Chapter 26

159 2 0
                                    

Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong tiningnan ang sarili sa salamin, bakit bigla na lang nag-init 'yong dalawa kong pisngi tapos bumibilis na naman ang tibok ng puso ko kapag malapit sa akin si Sir Yaji, hays! Nababaliw na ba ako?

Napaupo na lang ako sa kama habang sinasabunutan ang sarili.  Alieson! Tumigil ka na sa kahibangan mo! Kong ano man 'yang nararamdaman mo para kay Yaji, itigil mo na!

Sa tuwing palagi ko siyang nakikita at kapag malapit siya sa'kin hindi ko napipigilan ang sariling mahulog sa kaniya, habang maaga pa dapat pigilan ko na tong nararamdaman ko. Ayaw kong mahulog sa isang taong kagaya ni Sir Yaji, hindi ang isang gaya niya ang mahuhulog sa kagaya ko.

Iwinaksi ko na lang ang naiisip at inabala ang sarili sa pagtatrabaho, wala ngayon sila Manang Lena at Lily dahil  namalengke sila kaya ako na lang naiwan sa bahay saka si Sir Yaji.  Ginawa ko na lahat ng trabaho para pag-uwi nila magpapahinga na lang sila, naghugas na ako ng mga plato sa kusina, nagdilig ng halaman at naglinis sa sala.

Habang naglilinis sa sala ay nararamdaman ko na ang pananakit ng kanang balikat ko, mukhang hindi ata tama na tinrabaho ko to ngayon. Hindi ko na lang iyon ininda at ipinagpatuloy na lang ang pagtatrabaho. Nang matapos na ang paglilinis ay pabalik na ako ng kwarto ng makasalubong ko sila Lily at Manang Lena. 

"Manang, nandito na pala kayo," nakangiti kong saad.

"Oo iha at kakatapos lang namin mamalengke ni Lily, teka at aayusin ko lang itong pinamili namin."

Nagtungo na si Manang sa kusina para dalhin doon ang pinamili niya, kaya agad ko naman siyang tinulungan sa mga bitbitin nito.

Pagdating ng kusina ay nandoon na din si Lily at inaasikaso ang mga iba nilang pinamili,  ng makit ako nito ay agad niya akong sinalubong ng yakap.

"Hi, Alieson. Imissyou!" Sabay yakap sa akin.

Ilang araw lang din ako nawala pero  namiss ko sila ni Manang, gustuhin ko man na ikwento sa kanila ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw kaso mas minabuti kong wag na lang lalo na't ayaw ko ng dumagdag pa sa iisipin nila.

" Huy! Nasaan ang pasalubong ko." Pagtataray nito kasabay no'n ang paghampas niya sa kanang balikat ko.

Agad akong napahawak sa kanan kong balikat ng bigla itong hampasin ni Lily, sobrang lakas ng hampas niya kaya pigil akong napadaing sa sakit, parang gusto ko tuloy umiyak sa  sakit pero mas pinili ko na lang 'yong tiisin.

Hindi ko alam kong anong itsura ko ngayon, pero para akong pinagpapawisan ng malamig, nagtatakas naman ang mukha ni Lily ng balingan ako nito ng tingin.

"Alieson, ayus ka lang ba?" Tanong nito.

Hindi ko na siya sinagot at tanging tango lang ang naging tugon ko sa kaniya, iniwan ko na sila ni Manang sa kusina habang ako naman ay pabalik na ng kwarto.

Nang makapasok na ako ng kwarto ay hawak-hawak ko pa din ang kanan kong balikat, binalingan ko iyon ng tingin ng makita ang dugo na dumadaloy mula sa sugat ko. F*ck!

Lumapit ako sa cabinet para maghanap ng luma kong damit, ginupit ko iyon at tinali sa kanan kong braso  para magsilbing benda sa sugat ko. Pagkatapos no'n ay nahiga na ako sa kama bago ko dahan-dahang ipinikit ang mga mata.
__________

"Alieson, wake up!" Puno ng pag-aalala ang boses nito.

Nabulabog ang masarap kong tulog dahil sa pamilyar  na boses ng isang lalaki na paulit-ulit na naririnig ng dalawa kong tenga.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, bago ko makita ang nag-aalalang mukha ni Sir Yaji.

"Hey, Alieson. Wake up. Don't close your eyes please! I will take you to the hospital," usal niya.

Hospital? Anong meron? Unti-unti ko na lang naramdaman na binubuhat ako ni Sir Yaji, bago ko ulit ipinikit ang mga mata.

Kinaumagahan ay nagising na lang akong nasa hospital na, puno naman ng katanungan ang isipan ko, isa na don ay kong bakit nandito ako? At kong paano ako nakarating dito?

"Alieson, gising ka na." Si Manang.

Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala,  saka ito dahan-dahang lumapit sa akin.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" Sunod-sunod niyang tanong.

Naguguluhan  naman ako sa mga sinasabi ni Manang, hindi ko alam kong ilang oras akong nakatulog. Wala akong ibang maalala kundi ang nag-aalalang mukha ni Sir Yaji  kahapon, hanggang sa pag gising ko bigla na lang akong nandito sa hospital. May nangyari ba kahapon na hindi ko alam?

"Pwede mo ba kaming iwan muna ni Alieson, Manang. " Boses iyon ni Sir Yaji.

Binalingan ko 'yon ng tingin at  kitang-kita sa mga mata nito ang pinaghalong inis at pag-aalala.

Lumabas si Manang ng kwarto at naiwan kami ni Sir Yaji, nabalot ng katahimikan ang paligid namin hanggang sa bigla niya itong binasag.

" So what now, Alieson? Kailan mo balak itago sa amin ang totoo?" Baritono nitong wika.

Isa pa to e, naguguluhan na nga ako kanina sa mga sinasabi ni Manang pati ba naman siya.

"Sir Yaji, hindi po kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi niyo?"

"Paano mo nakuha ang sugat na nasa kanang balikat mo? Is there anything happen to you ng hindi ko alam?" Diretsa niyang sabi.

Hindi ko alam kong anong isasagot ko ngayon kay Sir Yaji, wala din naman akong balak na sabihin sa kaniya ang totoo. Ano man ang sarili kong problema ngayon  ay labas na 'yon sa kanila.

" Wala po to Sir, nasabit lang po sa alambre." Pagsisinungaling ko.

" D*mn it! Mukha ba akong tanga, Alieson? Hindi ganiyan ang sugat ng isang alambre lang, so tell me? What happen to you before you came back here in Manila?"

Nagulat naman ako ng bigla itong sumigaw, pakiramdam ko hindi si Sir Yaji ang nasa harap ko ngayon.

"She's your maid, but you didn't even know kong anong nangyari sa kaniya?"

Bigla naman kaming natigilan ni Sir Yaji, dahil sa pagsulpot ng isang pamilyar na boses na iyon. Para naman akong natuod sa pwesto ko ngayon habang nakatingin sa dalawang lalaki na nasa harap ko,  nakakapaso ang mga tingin nila sa isa't- isa at parang gusto pa atang magsuntukan.

Ganiyan ba sila lagi kapag nagkikita? Laging mainit ang dugo sa isa't-isa? Hays!

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon