Chapter 52

166 2 0
                                    

Paglipas ng ilang taon na pagtatago ay pinanindigan ko ang sinabi ko kay Paolo at sa sarili ko na hinding-hindi ko ipapakita kay Yaji ang bata. Sapat na nabuhay kami ng tahimik at malayo sa gulo, basta ang importante ay mapalaki ko si Ceejay ng maayus pero kung sakali man na magtanong ito tungkol sa kaniyang ama  ay hindi ko 'yon pagkakait na sabihin sa kaniya ang totoo.

Bumalik ako sa pinagtatrabauhan kong karinderya kasama si Mica, para lang may pangtustus kami sa araw-araw na mag-ina at para na din makatulong kay ate Sabeth sa gastusin dito sa bahay.

6 years old na ngayon si Ceejay at nasa grade 1 na, namana nito ang katalinuhan ni Yaji kaya hindi naman ito nahirapan makisalamuha sa kaniyang mga kaklase lalo na't siya ang pinakabata sa kanila.

"Mica? Maiwan muna kita dito ha, at susunduin ko lang si Ceejay." Paalam ko dito.

Sakto naman na walang masyadong kumakain na mga tricycle driver sa karinderya kaya may sapat pa ako na oras para sunduin ang anak ko sa school nito.

"Sige, Ali. Balik ka kaagad." Tugon nito.

Kinuha ko na ang dala kong bag at payong saka umalis na para sunduin ang anak ko, hindi naman kalayuan ang paaralan nila Ceejay kaya hindi ko na kailangang sumakay pa ng tricycle.

Pagdating ko sa paaralan ay madami ng mga bata na naglalabasan sa kani-kanilang mga classroom, 'yung iba naman ay naglalaro at 'yung iba naman ay sinusundo na ng kanilang mga magulang.

"Magandang araw, Ms. Rodriguez. Nandito ka ba para sunduin si Ceejay?" Nakangiting wika ng adviser ng anak ko.

"Opo Ma'am, may libre naman po akong oras ngayon kaya sinundo ko na po siya," tugon ko.

Hinanap ko si Ceejay sa classroom nito bago ko nakita ang anak ko na nakaupo lang sa gilid habang seryosong nakatingin sa iba niyang kaklase na naglalaro.

Pakiramdam ko tuloy nakikita ko sa kaniya si Yaji, para silang pinag-biyak na bunga ng ama niya lalo na kapag laging seryoso ang mukha niya. Mailap din siya sa ibang tao at laging tahimik pero siya 'yung bata na masipag pagdating sa pag-aaral.

"Ceejay? Anak?" Nakangiti kong tawag sa kaniya.

Mula sa mga kaklase niyang naglalaro ay napabaling ang tingin nito sa akin, awtomatikong itong napangiti bago niya kinuha ang kaniyang bag at tumakbo papalapit sa akin.

Bumaba ako konti para salubungin ito ng yakap, ilang oras ko lang siyang hindi nakakasama pero sobrang namiss ko na siya agad.

"Kamusta ang school?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Ayus lang po Mama," sagot nito.

Nakangiti akong ginulo ang buhok nito bago nagpaalam sa kaniyang guro para makaalis na. Para sa akin masaya na ako na kasama ko ang anak ko at wala na akong ibang bagay na hihilingin pa.

Paminsan-minsan naman ay dinadalaw siya ni Paolo at laging iniispoiled sa mga laruang gusto nito, pero may pagkakataon naman na sinusuway ko ito, ayaw kong masanay si Ceejay sa ginagawa ni Pao na lahat ng gusto ay binibigay. Gusto ko kase  na makuntento lang siya sa kung anong meron siya at maging simple lang.

Kakatapos lang din naming maghapunan at ngayun ay nag-aayus ako ng tulugan naming dalawa. Napapansin kong tahimik ang anak ko habang nilalaro ang mga daliri nito.

"Ceejay? Tulog na tayo anak, maaga ka pa bukas." Malambing kong sabi.

Tiningnan lang ako nito ng seryoso bago yumuko at muling nilalaro ang mga daliri. Hindi man nito sabihin ay ramdam kong may problema ito, nilapitan ko si Ceejay at agad na binuhat para paupuin sa hita ko.

"May problema ba?" Agad kong tanong.

Nitong mga nakaraan kasi napapansin kong tahimik si Ceejay, alam ko naman na hindi siya gano'n kalapit sa mga tao pero nararamdaman ko na parang may tinatago sa akin ang anak ko.

"Mama? Pwede po ba ako magrequest sa inyo?" Malumanay nitong sambit.

Marahan kong hinaplos ang malambot at makinis nitong pisngi saka nakangiting tumango.

"Sige anak, ano  ba 'yon?"

" Mama, kasi po.. pwede po ba tayong pumunta ng Manila?"

Nagtataka naman ako sa bigla nitong binanggit? Manila? Matagal na panahon na ng talikuran ko ang Manila magmula nong umalis ako doon at kahit kailan ay wala na akong balak na bumalik pa.

"Ano naman ang gagawin natin doon anak?"

Maamo lang ang mukha ni Ceejay ng tapunan  ako nito ng tingin.

"Ma, ang sabi po kasi ni Tito Paolo, maganda daw po doon. At saka isa pa po Ma, wala po ba tayong balak bisitahin si Papa? Gusto ko na po siyang makita."

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon