Chapter 42

142 1 0
                                    

"Bukas ang kasal ni Beatrice at Yaji, wala ka bang balak umattend?" Tanong ko kay Pao.

Rest day niya tuwing martes kaya naman nandito siya ngayun sa bahay at nagpapahinga, pero ang totoo niyan 'yung pahinga niya is 'yung paglalaro ng cod sa cellphone niya.

"Kung ikaw nga ayaw mong umattend dahil ayaw mong makitang ikakasal si Yaji, paano pa kaya ako." Tugon nito habang nasa laro ang tingin.

May point naman siya, napakasaklap lang dahil pareho kami ng kapalaran ni Pao. Pero kung tutuusin mas nasasaktan siya ngayon, dahil 'yung babaeng sobra niyang minahal ay buntis at ikakasal na ngayon.
Nakikita ko kung gaano katatag si Pao, nililibang niya na lang ang sarili sa trabaho para makalimot.

"It hurts na makitang ikakasal na sa iba 'yung babaeng mahal mo, but it hurt's more when I found out that she was pregnant." Bakas sa boses nito ang lungkot.

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Pao, eto ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. Ako nga nasaktan na ng malamang ikakasal na si Yaji, paano pa kaya pag nalaman mong buntis sa iba ang taong mahal mo.

Niyakap ko si Pao saka ko narinig ang paghagulgol nito, oras na para ako naman ang maging sandalan niya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon, pakiramdam ko hindi na talaga niya kayang kimkimin lahat.

Eto ang unang beses na nakakita ako ng isang lalaking umiiyak, hindi ko mapigilan ang sariling maawa sa kaniya. Sa lahat ng sakripisyo na ginawa niya para kay Beatrice, pero sa huli hindi pa rin siya ang pinili.
___________

"Aalis ka?" Tanong ko ng makitang nakabihis ito.

Tumango ito sa akin bilang sagot habang inaayus ang suot-suot nitong relo.

"Ingat!" Wika ko.

Kakatapos lang umiyak ni Pao, kaya naman magang-maga ang mga mata nito. Hindi ko alam kung saan ang punta niya pero hindi naman pormal ang suot nito.

" I will call you, kapag uuwi na ako. Just always lock the doo-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin ng makita ang mga nakahain na pagkain sa itaas ng lamesa. Nakataas ang dalawang makakapal nitong kilay na naglalakad pa punta sa direksiyon ko.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

Binalingan ako nito ng seryosong tingin mula ulo hanggang paa.

" Kailan ka pa kumakain ng ganiyan kadami, Alieson. I mean look at yourself, nanaba ka ata."

Tiningnan ko naman ang sarili ko, ganon pa din naman ang pangangatawan ko, nagiging matakaw nga lang ako nitong mga nakaraan pero walang bago sa akin. Paminsan-minsan lang kasi kami magsabay kumain nitong si Pao kaya hindi niya nakikita kung gaano ako katakaw pagdating sa pagkain.

Nitong mga nakaraang araw kasi mayroon akong pagkain na hinahanap, minsan naman natatakam ako sa mga pagkain na nakikita ko sa tv lalo na kapag nanunuod ako ng mga mukbang. Pero para sa akin normal lang naman mag-crave ng pagkain.

"Your so weird, Alieson!"

Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi nito at nagpatuloy na lang sa pagkain, ilang segundo din ang lumipas na nakatingin lang sa akin si Pao hanggang sa bigla akong natigilan sa pag-nguya ng makaramdam ako ng pagduduwal.

Napatakip na lang ako ng bibig habang hindi maipinta ang mukha ni Pao na nakatitig sa akin. Hindi na ako nakapagpigil at tumakbo na ako sa banyo para magsuka, naramdaman ko na lang ang paghagod ni Pao sa likod ko habang patuloy pa din akong nagsusuka.

Madami ata akong kinain at hindi na nagkasya sa tiyan ko kaya sinuka ko na lang, hayst! Ano ba 'yan.

"This sickness is very familiar to me, kailan ka pa nagsimulang magsuka?" Tanong nito.

Mukhang kinapos ako sa paghinga dahil sa pagsusuka kaya hindi agad ako nakasagot, nang matapos ay nagmumog muna ako bago sagutin ang katanungan ni Pao.

"Nitong mga nakaraang araw pa, tuwing paggising ko sa umaga nagsusuka ako at kapag kumakain ako ng pagkaing ayaw ng panlasa ko." Sagot ko sabay bumuntong hininga.

Ilang araw na akong ganito at sobra na akong naweweirduhan sa sarili ko,  sabi ko magpapacheck-up na din ako kay Pao dahil baka meron pala akong sakit ng hindi ko nalalaman.

"Check mo naman ako, baka kasi may lagnat ako. Pero hindi naman ako mainit, wala ding ubo at sipon."

Kinuha ko ang palad ni Pao para ilagay sa noo ko, doctor siya kaya alam niya kong anong sintomas ng sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Pero kasama din ba sa sintomas ng sakit 'yung bigla ka na lang maiiyak kahit na hindi naman talaga nakakaiyak ang pinapanuod mo, mukhang hindi doctor ang kailangan ko kundi psychiatrist. Hayst! Nababaliw na ata ako.

" Sa ganiyang sitwasyon, ob-gyn ang kailangan mo hindi ako." Pagsusungit nito.

Ob-gyn? Ano namang kinalaman no'n sa kondisyon ko ngayon.

"Nababaliw ka na ba? Ang ob-gyn na tinutukoy mo ay para lamang sa mga babaeng bunti-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng bigla akong natigilan, teka ilang araw na ba akong delayed?

"What? I think I will make an appointment with Ms. Gabales today." Nakangisi nitong wika saka umalis.

Sunod-sunod ang paglunok ko at hindi agad maproseso ng utak ko ang mga nangyayari ngayon. Hindi to pwede!

"Teka, Pao!"

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon