"You broke that vase?" Nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa'kin.
Nanatili lang akong nakatayo sa harap niya at walang imik.
"D*mn it! Answer me! You broke that vase?" Sigaw nito.
Kasabay no'n ay ang paghampas nito sa lamesa ng malakas dahilan para magulat kaming lahat.
"H-hindi ko naman po s-sinasadya Sir, ibawas niyo na lang po sa sweldo ko." Nauutal kong sabi.
Sobra na akong natatakot sa awra niya ngayon, para bang kakainin ka niya ng buhay. Inaamin ko na hindi ako naging ma-ingat pero hindi ko talaga 'yon sinasadya.
" Do you think saying sorry can fix everything? Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang vase na 'yon," galit na galit nitong sambit.
Wala akong imik dahil alam kong may pagkakamali ako, kong naging maingat lang sana ako, edi hindi nawala ang bagay na pinakaingat-ingatan niya.
"I'm tired of this. Just pack your f*cking things and get out in my house!" Pagtataboy nito sa'kin.
Bigla akong nagulat sa mga salitang binanggit nito.
" Yaji, baka naman pwede itong madaan sa maayos na usapan. Hindi mo kailangan magkakaganiyan," pagpapakalma sa kaniya ni Manang.
"This is my house Manang, I have a right to make a decision on my own. At ikaw ano pang hinihintay mo, umalis ka na dito!"
Naglakad na ito paakyat ng hagdan kaya hindi ako nagdalawang-isip na magmakaawa sa kaniya. Ito ang unang beses na gagawin ko to, at sobra akong naaawa sa sarili ko ngayon.
"Sir Yaji, h'wag niyo naman po akong paalisin. Sobrang importante po sa'kin ng trabahong ito, maaawa naman po kayo sa'kin. Kahit ano gagawin ko 'hwag niyo lang po akong paalisin."
Ang mga luha ko ay unti-unting tumulo, p*ta! Buong buhay ko hindi ko ginawa to, pero dahil desperada na akong mahanap ang parents ko kaya kahit ano gagawin ko, h'wag lang akong mawalan ng trabaho.
"Take your punishment then," pinal nitong wika.
Nasa kwarto ako ngayon at gaya nong isang araw ay magang-maga na naman ang mata sa kakaiyak, hindi ko alam kong bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. May nagawa ba akong mali? Nakapanakit ba ako ng ibang tao ng hindi ko alam? O baka naman ako 'yong kailangan magbayad sa mga kasalanan ng mga magulang ko.
"Alieson, eto oh may dala akong pagkain sayo. Hindi ka pa kasi kumakain simula kaninang umaga."
Inilapag ni Lily ang pagkain sa ibabaw ng lamesa at naupo sa kama ko saka ako nito malungkot na tiningnan.
"Ali, tumigil ka na sa kakaiyak. Magang-maga na 'yang mata mo e," sambit niya.
Gusto ko man pigilan ang pag-iyak pero sa tuwing naiisip ko sila Mommy at Daddy, iyak pa rin ako ng iyak. Bakit sa dinadaming tao sa mundo, bakit sa'kin pa nangyari to?
Lumapit sa'kin si Lily saka ako nito niyakap, buti na lang talaga nandito siya, kahit papano ay may nasasandalan ako.
"Ang vase na 'yon ay galing sa ex-girlfriend ni Sir Yaji, sobra niyang pinapahalagahan 'yon. Kaya hindi ko siya masisi kong bakit bigla na lang siyang nag-apoy sa galit." Paliwanag nito.
Nanatili lang ako sa kwarto ko buong araw , walang kain at hindi ako lumalabas. Pasalamat na lang ako dahil naiintindihan ako nila Manang, at hinayaan muna nila akong mapag-isa.
Kinagabihan ay may kumatok sa kwarto ko kaya agad ko naman itong binuksan.
"Ali, nandiyan na si Sir Yaji. "
Hinihanda ko na lang ang sarili bago ako lumabas ng kwarto, ano mang punishment ang makukuha ko ngayon ayos lang sa'kin basta ang importante hindi ako mawalan ng trabaho. Dahil sa oras na matanggal ako dito, baka mawalan na din ako ng pag-asa na makita ang parents ko.
Nang makarating ako ng dining ay bumungad sa'kin ang isang palangganang hipon na naluto na. Hindi ko naman maiwasang mapalunok dahil ito ata ang punishment na matatanggap ko ngayon.
Kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko sa gutom, pero wala akong balak kainin ang pagkaing nasa harapan ko ngayon.
"That was their specialty, spicy tempura. I hope you like it!" Nakangisi nitong wika.
" Simple lang naman ang gagawin mo, uubusin mo 'yan ngayong gabi, dahil kapag hindi magsimula ka ng mag-impake." Mula sa nakangising awra ay naging seryoso ang mukha nito.
Gusto kong tumanggi sa gusto nitong ipagawa sa'kin, may allergy ako sa hipon kaya paano ko kakainin to. Gaano ba kaimportante ang vase na 'yon at kailangan buhay ko pa ang maging kapalit.
Nanginginig akong umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa, kumuha ako ng isang pirasong tempura at nakapikit akong isinubo iyon. Gaya nga ng sabi niya, mahanghang siya na ngayon ay ramdam na ng lalamunan ko.
Sunod-sunod ang pagkain ko ng hipon kaya ilang segundo lang ang nakalipas ay agad ko naman iyong naubos.
" Pasalamat ka 'yan lang ang punishment na ibinigay ko sayo, but next time matuto kang maging maingat para hindi ka nakakabasag ng mga gamit dito," pahabol nitong bulyaw sa'kin.
Tumayo na ito sa kaniyang upuan pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Unti-unti ko ng nararamdaman ang paninikip ng puso ko, kaya mabilis naman akong napahawak doon. Shit! Inaatake na ako ng allergy ko.
Kumilos lang ako ng normal para hindi nila mapansing nahihirapan na akong huminga, nanginginig ang mga tuhod ko na tumayo mula sa kinauupuan saka kinuha ang palanggana para dadalhin sana sa kusina ng bigla ko itong mabitawan at nabasag. F*ck!

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...