YAJI POV
"You are staring at her photo again." Si Mommy.
"I missed her so much, Mom." Sagot ko habang nakatingin sa litrato ni Beatrice.
Since highschool ay girlfriend ko na ito hanggang sa makapagtapos kami ng pag-aaral, siya ata ang first love ko kaya nong nagkaroon ng pagkakataon na maging close kami ay agad ko siyang niligawan.
She was my world, kaya nong nakapagtapos na kami ng pag-aaral ay nagplano akong pakasalan siya, but she reject my proposal. Hindi pa daw ito handa para pumasok sa buhay pamilya kaya inintindi ko na lang siya.
Naniniwala naman ako na sa pagdating ng tamang oras at panahon, kong kailan handa na siya saka ko na lang siya yayain magpakasal. Pero mukhang hindi ata sumasang-ayon ang tadhana at panahon sa aming dalawa.
Nakatanggap siya ng opportunity sa State bilang isang modelo na agad niya ding tinanggap at hindi man lang ipinaalam sa akin. Nong mga oras na 'yun ay galit na galit ako sa kaniya na humantong sa hiwalayan naming dalawa.
Years passed, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya kaya naman naisipan kong sundan ito sa States, pakiramdam ko nong mga oras na iyon ay para akong aso na sunod-sunuran sa kaniya. Kahit nga sa pagset ng appointment sa manager niya ay ginawa ko para lang makausap siya at maayus ang kong anong meron kami pero hindi niya ako sinisipot.
Ilang buwan din akong nagmukmuk no'n sa kwarto at ilang linggong hindi kumakain, hindi ko alam kong pagsisihan ko ba na ginawa ko siyang mundo kong sa huli magiging ganito ako.
Dumating ang araw na narealize kong dapat ko na siyang kalimutan kaya naman ay umuwi ako ng Pilipinas para doon magmove-on.
"Yaji, uuwi ka pala iho. Bakit 'di ka nagsasabi edi sana pinasundo kita kay Pedring," saad ni Manang Lena.
Kinuha nito sa akin ang hawak kong maleta saka matamang nakatingin sa kaniya. Si Manang Lena ang taong pinagkakatiwalaan ko sa mansiyon kapag pumupunta ako ng ibang bansa, hindi pa ako ipinapanganak ay nandito na siya at pinagsisilbihan ang mga magulang ko, kaya kahit sila Mommy ay malaki din ang tiwala sa kaniya.
"I also came home suddenly because of the company. Manang, ikaw na lang po ang bahala sa mga gamit ko, I have to go." Sagot ko sabay alis.
Pagkarating ko ng company ay agad akong sinalubong ng secretary ko na si Amanda, look at her again. Wearing her pencil skirt, white long sleeve na bakat na bakat naman ang hinaharap at ang lagi nitong suot na salamin. She is a seductive nerd I guess.
"How's the company?" Agad kong tanong ng makarating ako ng office.
Matagal din akong nawala kaya panigurado madami na namang papeles ang aasikasuhin ko ngayon.
"Maayus naman po ang company, Sir. Mayroon lang po kayong mga meetings na hindi nadaluha-"
"Re-sched it!" Pagpuputol ko sa kaniya.
Binalingan ko ito ng seryosong tingin na agad niyang ikinaiwas, napayuko ito sabay tango.
Sa paglipas ng mga araw ay naging abala ako sa kumpanya at unti-unti ko ng kinalimutan si Beatrice. Pasado alas-dose na ng madaling araw ako nakauwi ng mansiyon dahil sa kakaover-time ko sa trabaho,mas magnda na din na inililibang ko ang sarili sa trabaho kesa magmukmok at magpakalunod sa alak.Pagdating ko ng kwarto ay agad akong nagshower, pakiramdam ko kase ay napakalagkit na ng katawan ko.
Pagkatapos naman ay nagsuot na ako ng roba at agad na binuksan ang cellphone na nasa tabi ko lang, unang bumungad sa news feed ko ang mukha ni Beatrice at ang nakalagay sa caption nito ay "Welcome home Bea." Ibig sabihin ba nito ay nasa Pilipinas na siya?
Napatigil naman ang pagmumuni-muni ko sa sunod-sunod na pagdoorbell na narinig ko. Napatayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa bintana para silipin kong sino ito. Gabi na pero may tao pang nambubulabog sa ganitong oras.
Nang sumilip ako sa bintana ay kitang-kita ko ang bagong kasambahay na mukbang lasing na lasing na ata at ngayun ay nakaupo na sa semento. What the! I can't believe this girl!Bumaba ako para pagbuksan ito ng gate na agad niyang ikinatayo.
"Sinong matinong babae na uuwi ng ganitong oras? And you're drunk!" Baritono kong sambit.
Tanging ngisi lang ang naging sagot nito sa akin, kaya hindi ko maiwasang mainis. Mukha ba akong nagpapatawa?
"Hi, Sir Yaji. Goodevening po."
Lakas talaga ng apog ng babaeng to, hindi ba halatang naiinis na ako at nagawa niya pa akong batiin. Sumama na ang timpla ng mood ko kaya masama na ang tingin na ipinukol ko sa kaniya.
"Saan ka naman kumuha ng lakas ng loob para umuwi dito ng lasing? I can't believe it!"
Hindi nito pinansin ang sinabi ko at unti-unti itong naglakad papalapit sa akin, ng bigla nitong inilapit ang mukha sa'kin na ikinagulat ko. What the! Ano bang binabalak ng babaeng to.
Sunod-sunod ang paglunok ko ng maging isang dangkal na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakaramdam ako bigla ng kaba sa kong anong pwedeng gawin ng babaeng to, kaya hindi ko naman maiwasang manginig.
"Sir, ampogi niyo pala sa malapitan." She smiled.
Seryoso lang ang tingin nito sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang habang sunod-sunod naman ang paglunok ko. Umiwas ako ng tingin hanggang sa bigla ako nitong hinalikan na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...