Wala ako sa sariling patuloy lang na naglalakad sa hallway ng hotel, hanggang ngayon para pa din akong dinudurog dahil lang sa nakita ko kanina. Gusto ko man umiyak pero pinigilan ko na lang ang sarili.
Pagdating ko sa labas ng pinto ng kwarto ay sin-wipe ko na ang dala kong card key para buksan ang pinto, nang makapasok na ay agad ko namang nakita si Sir Yaji na matamang nakaupo sa gilid ng kama.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang banyo, nang pihitin ko na ang pinto ay bigla itong nagsalita.
"Saan ka nanggaling?" Seryosong tanong niya.
"Nagpahangin lang po, Sir. Bukas po pala babalik na po ako ng syudad," pagpapaalam ko sa kaniya.
Ayaw ko na sanang magpaalam pa at umalis na lang pagsapit ng umaga, pero kahit papano boss ko pa din siya. Tama lang na alam niya.
"Okay, I'll book you a ticket," turan nito.
Ang sakit na naramdaman ko kanina ay mas dumoble ngayon, sabagay ano namang mapapala ko kong mag- eestay pa ako ng matagal dito. Sarili ko lang din naman ang sasaktan ko.
"H'wag na po Sir, may pera po ako," pinal kong sagot bago ako pumasok ng banyo.
Nakasandal lang ako sa pinto habang tinatakpan ang bibig para pigilan ang hikbi, hindi ko alam kong bakit nararamdaman ko to ngayon pero ang sakit.
________________KINABUKASAN
Nang matapos kong ligpitin ang mga damit ko ay naligo na din ako saka nagbihis, hindi ko alam kong magsisisi ba ako na sumama pa dito e, hindi naman ako nag-enjoy, nasaktan pa!
Pagkalabas ko ng banyo kagabi ay wala si Sir Yaji hanggang sa paggising ko, hindi ko na siya hinanap pa dahil panigurado magkasama na sila ngayon Beatrice.
Nakasakay na ako ngayon ng yate papuntang caticlan port, hindi na ako nakapagpaalam pa kay Sir Yaji at sinadya ko talaga 'yon. Hindi naman umabot ng isang oras bago ako nakarating ng port at agad akong nagpaalam sa isang staff ng hotel na naghatid sa akin.
"Salamat po Sir, sa paghatid." Pagpapasalamat ko.
"Walang anuman po, Mrs. Figueroa."
Nandon sila kahapon nang sabihin ni Sir Yaji kay Beatrice na magiging fiance ako nito, kaya naman ay hindi na ako nagtataka kong tatawagin niya akong Mrs. Figueroa ngayon.
"Saka nga po pala Ma'am, pinabibigay po ito ni Sir Yaji, plane ticket daw po iyan." Sabay abot sa'kin ng isang pirasong papel na nakatupi.
"Balik mo na lang po sa kaniya 'yan, balak ko po kasing magbarko na lang pabalik ng Manila." Pagtatanggi ko.
Hindi ko na kinuha ang inabot nitong plane ticket at nagsimula na akong maglakad papunta sa bilihan ng ticket para sa pagsakay ko ng barko. Gustuhin ko man tanggapin ang ticket na 'yon pero takot ako na sumakay ng eroplano, takot ako sa matataas at kong ano-ano ang naiisip ko kapag nasa loob na ako ng eroplano, na baka may plane crash na mangyayari at isa 'yon sa kinakatakutan ko.
Gaya ng una naming byahe ay lilipas uli ng anim na oras na gugulin mo sa barko, bago ka makarating ng batangas port. Umalis na ang barko pero mabigat pa din ang loob ko at meron pa ding hinanakit sa puso ko, hindi ko alam kong dapat ko ba tong maramdaman lalo na't una pa lang naman nagpapanggap lang kami at talo ako kasi ako 'yong nahulog.
Pagkalipas ng anim na oras ay nakadaong na ang barko sa batangas port at nag-umpisa na ding magsibabaan ang mga pasahero. Ayaw ko munang umuwi ng mansiyon kaya naman naisipan ko munang dalawin si Nanay.
Sumakay na ako ng taxi ng makababa na at matagal-tagal pa naman ang byahe papuntang Manila kaya naman ay natulog muna ako.
___________"Ma'am, gising po. Nandito na po tayo," sabi ni Manong driver.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata bago ko klarong nakita si Manong driver, sobra ba akong napagod sa byahe at nakatulog ako ng gano'n katagal. Hays.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko para magbayad bago ako bumaba ng taxi, huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok ng eskinita. Malayo pa ako sa bahay nila Nanay, pero parang nagkakagulo sa bandang unahan dahilan para magkumpulan ang mga tao sa paligid. Anong meron?
Lakad-takbo ang ginawa ko dahil sa pag-aalala kay Nanay, ilang metro lang ang layo ng matanaw ko ang limang naka-civilian na kalalakihan sa harap ng bahay ni Nanay. Napako agad ang tingin ko kay Nanay na ngayon ay hila-hila ang buhok niya ng isang lalaking malaki ang katawan at madaming pang tattoo.
Lalapit na sana ako ng biglang may humila sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...