Chapter 2

278 5 3
                                    

Gulat na gulat ako nang makita ang duguan na si Att. Leo sa labas ng pintuan, madami itong sugat at pasa lalo na sa kaniyang mukha. Para siyang nabugbog ng husto

"Att.Leo, ano pong nangyari sa inyo?" Nag-aalala kung tanong.

"Ali," mahinahon niyang wika.

Halatang hirap na hirap ito sa pagsasalita dahil na din siguro sa malalang sinapit nito. Agad ko naman siyang inalalayang tumayo para ipasok sa loob ng bahay.

"Ate Sabeth, tulong!" Sigaw ko.

Nang makarating ng sala ay nagulat si ate Sabeth ng makit si att. Inutusan ko na lang din siya na kunin ang first aid kit sa kwarto ko para magamot na ang mga sugat ni att. Ilang minuto lang ay nakabalik na si ate dala-dala nito ang first aid kit at saka agarang ginamot si att.

"Ali, u-umalis ka na d-dito habang m-maaga pa," na-uutal nitong wika habang ginagamot ko siya.

"Ano po bang pinagsasabi niyo?" Nagugulumihanan kong tanong.

Masyado na akong naguguluhan sa mga pangyayari, dumating siya dito na duguan ta's ngayon gusto niya akong paalisin sa sarili kong bahay.

"Hindi makakabuti sayo kong mananatili ka pa dito, baon na baon na sa utang ang mga magulang mo. Mapapahamak ka lang," sambit nito.

Hindi ko na maintindihan ang mga nangayayari dahil mas lalo akong naguluhan, baon na baon na sa utang ang parents ko? Paano nangyari 'yon?

"Att, hindi ko po kayo maintindihan."

Biglang hinawakan ni att. ang kamay ko at tiningnan ako nito ng seryoso.

"Ali, matagal ng nabankrupt ang company niyo dahil nalulong ang mga parents mo sa sugal, malaki na din ang utang nila sa bangko at ngayon sinisingil na sila, kasama na din 'yung mga sindikatong pinagkakautangan nila," paliwanag nito.

"Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon, pero kailangan mo munang makaalis dito." Dagdag pa niya.

Nagulat ako sa mga nalaman ko ngayon, buong akala ko abala ang parents ko sa pag-aasikaso ng kompanya, 'yon pala abala sila sa pagsusugal at pati ako kinalimutan na nila. 'Di ako makapaniwalang nangyayari sa pamilya namin ngayon to.

"Nasaan ang parents ko? Si Mommy? Si Daddy?"

"Ali, nagtatago na ang mga magulang mo kaya 'di ko alam kong nasaan na sila ngayon," saad ni att.

Nagtatago sila? Pero ako pinabayaan nila, hindi ito ang oras para magtanim ako ng sama ng loob sa magulang ko pero sobra-sobra 'yung bigat sa loob dahil sa mga pinangagawa nila, 'di ko alam kong kakayanin ko to mag-isa.

Gaya nga ng sabi ni att. umalis kami ng mansiyon para matiyak daw ang kaligtasan ko at 'di ako masali sa gulo ng parents ko. 20 na ako pero 'di ko alam na nagsusugal pala sila, pinaniwala nila ako na abala sila sa kumpanya pero 'di rin pala.

Pansamantala ay kela Nanay muna ako habang si ate Sabeth ay pinauwi ko muna sa probinsiya nila, mas makakabuti din 'yun kesa dito siya mag-istay lalo na't wala pa naman akong pampasweldo sa kaniya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Nanay.

Nasa balkonahe ako ngayon at malungkot na tinitingnan ang paglubog ng araw. Malungkot kong tiningnan si Nanay habang umiiling.

"Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit sa pamilya pa namin nangyari to. Nay," wika ko.

"Ganiyan talaga ang buhay nak, puno ng problema at pagsubok. Pero naniniwala akong malalagpasan mo din ito," tugon nito.

Niyakap ako ni Nanay at gano'n din ang ginawa ko, kong nasa'n man ang parents ko ngayun sana okay lang sila.

***
"Nena, ayos lang ba kong dito muna si Ali sa inyo?" Tanong ni att. kay Nanay.

"Walang problema Att, mas makakampante din ako kong dito muna siya," tugon naman ni Nanay.

Tahimik lang akong nakaupo sa gilid habang nakikinig sa usapan nila Nanay at Att. Sinubukan daw kontakin ni att. ang parents ko pero di daw ito makontak. Kamusta na kaya sila, sana nasa maayus silang kalagayan ngayon.

"Pansamantala lang naman ito Nena, masyado pang magulo ang sitwasyon." Sabay tingin sa'kin ni att. na malungkot ang mukha.

Pakiramdam ko masyado pa akong bata para sa ganitong problema, 'di ko alam kong paano ko 'to bibigyan ng solusyon mag-isa ni hindi ko nga alam kong saan ko hahanapin ang parents ko. Hays!

Hindi rin nagtagal si att. sa bahay dahil hahanapin pa daw nito ang mga magulang ko, nanatili lang akong nakaupo sa sala habang nag-iisip ng ideya kong paano ako makakatulong para hanapin ang parents ko, pero paano ko naman magagawa 'yon kong pati ako hinahanap na din ng pinagkakautangan ng mga magulang ko ayon sa sinabi ni att.

Pumunta na lang ako ng kusina para sana tulungan si Nanay sa pagluluto ng tanghalian namin, pero si Gigi lang ang nadatnan ko doon, ang bunsong anak ni Nanay.

"Gigi, nasa'n si Nanay?" Tanong ko sa kaniya.

"May binili lang po sa labas ate Alieson, bakit po?" Mahinhin nitong usal.

"Ahh, wala naman."

Bumalik na lang ako sa sala dahil lumabas pala si Nanay hanggang sumagi sa isipan ko na bumalik sa mansiyon. Nagbabakasakali ako na balikan ako nila Mommy sa mansiyon ta's wala ako do'n baka mag-alala lang sila.

Kinuha ko ang wallet ko sa bag at nagmadaling lumabas ng bahay, nagsimula akong maglakad papuntang highway para mag-abang ng masasakyan. Paloob kasi ang bahay nila Nanay, kaya kailangan mo pang dumaan sa eskenita para makapasok sa kanila.

'pag kalabas ko ng eskinita ay biglang may dumaan na taxi, agad ko naman iyong pinara at sumakay na. Hindi naman gano'n kalayo ang bahay namin sa bahay nila Nanay kaya mabilis akong nakarating ng subdivision kong saan kami nakatira.

Nang makarating ako sa harap ng mansiyon ay napako agad ang tingin ko sa isang karatula na nakasabit sa gate namin " House for sale".
Mukhang nakuha na ng bangko ang bahay namin at ngayun binibenta na, dami kong magagandang memories sa bahay na 'to kasama ang parents ko, pero sa isang iglap lang biglang nawala lahat.

Isang oras akong nakaupo sa labas ng gate ng bahay namin, nagbabakasakali na baka dumating ang parents ko para balikan nila ako. Pero as always wala sila.

Palubog na ang araw ng magdesisyon akong umuwi, 'di pa ako nakakalayo ng matanaw ko ang isang white van na huminto sa harap ng bahay namin, nagmadali akong nagtago sa puno para alamin kong sino ang sakay no'n.

Isang saglit pa ay bumababa ang mga nakacivilian na mga lalaki, malalaki ang mga katawan nito at punong-puno ng tattoo, napadako din ang tingin ko sa mga dala nitong baril. Sila siguro ang tinutukoy ni att. na nga sindikatong pinagkakautangan ng parents ko.

Kailangan ko ng umalis dito dahil baka pag nakita nila ako, 'yun na ang huling araw ko dito sa mundo at ayaw kong mangyari 'yon. Agad na akong tumalikod at kumaripas ng takbo palabas ng subdivision.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon