Epilogue

357 10 2
                                    

Nagdadalawang-isip ako kung magdodoorbell ba ako o hindi, matapos sabihin sa akin ni Pao ang lahat ng iyon ay mukhang hindi ko kakayanin na harapin si Yaji ngayon. Sobra akong nagsisi sa lahat ng ginawa ko, deserving siya na maging ama pero ipinagkait ko sa kaniya ang pagkakataon na iyon.

Hindi ko pa napipindot ang doorbell button ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang topless na si Yaji. Kagaya ng dati ay malamig pa rin ang awra nito.

"What are doing here?" Seryoso nitong tanong.

Nong mga oras na iyon ay gustong umurong ng dila ko, hindi talaga ako makakapagsalita ng maayus kung laging ganito ang awra niya. Hayst, nakakainis naman!

"Nag-alala na ang mga magulang mo sayo at nandito ako para sunduin ka, bumalik na tayo ng Manila."

Ginawa ko ang lahat para hindi mautal kahit sa totoo lang ay kabadong-kabado ako.

"Your wasting you're time, Alieson. Hindi ka na dapat pa nagpunta dito."

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot sa mga sinabi niya, mukhang ayaw ata ako nitong makita.

Nagsimula itong maglakad papasok sa loob na agad ko ding sinundan, ang ayaw ko talaga sa lahat e, 'yung pakipot.

"Inaamin kung nagkamali ako, Yaji. At hanggang ngayon ay pinagsisihan ko pa din 'yon, pero kung hindi mo ako kayang patawarin then aalis ako. Kamuhian mo ako hanggang gusto mo, naiintindihan kita."

Malungkot akong naglakad palabas ng pinto, nang bigla niya akong hilahin at halikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya na hanggang ngayun ay hindi pa rin maproseso ng utak ko.

Namalayan ko na lang ang sarili na hinahalikan na ito pabalik, wala na akong magagawa pa. Hanggang ngayun hindi nawala ang nararamdaman ko para kay Yaji, naging indenial lang talaga ako.
Sumasabay ako sa bawat halik nito ng bigla niya akong buhatin at dahan-dahang inihiga sa kama.

Maingat ang bawat pag galaw ni Yaji at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nito, unti-unti niyang tinanggal ang suot niyang damit at gano'n din ang sa akin. Hindi na ako tumanggi pa at sinabayan ko na lang ito, sa pagkakataong ito ay kusang loob ko ng ibinigay ang sarili ko kay Yaji at walang halong pagsisi.

_______________

"Happy Birthday to you! Happy Birthday.... Happy Birthday Ceejay!"

Nakangiti kaming lahat habang nakatingin kay Ceejay na ngayun ay nag-wiwish para sa ika-pitong kaarawan nito. Sobrang bilis ng panahon, parang kailan lang ay nasa tiyan ko pa ito, pero ngayun nagcecelebrate na ng 7th Birthday niya.

Sa mga oras na ito ay masaya na ako at wala na akong ibang mahihiling pa, nabigyan ko ng buo at masayang pamilya si Ceejay, bunos na 'yung kapogian ng Tatay niya. Sa susunod naman na buwan ay ikakasal na kami ni Yaji at magiging Mrs. Figueroa na ako. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang ganitong bagay, ayaw ko talaga dating maexperience kung paano ang magmahal hanggang sa bigla ko na lang nakilala si Yaji at hindi ko inaasahan na siya ang taong makakasama ko habang buhay.

Kung saan man sila Mommy, Daddy at Nanay Nena ngayun, sana masaya sila para sa akin.

"Are you okay? Ang lalim naman ata ng iniisip mo." Anas ni Yaji.

Nakangiti akong binalingan ito ng tingin saka ko ito dinampian ng halik sa labi.

"Wala lang naman, bigla ko na lang naisip 'yung una nating pagkikita. Ang sungit-sungit mo kaya sa akin dati, ikaw pa 'yung dahilan ng muntik na akong mamatay dahil sa allergy ko sa hipon... Tapos ngayun, magiging asawa na kita." Natatawa kong wika.

Kung babalikan ko talaga 'yung nakaraan, para lang kaming aso't pusa ni Yaji, at hindi ko talaga inaasahan na kami ang magkakatuluyan. Si Yaji 'yung taong pinangarap ko, na naabot ko na ngayon.

"Mama? Papa?" Tawag sa amin ni Ceejay.

Patakbo itong lumapit sa amin habang may hawak na plato ang kanan nitong kamay na naglalaman pa ng chocolate cake.

"Mama, Papa. Tikman niyo po 'yung cake na pinabili ko po kay Lola kanina." Nakangiti nitong saad.

Tumango naman ako, bago kinuha ang kutsarang nasa plato niya. Kumuha lang ako ng konting slice ng cake at agad na isinubo. Tumatango-tango pa ako habang nginunguya iyon ng biglang bumaliktad ang sikmura ko.

Tumakbo ako papapuntang kusina para magsuka, bakit gano'n? Chocolate cake ang flavor pero ang panget ng lasa.

"Are you okay, Alieson?"

Habang nagsusuka ay dahan-dahan namang hinahangod ni Yaji ang likuran ko. Nang matapos ay nagmumog na ako ng tubig at agad nagpunas ng bibig.

"Bakit gano'n ang lasa? Napakapanget, baka expired na 'yung cake." Hinihingal ko pang saad.

"Alieson? Kakabili lang 'yun ni Mommy, kaya papano magiging expire-"

Pareho kaming natigilan ng tingnan namin ang isa't-isa, pareho ba kami ng iniisip ni Yaji? Alam kaya niya kung anong naiisip ko ngayun? Sh*t! Buntis ata ako!

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon