Malungkot akong naglalakad pauwi kela Nanay, siguro nga kinalimutan na ako ng parents ko. Isang oras akong naghintay doon umaasa na babalikan nila ako, e' kong 'di pa ako umalis kanina don edi napahamahak na ako.
"Alieson?" Tawag nito sa pangalan ko.
Sa totoo lang iskwater itong kinatatayuan ng bahay nila Nanay, dikit-dikit ang mga bahay dito at tagpi-tagpi ang mga dingding nito. Bukod sa mga batang makukulit na lagi kong nakakasalamuha sa tuwing bumibisita ako dito nagkaroon pa ako ng mabait at masayahing kaibigan, si Betty.
"Long time no see ha, kamusta ka na?" Nakangiti nitong sabi.
"Heto ayus lang, ikaw?" Balik tugon ko sa kaniya.
"Heto ayus lang din, huy pasensiya ka na last time ha 'di ako nakadalo sa birthday mo. Busy kasi ako sa trabaho."
"Okay lang 'yon... Nabanggit mo na nagtatrabaho ka saan 'yon? Pwede ba akong mag-apply?"
Wala akong alam sa trabaho bukod sa gawaing bahay pero except sa pagluluto, 'di talaga ako maasahan sa gano'n minsan ko ng sinubukan 'yon kaso nasusunog lahat ng niluluto ko. Badtrip talaga!
"Ay wee? True ba? Mayaman ka diba, bakit kailangan mo pang magtrabaho?" Nagtataka nitong tanong.
"Dati 'yon, 'di na ngayon."
"Bakit? Anong nangyari?"
Bukod sa pagiging madaldal at masiyahin 'di ko alam na may pagka-chismosa din pala itong si Betty.
"Mahabang kwento e," sambit ko.
"Gano'n ba. Hayaan mo Ali, tatanungin ko si Manang Lena kong hiring kami ngayun, ta's balitaan na lang kita."
Nakangiti akong tumango bilang tugon at pasasalamat na din kay Betty, sana hiring sila ngayon para magkatrabaho na din ako. Wala naman akong balak na forever lang tumambay sa bahay ni Nanay, ayaw kong maging pabigat gusto kong makatulong lalo na sa mga gastusin sa bahay kahit sa maliit na bagay man lang.
Hindi rin naman nagtagal ang usapan namin ni Betty dahil meron daw itong trabaho, umuwi na lang ako ng bahay at sakto naman na nakasalubong ko si Nanay.
"Ali, saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap," wika nito at bakas sa boses nito ang pag-aalala.
" Sa mansiyon po Nay, bumisita lang po ako doon," sagot ko sa kaniya.
"Hindi naman sa pinagbabawalan kita na pumunta doon. Pero Ali, magulo pa ang sitwasyon baka mapapahamak ka lang kong pabalik-balik ka roon."
Tumango na lang ako kay Nanay bilang sagot, 'di ko na sinabi sa kaniya ang nakitang kong nakacivilian na mga lalaki na huminto sa labas ng bahay namin kanina dahil baka lalo siyang mag-alala sa'kin at ayaw ko namang mangyari iyon.
Sa tuwing bumibisita ako noon dito, nagsimula akong matuto kong paano ang makisalamuha sa ibang tao, gano'n din kong paano ang pamumuhay nila. Ayaw ko naman kasi mabuhay na puno ng kaartihan sa sarili.
Nong kinagabihan na ay nag-igib ako ng tubig sa poso sa 'di kalayuan mula sa bahay nila Nanay, pahirapan kasi ang tubig dito kapag gabi, swerte mo na lang kapag may tulo ang gripo.
Masaya ang lugar na to, kahit mahirap ang buhay. Para sa kanila, sapat na 'yung nakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Minsan nga 'di ko maiwasang mainggit sa ibang pamilya, isang kahig isang tuka man ang ginagawa nila sa araw-araw buo pa din sila at nagkakaisa. I wish gano'n din sana kami kong 'di lang nalulong ang parents ko sa sugal at kong 'di lang din nila ako pinabayaan. Hayst!
Malapit na ako sa poso ng matanaw ko si Betty, mukhang kakauwi niya lang galing work.
"Betty!" Tawag ko na ikinalingon nito.
Nakangiti itong nilingon ako sabay naglakad papunta sa direksiyon ko.
"Alieson, nandiyan ka pala. Sakto may goodnews ako sayo," nakangiti nitong sambit.
Heto na ata ang goodnews na kanina ko pa hinihintay, sana magkaroon na ako ng work. Thanks Papa G for the answered prayer.
"Sige sabihin mo na," naeexcite kong saad.
"Nakausap ko si Manang Lena kanina, hiring sila ngayon, dahil umalis 'yung isa nilang kasambahay kanina."
Laglag panga ang nangyari sa'kin ng banggitin ni Betty ang salitang kasambahay. To be honest 'di ko naman kinakahiya ang trabaho ng mga kasambahay, ang kaso nga lang 'di talaga ako marunong magluto, nakakahiya naman sa magiging amo ko. Buti sana kong more paglilinis ng bahay at paglalaba walang problema, e sa pagluluto? Mukhang don ako sasamain.
"Kasambahay? Akala ko sa fast food ka nagtatrabaho," sabi ko.
"Hetong mukhang toh! Fastfood? Ni hindi nga ako nakapag senior high e, may issue ako pagdating sa public speaking. E pag nabulol ako, edi nakakahiya sa customer," pagtataray nito.
Sa totoo lang walang issue sa mukha ni Betty kasi maganda siya at morena, 'di ko lang alam kong bakit pati 'yon sinama niya.
"Akala ko lang naman kasi."
"Sabagay, rich kid ka nga pala kaya wala kang experience sa mga trabaho ng kasambahay," usal niya.
"Hindi naman sa gano'n, 'di lang talaga ako marunong magluto. E diba kasama 'yun sa pagiging isang kasamabahay."
Akala ko magkakaroon na ako ng trabaho, ta's biglang naging olats pa. Kainis naman!
"Hay naku! H'wag ka ng mag-isip ng ganiyan, sa yaman ba naman ng future boss mo mukhang chef pa ata ang tagaluto ng pagkain no'n."
Napakamot na lang ako ng ulo sa naging tugon nito, sa totoo lang meron pa akong problema. Kusa akong nagdedesisyon pero hindi pa to alam ni Nanay, paano ko kaya sasabihin sakaniya to! Hays! Badtrip naman!
![](https://img.wattpad.com/cover/308731589-288-k266905.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...