Lumipas ang isang linggo ay unti-unti ng nawawala ang nararamdaman ko para kay Yaji, hindi na din ako nakakaramdam ng lungkot at hindi ko na din siya hinahanap.
Mas minabuti ko na lang na tanggapin ang totoo, ang isang kagaya niya ay hindi bumabagay sa isang kagaya ko. Darating ang araw, sa tamang oras at panahon makikita ko din ang lalaking para talaga sa akin.
"Aalis na ako, Alieson. Don't forget to lock the door." Bilin ni Pao.
Bukod sa akin, ramdam ko ding apektado si Paolo sa darating na kasal nina Yaji at Beatrice. Alam kong nasasaktan din siya pero mas minabuti na lang niyang ibaling ang atensiyon sa pagtatrabaho, kung may nahihirapan man dito 'yun ay si Pao. Kitang-kita ko kung gaano niya kamahal si Beatrice at ginawa niya ang lahat para lang sa babaeng mahal niya, pero sa huli hindi pa rin siya ang pinili nito.
Hinatid ko si Pao sa labas ng pinto, nakangiti kong inayus ang suot nitong neck tie para naman pormal siyang tingnan.
"Sige na, baka malate ka pa." Tugon ko sa kaniya.
Yumakap muna ito sa akin at marami pang binilin bago umalis, gaya na lang ng h'wag daw magpapalipas ng gutom at laging e-lock ang pinto. Pakiramdam ko tuloy para akong bata.
Nang makaalis na siya ay sinunod ko ang bilin niyang e-lock ang pinto bago ako bumalik sa sala para manuod ng tv, hindi pa ako nakakaupo ay bigla kong narinig ang sunod-sunod na pagdoorbell. Ano bang naiwan nito? At bigla na lang bumalik.
Muli akong naglakad para pagbuksan iyon ng pinto, ang buong akala ko ay si Paolo ang nagdodoorbell pero laking gulat ko ng buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Yaji.
Bigla akong nakaramdam ng takot ng makita ang nanlilisik nitong mga mata na nakatingin sa akin, hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito at kung paano niya nalaman na nandito ako.
"I've been looking for you everywhere, tapos ngayon malalaman kong nandito ka lang pala sa condo ni Paolo! Let's go home, Alieson!"
Hinawakan nito ang kamay ko saka niya ako hinila palabas ng condo, nagpumilit naman akong magpumiglas hanggang sa mabitawan nito ang kamay ko.
"Ano bang problema mo!" Bulyaw ko sa kaniya.
"Anong problema? Ikaw ang problema ko, Alieson. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala ng malamang wala ka sa mansiyon. Even Manang and Lily, hindi nila alam kong nasaan ka!" Tiim-bagang nitong sambit.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, sa tuwing ganito si Yaji lumalambot ang puso ko. Muling namuo ang mga luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko iyong tumulo.
"Nag-aalala? Para saan? Ano ba ako sa buhay mo? Ikakasal ka na, pero nag-aalala ka pa sa isang kasambahay na kagaya ko. Nahihibang ka na!" Nakangisi kong tugon sa kaniya.
Pinakita ko na hindi ako apektado sa kung ano man ang sasabihin niya, tama na Yaji, gusto ko ng makalimot. H'wag mo na akong bigyan ng rason para umasa pa.
Muli akong naglakad pabalik ng condo pero mabilis nitong hinila ang braso ko.
"I don't understand, Alieson. Umalis ka ng mansiyon ng hindi nagpapaalam sa akin and no-"
"Umalis ako ng mansiyon kasi ayaw kong makita kang ikakasal sa iba! Hindi mo talaga maiintindihan iyon kasi wala kang alam sa kung ano man ang nararamdaman ko para sayo!"
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko, napaamin ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Masakit makita na ikakasal sa iba ang taong mahal mo, hindi na natapos tong sakit na naramdaman ko simula ng mawala ang mga magulang ko, iniwan na ako ng lahat pati ba naman ng isang lalaking nagsabing nandito lang siya para sa akin.
Pero paano ko nga ba aangkinin ang isang lalaking pagmamay-ari na ng iba."Oo Yaji, gusto kita! Mahal kita! Pero huli na ako kasi ikakasal ka na sa iba.....Kung pwede nga lang lumuhod ako sa harapan mo magmakaawang ako na lang ang piliin mo.... ako na lang ang pakasalan mo. Kaso hindi pwede, kasi.....hindi naman ako 'yung gusto mo.. hindi naman ako 'yung mahal mo!"
Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang magmahal sana pala pinigilan ko na ang sarili kung mahulog sa kaniya, nanatiling walang imik si Yaji habang kitang-kita sa mga mata nito ang awa.
"Nababaliw na ako sakit....hindi ko na kaya...pwede bang mawala ka na lang sa buhay ko!"
Pumasok ako sa condo ng hindi man lang nilingon si Yaji, doon na ako humagulgul ng iyak. Sobrang sakit, hindi ko akalain na darating ako sa ganitong sitwasyon dahil lang sa pagmamahal.
Magang-maga ang mata at tulala ako na nakaupo sa sofa, ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto.Nandito na si Paolo.
"I'm home!"
Tinapunan ko ng tingin si Pao na ngayun ay hinuhubad ang suot niyang coat.
"Nandito kanina si Yaji," sambit ko.
"Then?"
"Gusto niya akong bumalik ng mansiyon....pero hindi ako pumayag.. sobra na akong nasasaktan, hindi ko na kinakaya Pao." Maluha-luha kong wika.
Nilapitan ako ni Paolo at niyakap, nong mga oras na iyon ay muli akong umiyak. Nadudurog na ako, hindi ko na alam kung paano ko bubuuin ang sarili ko.
Sa sobrang iyak ko ay nakaramdam ako ng antok dahilan para makatulog ako sa bisig ni Paolo.Nagising na lang ako kinaumagahan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, bumangon ako ng kama at inunat-unat ang katawan.
Bumaba na ako ng kama upang magtungo sa banyo para maghilamos ng bigla akong makaramdam ng pagduduwal. Ano bang nagyayari sa akin, wala naman akong kinain na panis kagabi pero bakit parang nasusuka ata ako.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...