"Yaji, uuwi ka pala iho. Bakit 'di ka man lang tumawag o nagtext, edi sana pinasundo kita kay Pedring," sambit ni Manang.
" I also came home suddenly beacause of the company. Manang, ikaw na lang bahala sa mga gamit ko, I have to go," wika nito.
Basta na lang nito iniwan ang hawak niyang maleta kay Manang at dire-diretso ng umalis.
Lumapit ako kay Manang Lena para tulungan ito sa hawak niyang maleta."Manang, ako na po diyan." Pagboboluntaryo ko.
"Ako na iha, panigurado mga labahan na itong damit niya. Mauna ka ng maglinis sa family room sa second floor at e-wawashing ko lang itong mga damit ni Yaji."
Tumango naman ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi ni Manang, kinuha ko na ang dustpan, walis at feather duster saka ako pumanhik sa taas.
Nang makarating ako ng second floor ay tanaw ko na agad ang napakalawak na sala o mas tnatawag nilang family room. Mayroon itong 4 seater L-shape sofa na kulay blue at isang center table na gawa sa glass, isama na din ang malaki nitong flat screen tv na kagaya din sa baba at ang kumikinang nitong mini luxury chandelier.
Kapag ba mayaman ganito dapat kagastos? May sala naman sa baba ta's may sala pa dito sa taas, 'di man lang nagtipid eh.
Kahit gandang-ganda ako sa palibot ay hindi ko na lang iyon pinansin pa, naglinis na lang ako gaya ng sabi ni Manang.Isang oras din ang nakalipas bago ako matapos maglinis, nanakit na 'yong balikawang ko at nangangalay na din 'yung leeg ko kaya nagdesisyon muna akong magpahinga. Pinaypayan ko na lang sarili gamit ang kamay ng makaramdam ako ng init at sobrang pawis hanggang sa napako ang tingin ko sa isang malaking family picture na nakasabit sa dingding.
Siguro ito ang family nong Yaji kanina, ang ganda ng Mommy niya napakasophisticated tingnan, 'yung Daddy niya naman Pogi halatang doon siya nagmana dahil magkahawig sila, at panigurado ate niya 'yong katabi niyang babae gaya ng Mommy niya napaka-ganda at sopistikada.
Habang nakatingin ako sa family picture nila 'di ko naman maiwasang isipin ang Mommy at Daddy ko. Lumaki na ako lahat-lahat pero 'di pa rin kami nagkakaroon ng family picture, habang iniisip ko 'yon bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Miss na miss ko na sila, sana kong nasaan man sila ngayon, sana nasa maayus silang kalagayan.
Kinagabihan, maaga akong naghalf bath dahil nakaramdam na ako ng antok. Sobrang akong napagod ngayong araw kaya oras na para matulog. Komportable akong humiga sa higaan ko bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata.
***
Nagising ako na madilim ang paligid ko, nakalimutan bang e-on ni Manang ang ilaw sa veranda, bakit napakadilim.
"Anak? Alieson?"
Pamilyar sa'kin ang boses na 'yon ha! Bumangon naman ako sa kama para hanapin ang kinaroroonan ng boses na iyon hanggang sa paglabas ko ng kwarto ay isang pamilyar na rebulto ang nakatayo sa harapan ko.
Hindi ako makapagsalita at unti-unting na lang tumulo ang mga luha ko. Wala ako sa sariling niyakap ang babaeng nasa harap ko ngayon habang patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Mommy!" Umiiyak kong wika.
"Jusko ang prinsesa ko, dalaga na."
Kumalas ako sa yakap at nakangiti lang na nakatingin sa'kin si Mommy, pinahiran nito ang mga luha ko gamit ang kaniyang mga palad.
"Alieson, alam ko 'yung dahilan kong bakit nagtatrabaho ka ngayon. Hindi mo na ito kailangan gawin anak, umuwi ka kay Nena at h'wag mo na kaming hanapin pa," sambit ni Mommy.
"Mommy, 'di ko na po kayo kailangan hanapin pa kasi nandito na kayo. Salamat at dininig ng diyos ang panalangin ko na, binalikan niyo ako."
Hindi ko maipaliwanag ang saya na na nararamdaman ko ngayun, sa wakas magiging buo na ulit ang pamilya ko kasi nandito na ang mga magulang ko. Thanks G!
"Si Daddy po nasaan? Susunduin niyo na po ba ako? Uuwi na po ba tayo?" Sunod-sunod kong tanong.
Nanatili lang na nakangiting nakatingin sa'kin si Mommy, hinawi nito ang hibla ng buhok at inilagay sa likod ng tenga ko.
"Anak, umuwi ka na kay Nena. Huwag mong pababayaan ang sarili mo ha at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng Daddy mo, aalis na ako." Nakangiting saad ni Mommy.
Naguluhan ako bigla sa naging turan ni Mommy, kaya siya nandito para sunduin ako diba? Para maging buo uli ang pamilya namin, pero bakit naman ganito ang sinasabi niya.
"Saan kayo pupunta? Hindi niyo po ako isasama? Akala ko nandito kayo para sunduin ako?" Naiiyak akong sabi.
Ang kanina kong luha ay biglang tumulo na naman dahil sa mga sinasabi ni Mommy, iiwan na naman ba nila ako?
"Anak, hindi ka namin pwedeng isama ng Daddy mo. Umuwi ka na kay Nena, mahal na mahal kita."
Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy bago ito naglakad palayo hanggang sa tanging dilim na lang ang nakikita ko sa buong paligid.
"Mommy? Mommy? Huwag niyo po akong iwan." Umiiyak kong sabi.
"Hey! Wake up!"
"Mommy!"
Wala akong sa sariling bumangon sa kama ng makaramdam ako bigla ng isang komportableng yakap, niyakap ko ito pabalik habang patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.
"Mommy, natatakot ako. H'wag niyo po akong iwan."
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...