Simula nong umalis ako ng mansiyon ay hindi na ako nakabalik pa doon, umiwas na lang ako matapos may mangyari sa pagitan namin ni Yaji at isa pa, gusto ko na siyang makalimutan para tuluyan ng mabura ang nararamdaman ko sa kaniya.
Pansamantala akong tumira sa condo ni Pao at walang nakakaalam no'n bukod kay Lily at Manang Lena, umalis ako ng mansiyon ng hindi nag paalam kay Yaji at sinabi ko na din sa kanila na h'wag ipaalam kay Yaji ang kinaroroonan ko kong sakaling hanapin ako nito.
"Iyan na lang ang mga natitirang damit mo sa mansiyon, kaunti lang naman kaya hindi na ako nahirapan pang ligpitin lahat." Si Lily.
Inutusan ko itong kunin ang lahat ng damit ko dahil wala na akong lakas ng loob para bumalik pa sa mansiyon, lalo na't wala akong balak magpakita kay Yaji.
"Salamat." Tipid kong sagot.
Tatlong araw pa lang ang nakakalipas simula nong manirahan ako dito kay Pao, pero hindi ko na maiwasang makaramdam ng lungkot. Naguguluhan na ako sa sarili ko, gusto ko ng makalimot pero ayaw naman sumang-ayon ng puso ko.
"Si Sir Yaji ba?" Tanong nito.
Mula sa kawalan ay napabaling ang tingin ko kay Lily.
"Huh?"
"Alam mo Ali, kahit hindi mo sabihin sa akin. Ramdam ko na si Sir Yaji ang dahilan kung bakit ka umalis ng mansiyon. Hindi nagsisinungaling ang mga mata, tandaan mo 'yan."
Unti-unti ko na lang naramdaman ang pagbagsak ng mga luha ko, gusto ko na siyang makalimutan. Pero sa tuwing iniisip ko ang bagay na 'yon ay parang... hindi ko kaya!
Bakit kasi ang unfair ng mundo e! Bakit kong sino pa 'yung taong gusto mo, siya pa 'yung taong imposibleng maging sayo. Una pa lang sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako magmamahal, pero ano na to ngayon Alieson!
Si Yaji ang dahilan ng bawat pag-ngiti ko, ang taong nasasandalan ko sa tuwing lugmok na lugmok ako. Pero kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko na siya din ang taong magiging dahilan sa pag-iyak ko.
Niyakap ako ni Lily hanggang sa nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko, nababaliw ako ngayon sa isang lalaking malapit ng ikasal sa isang babaeng pinapangarap niya.
___________"Ali? Are you okay? Kanina ka pa tulala diyan," sambit ni Pao.
Gabi na at kakauwi lang ni Pao galing sa trabaho, maayus naman ang samahan naming dalawa. Maalaga siya at sobrang bait sa akin, pakiramdam ko tuloy nagkaroon ako ng isang kuya kahit na magkasing-edad lang kami.
Dati nong mga panahong malungkot ako si Yaji ang nandiyan para sa akin, pero ngayon wala na 'yung taong inaasahan kong magiging sandalan ko. Hindi ko napigilan ang sarili na mahulog sa kaniya, kaya eto ako ngayon palihim na nasasaktan.
"Kain na tayo, nagugutom na ako." Pag-iiba ko ng usapan.
Lumapit ako sa hapag at agad na inihain sa lamesa ang hapunan namin ni Pao, simpleng adobo lang ang niluto kong ulam sa kaniya. Hindi naman siya 'yung tipo ng tao na maarte, kasi kung ano ang inihain mo 'yun din ang kakainin niya. Oh diba! Napakasimple lang niya!
Habang nagsasalo kami sa hapunan ay nakailang sandok na si Pao ng kanin habang ako naman ay hindi binabawasan ang kanin na nasa plato ko. Ewan ko ba sa sarili ko, minsan kasi mabilis akong magutom tapos kapag nandiyan na 'yung kakainin ko e, nawawalan na ako ng gana. Ang weird ko talaga!
"Pao? Gusto kong kumain ng balot." Anas ko.
Napatigil si Pao sa pagsubo ng pagkain at nakataas ang dalawa nitong kilay ng balingan ako ng tingin.
"Balot? Alam mo ba kung anong oras na, Alieson? It's already 9:30 mukha bang may balot pa sa ganitong oras." Tugon nito sa akin.
Napakamot na lang ako ng ulo at agad na inirapan ito, nakakainis naman! Padabog akong tumayo sa upuan na ikinagulat nito at padabog na naglakad pabalik ng sala.
"What the! Kumakain ako dito oh, konting respeto naman!" Rinig kong sabi nito pero hindi ko na lang siya pinansin.
Binuksan ko ang tv saka ko nilakasan ang volume nito, nababadtrip ako kay Pao. Gusto ko lang naman kumain ng balot, pero ang dami na niya agad sinabi.
Bigla ko namang naramdaman na merong tumabi sa akin, hindi ko na 'yun inabalang tingnan at pinokus na lang ang tingin sa palabas.
" Tara, bili tayo ng balot."
Namutawi ang saya sa puso ko at unti-unting binalingan ng tingin si Pao habang may mga ngiti sa labi, bibili lang naman kami ng balot pero sobra naman ata 'yung saya na nararamdaman ko ngayon. Pero to be honest, ang swerte ko kasi kahit kailan, hindi talaga ako natiis ni Pao.
Habang nasa daan ay mabagal lang ang takbo ni Pao, natingin kami sa gilid ng kalsada nagbabakasakaling may balot kami na madadaanan.
" Have you heard the news?" Tanong nito sa akin.
"Tungkol saan?" Tugon ko habang nasa gilid ng kalsada ang tingin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Pao, kaya naman tinapunan ko ito ng tingin. Nanatili itong tahimik saglit na para bang hirap na hirap itong sabihin ang balitang tinutukoy nito.
" Next week... Yaji and Beatrice.... will get married." Usal niya.
Ang mga salitang 'yon ay parang isang kustilyo na paulit-ulit akong sinasaksak. Hindi ako umimik na tila ba hindi ako apektado pero sa totoo lang, gusto ko ng sumigaw sa sakit.
"Well, congrats sa kanila." Walang-gana kong wika.
Ikasal man sila o hindi wala na akong magagawa pa doon. Pinal na ang desisyon kong makalimot, advantange na para sa akin ang kasal nila, para naman hindi na ako umasa pa.
" The only reason kong bakit nagmadali silang magpakasal is because... B-beatrice is p-pregnant."
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...