Chapter 57

174 3 0
                                    

Nanunukso ang bawat tingin ni Paolo na ipinukol sa akin, dati tutol na tutol talaga ako sa kagustuhan niyang ipakita si Ceejay kay Yaji, pero ngayon gusto kong maging masaya na ang anak ko at ayaw kong ipagkait sa kaniya ang pagkakataon na makilala ang ama niya.

Matapos niyang magbihis ay agad itong pumunta sa Ninang Mica niya para magpaalam at yayain na sumama sa amin sa Manila. Naisipan ko na lang din na idaan sa hospital ang agahan nila Ate Sabeth.

"Anong ginawa ni Ceejay, para magbago ang isip mo?" Hindi makaniwalang sambit nito.

Natawa na lang ako ng balingan ito ng tingin, hindi rin ako makapaniwala na isang araw gagawin ko din ang bagay na ito. Sa tagal ng panahon na pinanindigan kong itago si Ceejay hindi sumagi sa isipan ko ang ganitong desisyon.

"Masaya na ako na makitang masaya ang anak ko, at 'yun ay ang makita ang ama niya."

Sa kabila ng lahat ng ginawa ko hindi nagalit sa akin ang anak ko, hindi siya nagtanim ng sama ng loob kahit na sinabi kong itinago ko siya sa ama niya. Masyado pang bata ang anak ko para maintindihan niya ako.

"Ngapala, possible bang pumunta si Yaji dito sa Pampanga?" Bigla kong tanong.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Ceejay kahapon, 'yung lalaking tumulong sa kaniya nong nasa banyo siya. Possible kayang si Yaji iyon?

"Ofcourse. Mayroon isang private hospital sila Yaji dito at isang beses sa isang buwan siya bumibisita doon. Bakit mo natanong?"

Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maging reaksiyon pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"W-wala naman n-natanong ko lang," nauutal kong sagot.

Binalingan ko ng tingin ang relong nasa palapulsuhan ko, alas-diyes na pero hindi pa nakakabalik ang anak ko, nawili na ata kela Mica 'yun.

"Teka, sunduin ko muna si Ceejay, kela Mic-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng biglang makarinig ako ng malakas na kalabog kasabay no'n ang pagsigawan ng mga tao.

"Ano 'yun?" Nagtatakang tanong ni Pao.

Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa narinig ko, nanlalamig ang mga kamay ko at nangangatal naman bigla ang mga tuhod ko.

Nalamayan ko na lang ang sarili na naglalakad patungo sa mga taong nagkukumpulan sa kalsada,  ang kaba at takot na nadarama ko ay biglang dumoble ng makita ang anak ko na nakadapa sa kalsada habang naliligo ito sa sariling dugo.

"Ceejay!" Sigaw ni Paolo.

Agad niya itong dinaluhan habang ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, nanlalamig ang mga kamay ko kasabay no'n ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Wala sa sariling naglakad ako papunta sa direksiyon ni Paolo na ngayun ay buhat-buhat na ang anak ko, nagdadalawang isip pa ako kung hahawakan ko ba ito. Umiiling lang ako na na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"C-ceejay? A-anak?" Nanginginig kong sambit.

"P-pa..pa?"

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon