlog, nagtimpla na din ako ng kape ni Sir at nag-init ng tinapay. Pakiramdam ko para akong tanga ngayon, meron kasing kaserola sa taas ng ulo ko, 'yung takip naman ng kaserola ay nasa kaliwang kamay para magsilbing panangga ko sa talsik ng mantika at ang tong ay nasa kanan. Para tuloy akong nakikipagdigmaan sa mantika eh! Letche!

Nang matapos na akong magluto ay lakas-loob ko itong inihain sa hapag-kainan kong saan nandon na din si Sir Yaji.

Ang maayos nitong mood ngayong umaga ay napalitan ng nakakatakot na awra ng makita ang pagkaing nakahain sa lamesa, agad naman itong tumayo sa kaniyang upuan at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin.

"Can you still call that food?" Sabay turo sa pagkaing nasa lamesa.

Sa tingin ko kinulang ata 'yung luto ko sa hotdog at saka itlog, muntik na kasing masunog sa sobrang itim na no'n.

Nanatili lang akong tahimik, inaadmit ko naman kasi na mali ako e. Ikaw ba naman lutuan ng sunog na pagkain, tingnan ko lang kong 'di ka magagalit.

" Simpleng pagkain lang ang pinapaluto sayo, hindi ka pa marunong.  I can't believe you've been a maid here, even though you don't know how to cook. I'm so dissapointed!" Umiigting ang panga nitong sambit saka niyo niluwagan ang kaniyang kurbata.

Ang malas ko naman ata, naseromonan na ako kahapon at nabugahan pa ng kape ta's ngayong umaga panibagong sermon na naman.

"Yaji, anong nangyari at umaabot sa labas ang boses mo?" Nagtatakang tanong ni Manang, at palipat-lipat ang tingin nito saming dalawa.

"Because of our new maid! Kumuha nga kayo ng kapalitan ni ate Flor, pero palpak naman magluto!" Matigas nitong saad.

Nakayuko lang ako ngayon at pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo. Ang hirap talaga kapag softhearted ka, 'yung feeling na napagsasabihan ka lang pero masakit na agad sa part mo.

"Honestly, I don't waste food. Bakit hindi na lang ikaw ang kumain ng pagkaing niluto mo para sa'kin."

"Yaji!" Suway sa kaniya ni Manang.

Patuloy lang ang pag-igting ng panga nito bago tuluyang umalis. Hinaplos ni Manang ang likod ko para kahit paano gumaan ang loob ko. Kong alam ko lang na ganito ang magiging amo ko, sana pala hindi na ako nagtrabaho. Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko kaya agad naman akong niyakap ni Lily.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon