Chapter 4

413 5 1
                                        

"Ano? Magtatrabaho ka?" Bulyaw ni Nanay.

Ineexpect ko naman na 'to,  kaya 'di na ako magtataka kong bakit ganito ang naging  reaksiyon niya.

"Nay, gusto ko pong magtrabaho kasi gusto kong makatulong sa inyo," pagdadahilan ko.

"Hindi ba't parang nagpapadalos-dalos ka ata ng desisyon Alieson, pinag-isipan mo na ba ito?"

Ilang araw akong nag-isip ng solusyon o paraan para makatulong kay Nanay at para na rin mahanap ang parents ko, at ayun na nga. Eto ang desisyon na ilang araw kong pinag-isipan bago ko pinal na sinang-ayunan.

"Opo Nay."

Sa totoo lang ayaw kong iasa kay Att. Leo ang paghahanap sa mga magulang ko, dahil una sa lahat meron siyang pamilya. Ako ang anak nila kaya responsibilidad ko 'yon, nakakahiya naman kong iaasa ko pa 'yun sa ibang tao kong kaya ko din namang gawin.

"Pero Alieson kabilin-bilinan ni Att. na h'wag kang lalabas ng bahay kasi delika-"

"Ma, hayaan mo na siya. Malaki na 'yang si Alieson kaya na niya ang sarili niya. Saka isa pa, hayaan mo siyang magtrabaho atleast nakakatulong siya dito hindi 'yung buong araw siyang nakatambay dito sa bahay. Madami na tayo dito 'hwag ka ng dumagdag pa ng palalamunin!" Singit ni Jessica, ang pangalawang anak ni Nanay.

Magkasing-edad lang kaming dalawa ni Jessica kaso nga lang inuna 'yong kalandian kaya nabuntis ng maaga.

"Jessica, 'yang bunganga mo!" Suway sa kaniya ni Nanay.

"Bakit Ma? Masama bang magsabi ng totoo, hindi na siya ang amo mo ngayun na kailangan mong pagsilbihan. Hindi ka naman na pinapasweldo niyan e , kong tutuusin nga mas mahirap pa sa'tin 'yan ngayon!" Tugon nito.

Minsan pala nakakainit ng dugo kapag 'di marunong tumanaw ng utang na loob ang isang no! Biglang ang sarap na lang manakit e.

Nahihiya naman ako ngayon sa kaniya, e sa totoo nga wala naman siyang trabaho kasama na 'yung asawa niyang batugan. Ni- ultimo pang gatas ng anak niya kay Nanay pa iaasa! Pabigat na nga, mga tamad pa! Saka na siya magmalaki sa'kin kong kaya na niyang magtrabaho kahit para na lang sa anak niya.

"H'wag po kayong mag-alala Nay, kaya ko po ang sarili ko," nakangiti kong wika.

Gusto kong pagaanin ang loob ni Nanay ngayun, ayaw kong sobrang mag-alala siya sa'kin kaya naman dinaan ko na lang sa ngiti ang lahat.
Pagkatapos ng usapan namin ay walang nagawa si Nanay kundi sumang-ayon na lang, kahit sa ayaw man niya o hindi paninindigan ko pa din ang desisyon ko na magtrabaho. Wala na akong ibang maasahan ngayun kundi ang sarili ko, kailangan ko lang mag-ipon ng pera pagkatapos no'n saka ko hahanapin ang mga magulang ko.

Kinabukasan ay handa na ang lahat ng mga gamit ko, hinatid na kami Nanay sa highway para mag-abang ng taxi. Kasama ko ngayon si Betty dahil siya ang may alam kong saan ang papasukan kong trabaho.

"Betty, siguradohin mong mabait ang boss nitong si Alieson ha. Baka mamaya e, masama naman pala ang ugali at saktan itong alaga ko," Paninigurado ni Nanay.

Grabe talaga itong si Nanay mag-care sa' kin, hindi naman niya ako kadugo pero sobra-sobra ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.

"H'wag kayung mag-alala Nay Nena, mabait po iyong si Manang Lena kagaya niyo din, except lang don sa magiging boss nitong si Alieson," tugon naman ni Betty.

"Bakit? Anong meron sa kaniya?"

So ayon na nga, nagdaldalan na sila. Naku! Betty, pati ba naman ang boss ko ichichismis pa kay Nanay.

"May pagkastrikto po Nay, laging seryoso ang mukha. Pero sobrang pogi, nakakalaglag panty Nay," kinikilig nitong wika.

Hinampas ko naman ng mahina si Betty sa balikat nito.

"Aray! Ang sakit ha!" pagrereklamo nito.

"Iyang bunganga mo, tumigil ka nga!"

" Bakit? Wala naman akong sinabing masama. E sa totoo namang nakakalaglag panty 'yung kapogian niya," pag-uulit pa nito.

Kaloka tong si Betty, inulit pa talaga ha! Mukhang mahina ata 'yung hampas ko sa kaniya e, gusto pa ata lakasan.

"Tama na nga iyan. Ikaw Betty, puro ka kalokohan. O basta Alieson, paulit-ulit kong sinasabi sayo na mag-iingat ka doon iha. Kong 'di mo kaya ang trabaho umuwi ka dito, lagi mong tatandaan na bukas ang bahay ko para sayo."

Nakangiti akong niyakap si Nanay, isa sa pinapasalamat ko sa diyos na binigyan niya ako ng Nanay Nena, dahil kong hindi dahil sa kaniya at sa pagmamahal niya baka naging rebelde na din siguro ako. Pinuno niya ako ng pagmamahal na 'di kayang ibigay sa'kin ng parents ko.

Sa ilang oras naming paghihintay ay sa wakas may dumating din na taxi. Una naming pinasok ang mga gamit ko sa compartment saka ko niyakap si Nanay.

"Nay, mag-iingat ka ha. Bibisitahin din po kita sa day off ko," nakangiti kong sambit.

Nagpaalam na ako sa kaniya saka ako sumakay ng taxi, bakas sa mukha nito ang lungkot at nong makaalis na kami ay nakita ko ang pagtulo ng mga luha nito. Hintayin mo lang ako Nay, babalikan kita, sa ngayun kailangan ko munang magtrabaho para mahanap ang parents ko.

Isang oras din ang byahe bago namin marating ang Royal Villa.   Ang Royal Villa ay isang subdivision na karamihan sa mga  nakatira dito ay mga artista o di kaya ay mga company owner. Sikat itong subdivision na to hindi lang sa bansang pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya naman ay madaming tao pinapangarap na tumira dito.

Palagi kong nakikita to sa tv, pero 'di ko inaasahan na ganito pala siya kaganda sa personal, nakakamangha ang bawat bahay na nadadaanan namin, kong tutuusin hindi na to basta bahay lang kundi mansiyon na sa sobrang laki nito,  iba't-ibang klase ang disensyo ng mansiyon ang makikita mo, kaya 'di mo talaga maiwasang humanga.

"Manong diyan lang sa tabi," saad ni Betty.

Bumaba na kami ng taxi pero ang mata ko ay nanatiling umiikot sa paligid. Natutuwa ako sa mga nakikita ko kaya naman ay awtomatiko akong napapangiti.

"Sobrang ganda pala dito," namamangha kong sabi.

"Ganiyan din ako nong una kong punta dito, 'di ko aakalain na ganito siya kaganda sa personal. Pero mas mamangha ka sa bahay ng boss mo." Sabay turo nito ng isang bahay este isang mansiyon na nasa harapan namin ngayon.

Kumpara sa ibang bahay na nakita ko, mas lalo akong namangha sa isang mansiyon na nasa harap ko ngayun. Gawa iyon sa marmol at nakakabighani ang ganda nito isama na din ang malaki nitong gate na parang sa palasyo lang. Sobrang yaman naman pala talaga ng future boss ko.

"Ano? Tara na?"

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon