Chapter 31

269 3 0
                                        

Nasa jail visitation room ako ngayon, gusto kong alamin kong may kinalaman ba ang mga sindikatong kumuha sa akin noon sa pagkawala ng mga parents ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sila mahanap at sino ang lalaking tinutukoy ni Aling Beth na naghahanap din sa mga magulang ko.

Tatlong minuto lang ang nakalipas bago dumating ang taong gusto kong makausap, magkaharap kami ngayon sa isa't -isa at mukha hindi nito inaasahan ang pagbisita ko.

"Nasaan ang mga magulang ko?" Diretsa kong tanong sa kaniya.

Ngumisi itong binalingan ako ng seryosong tingin, posibleng may kinalaman ang lalaking to sa pagkawala ng mga magulang ko at 'yon ang aalamin ko ngayon.

"Bakit sa'kin mo sila hinahanap, Alieson? Hindi ko na kasalanan kong bakit nawawala sila, sabihan mo ang ama mong si Leo na bayaran ang utang niya sa akin!" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Ama? Leo? Naguguluhan naman ako sa mga pinagsasabi nito, ang tinutukoy ata nitong Leo ay walang iba kundi si Leo Ventura ang private Atty. ng pamilya namin at hindi siya ang ama ko.

"Hindi ko ama ang tinutukoy mong Leo, si Joseph Rodriguez ang pangalan ng Daddy ko at Rose Rodriguez naman ang pangalan ng Mommy ko," pagtatama ko sa pinagsasabi nito.

Natawa ito ng pagak pero bakas sa mga mata nito ang galit.

"H'wag mo akong ginagawang tanga, si Leo Ventura ay lumapit sa akin para mangutang ng malaking pera para sa pagsusugal niya, nagpakilala din siyang ama mo at ikaw ang ginawa niyang pambayad sa lahat ng utang niy-"

"Kaya ba kinuha mo ako? Sinaktan mo si Nanay at balak mo pa akong ibenta sa foreigner kahit na hindi mo man lang inalam ang totoo!" Pagalit kong sigaw sa kaniya.

Hindi ko na napigilan ang sariling mag-apoy sa galit, ngumisi lang ito na walang pakialam sa narararamdaman ko, kaya naman mas lalo akong nagalit dahilan para sampalin ko ito malakas. Sa sobrang lakas no'n ay umecho 'yon sa kabuuan ng kwarto.

Kulang pa ang sampal na 'yon kapalit ng buhay ni Grace, hangang ngayon hinding-hindi ko makakalimutan kong paano nila binawian ng buhay si Grace sa mismong harap ko. At ngayong araw na to ay maniningil ako ng hustisya na karapat-dapat para sa kaniya.

Parang hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nito tungkol kay Atty. Leo, pangalawang ama na ang turing ko sa kaniya at kong totoo man 'yon, paano niya nagawa 'yon sa akin at sa pamilya ko.

"Mabubulok ka dito sa kulungan! Sisiguradohin kong hinding-hindi ka na makakalabas pa dito hanggang sa dito ka na lang din bawian ng buhay!" Matigas kong wika.

Nag-iba ang awra ng mukha nito sa mga salitang binanggit ko, para siyang isang demonyo na gustong-gusto kang patayin ngayon pero hindi ako nagpatinag sa tingin na 'yon. Gusto kong pagbayaran niya ang mga kasalanang ginawa niya lalo na sa mga inosenteng babae na pinagpapatay at pinagbebenta niya.

"Siguradohin mo lang na dito na ako mamatay, dahil sa oras na makalabas ako dito ikaw ang una-una kong papatayin!" Pagbabanta nito.

Ngumisi lang ako at tinapunan siya ng masamang tingin.

"Hinding-hindi ako natatakot sayo!"

Hinawakan na ng dalawang pulis ang makabila nitong braso para ibalik sa kulungan, madami pa itong sinasabi na puno ng pagbabanta pero hindi ko na 'iyon pinansin pa.

Puno ng lungkot ang puso ko pauwi ng mansiyon, akala ko pa naman makakasama ko na ang mga magulang ko pero hindi pa pala.

"Pao, thankyou sa paghatid sa akin," pasasalamat ko bago ako bumaba ng kotse.

"Your always welcome, Alieson. H'wag ka ng malungkot, marami pang araw para mahanap natin ang Mommy at Daddy mo," nakangiti niyang sabi.

Ngumiti din ako sa kaniya pabalik, madami na akong sakripisyo na ginawa para mahanap ang parents ko ngayon pa ba ako susuko.

"Mukhang nagkakamabutihan ata kayo ha," mahinhin nitong sambit.

Boses iyon ng babae pero hindi gano'n ang boses ni Lily, lalo naman si Manang. Ngayon ko lang narinig ang mahinhin na boses na 'yon na agad kong binalingan ng tingin.

"B-beatrice?" Hindi makapaniwalang saad ni Paolo.

Binalingan ko naman iyon ng tingin, bago ko makita si Beatrice. Napakaganda talaga niya at sopistakada tingnan kaya hindi na ako magtataka kong bakit siya ang nagustuhan ni Sir Yaji.

Naglakad ito papalapit sa amin habang may mga ngiti sa labi, bigla tuloy akong na-insecure. Anong karapatan kong magkagusto sa isang Yaji Figueroa, e kong sa girlfriend niya pa lang ngayon wala na akong maibubuga. Hayst!

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon