Chapter 13

188 2 0
                                    

Napabangon ako sa kama ng biglang makaramdam ng pananakit ng ulo. Shit! Hang-over.

"You're awake."

Nagulat naman ako bigla ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin  saka ko nakita ang si Sir Yaj, na nakaupo sa isang sofa na nasa harap ng kama. Teka, nasaan ako?

Pinaikot ko naman ang tingin sa buong paligid bago ko napagtantong hindi ko ito kwarto kundi kay Sir Yaji. Hays! Nakakahiya ka talaga Alieson. Pero paano ako napunta dito?

Malapad ang ngisi na ibinigay ko kay Sir Yaji na ngayon ay seryoso na ang awra nito.

"Pasensiya na po Sir ha, pero pwede ko bang malaman kong paano ako napunta dito?" Agad kong tanong.

Tumayo ito sa kinauupuan niya at naglakad papalapit sa'kin hanggang sa umupo ito sa tabi ko.

"You seduce me last night," kalmado niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito, ano daw? Seduce? Impossible naman ata ang sinasabi nito, hindi ko magagawa 'yon. Pinilit ko naman ang sariling alalahanin ang nangyari kagabi pero kahit na isa ay walang nagpaflashback sa utak ko.

"Sa tingin mo? Anong kayang gawin ng isang lalaking kagaya ko sa sa isang babaeng lasing na kagaya mo? It is possible that something could happen to  the two of us?"

Lasing? Papaano ako nalasing kagabi? E, sa pagkakaalam ko matapos kong bisitahin si Nanay ay umuwi na agad ak-. Shuta! Si Betty, niyaya niya ako sa bar kagabi at tinuruang uminom.

Nagmadali naman akong tumayo sa kama at dumistansiya kay Sir Yaji. 

"Sir, pasensiya na po." Aalis na sana ako ng bigla itong nagsalita.

"Nag-enjoy ako kagabi," kagat-labing sambit nito.

Nakailang lunok ako ng marinig ang salitang 'yon, ibig sabihin ba nito may nangyari talaga sa aming dalawa? Hindi to pwede!

Nagpanggap akong wala akong narinig at agad na lumabas sa kwarto niya, hindi na talaga ako natutuwa sa mga pinangggawa ko. Bakit pa kasi sumama-sama pa ako kay Betty eh.

Nang makababa na ako ng hagdan ay nakasalubong ko si Lily na may dalang walis at dustpan.

"Oh! Alieson, gising ka na pala," sambit nito.

"Ahh oo, sige maligo na muna ako." Paalam ko sa kaniya.

Pagkadating ko ng kwarto ay hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga sinasabi nito. Hindi pwedeng may mangyari samin noh, pinangako ko pa naman sa sarili ko na  ibibigay ko lang ang virginity ko sa taong mapapangasawa ko, hindi kong kani-kanino lang. Hays! Alieson napakatanga mo.

Habang naliligo ay sinusubukan kong alalahanin kong anong nangyari matapos akong malasing, pero habang tumatagal ay sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip. Takteng hang-over kasi to!

Pagkatapos maligo at magbihis at nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto para tumulong kay Lily sa paglilinis, sakto naman na nasa sala siya at nagvavacum.

"Ako na diyan Lily," wala gana kong sabi.

Kinuha ko sa kaniya ang hawak nitong vacum  saka ko pinagpatuloy ang ginagawa nito.

"Okay ka lang ba Alieson? Masakit pa ba ulo kaya ganiyan ang awra mo ngayon," aniya.

"Oo e. Lily, pwede ba ako magtanong sayo?"

Pinatay ko ang hawak kong vacum para makapag-usap kami ni Lily. Baka masagot ni Lily ang tanong ko, kong ano ba talaga ang nangyari kagabi nong malasing ako.

"Diba lasing na ako na umuwi dito kagabi? Pwede ko ba malaman kong sino ang nagbukas ng gate?" Tanong ko sa kaniya.

"Madaling araw ka na daw umuwi sabi ni Sir Yaji , malamang masarap pa ang tulog namin ni Manang no'n. Kaya 'yung nagbukas ng gate para sayo ay si Sir Yaji."

"Papano naman ako napunta sa kwarto ni Sir?" Sunod kong tanong.

"Ang pagkakaala ko na knock-out ka daw bigla dahil sa kalasingan, hindi naman pumupunta si Sir Yaji sa maid's quarter kaya hindi niya alam kwarto mo, kaya doon ka na lang niya dinala sa kwarto niya. Ang swerte mo nga e, sana ako na lang ikaw." Kinikilig pa nitong sabi.

Napailing na lang ako, mukhang isa pa 'tong patay na patay kay Sir  Yaji e. Naku, Lily.

"Hindi naman sa ano noh! Kasi ano e, possible kayang may nangyari sa'min ng gabing 'yon." Diretsa kong sabi.

Seryoso akong tiningnan ni Lily ng biglang humagalpak ito ng tawa, seryoso ba? Tinawanan lang ako. Mukha ba akong nagbibiro! Walangya naman.

"Assumera! Hoy Alieson, babaan mo masyado mag-imagine masyadong mataas eh. "

"Seryoso ako Lily, h'wag mo nga akong tawanan!" Naiinis kong wika.

Patuloy lang ito sa pagtawa at may pahawak pa ng tiyan na para bang sobrang nakakatawa talaga 'yong sinabi ko. Pambira naman!

" Ikaw kasi grabe ka magjoke, sa family room natulog si Sir Yaji kagabi, kaya impossible 'yang sinasabi mo. Patawa ka e noh!"

So ibig sabihin hindi totoo na may nangyari samin at inaasar lang ako ng mokong na 'yon. Ang lakas naman ata ng trip niya.

Padabog kong binitawan ang hawak kong vacum dahilan para tumama ito sa katabi niyang  vase saka ito biglang nahulog at nabasag. Paktay!

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon