"Sige pa, Misis. Malapit ng lumabas ang baby, konting ire pa." Utos nito sa akin.
Kanina pa ako hirap na hirap sa pag-ire pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nalabas ang anak ko. Alas-singko ng madaling araw ako nag-labor pero alas-otso na ng umaga hindi pa din nalabas ang baby.
"Doc, hindi ko na po kaya!" Mangiyak-ngiyak kong wika.
Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang manganak, hindi ko na papangarapin pang mabuntis muli.
"Malapit na Ali, nasa pw*rta mo na ang ulo ni baby. Konting ire na lang at lalabas na siya."
Wala akong nagawa kundi ang sundin si Doc, kong mas iindahin ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay baka mapaano na ang anak ko.
Huminga muna ako ng malalim at saka mahigpit na humawak sa unan ko bago malakas na umire. Matapos ng ilang oras na irehan ay narinig ko ang iyak ng baby ko, halos sumabog ang puso ko sa saya ng mailuwal ko siya ng maayus pero nong mga oras na 'yon ay nakaramdam ako ng panghihina bago ko dahan-dahang ipinikit ang mga mata.
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Paolo, naalala ko kong paano ako nawalan ng malay kanina pagkatapos kong manganak.
"You're awake," nakangiti niyang wika.
"Ang baby ko." Agad kong sambit.
Mahina pa ang katawan ko at hindi pa ako gano'n kalakas, kaya naman sa kagustuhan kong makita ang anak ko ay inalalayan ako ni Paolo papuntang nursery. Nasasabik na akong makita siya at hindi na ako makakapaghintay pang ihatid siya sa kwarto ko kaya ako na mismo ang kumusang pumunta para makita ito.
Habang mataman kong tinitingnan ang baby ko ay naluluha ako, sa lahat ng hirap na dinanas ko sa buhay hindi ko alam kong anong kabutihan ang nagawa ko para magkaroon ako ng napakalaking blessing na gaya nito, worth it ang siyam na buwan anak sa wakas mahahawakan na din kita.
"Anong ipapangalan mo sa kaniya?" Tanong ni Pao na nasa gilid ko lang.
Sa totoo lang hindi ko pa alam kong anong pangalan ang ibibigay ko sa kaniya, lalo na't wala pa akong ideya sa kung anong pwede niyang maging pangalan.
"C-ceejay." Nakangiti kung sambit.
Ayun sa mga taga africa, ang ibig sabihin ng pangalan na Ceejay ay "gift of god" kaya naman ay 'yon ang e papangalan ko sa kaniya. Si Ceejay ang regalo na ibinigay sa akin ng panginoon, siya ang malaking blessing na natanggap ko sa buong buhay ko.
Ilang araw lang din ang itinagal ko sa hospital bago ako magdesisyong umuwi, kahit si Ate Sabeth ay nanabik ding makita si Ceejay kaya naman ay umuwi kami agad.
"Napakagwapong bata, ano ang pangalan niya iha?" Tanong nito habang nakatingin sa anak ko.
"Ceejay po, Ate Sabeth." Tugon ko.
Sa sobrang sabik ni ate Sabeth sa bata ay kinuha niya ito sa akin, pinagpahinga muna ako nito at nagvolutaryo na siya muna daw ang magbabantay kay Ceejay.
Ilang araw din akong walang tulog at gano'n din si Paolo, tuwing gabi kasi siya ang nagbabantay sa anak ko minsan naman ako. Pero sa totoo lang hindi ako nakakaramdam ng pagod sa tuwing nakikita ko si Ceejay, siya ang nagbigay ng lakas sa akin araw-araw at siya din ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong mundo.
Kinagabihan, mataman kong tinitingnan ang nahihimbing na tulog ng anak ko. Kamukhang-kamukha niya si Yaji kahit saang anggulo ito tingnan, nakuha nito ang magagandang mata ng ama niya, mapupungay nitong pilik-mata, sa matangos nitong ilong hanggang sa mapupula at malambot nitong labi.
Si Ceejay ang naging kapalit sa pagkawala ng pamilya ko, sobrang sakit ang dinanas ko no'n at hindi ko hahayaang danasin din 'yon ng anak ko. Papalakihin ko siya ng maayus gaya ng pagpapalaki sa akin ni Nanay.
"Kanina mo pa tinitigan si Ceejay, Ha!" Si Paolo.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Pao. "Paanong hindi, e' napakapogi ng anak ko."
Para silang pinag-biyak na bunga ni Yaji, kahit ang kapogiang taglay ng ama niya ay kuhang-kuha nito. Nasa tiyan ko siya sa loob ng siyam na buwan, ako ang nagpakahirap umire ta's sa paglabas niha kamukhang-kamukha pa siya ni Yaji e' wala namang naimbag 'yon sa panganganak ko.
"Anong plano mo ngayon?" Bigla nitong tanong.
Ano nga ba ang magiging plano ko? Simple lang mamumuhay kami ng tahimik dito sa probinsiya at kahit kailan man ay hindi ko siga dadalhin pabalik ng Manila.
"Kung iniisip mo na sasabihin ko kay Yaji ang totoo ay hindi iyon mangyayari Pao, pinal na ang desisyon ko at hindi iyon magbabago."
Patawarin na lang ako ni Yaji, pero wala akong balak na ipakita sa kaniya ang anak niya. Alam kong masaya siya ngayon sa pamilya na meron siya at ayaw ko ng umeksena at baka magkagulo pa.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...