Ngayon ko lang uli na kasama sila Nanay pero parang ambilis naman ata ng oras. Alas-singko na kasi ng hapon at kailangan ko ng bumalik sa mansiyon, baka kasi mahirapan akong makasakay ng taxi kapag ginabi na ako.
"Nay, maauna na po ako. Next day-off ko, hayaan mo at bibisitahin ulit kita dito," ani ko.
"Ganon ba iha, sige hatid na kita."
"H'wag na po, malapit lang naman ang kalsada dito. Magpahinga na lang po kayo."
Sa huling pagkakataon ay muli kong niyakap si Nanay ng mahigpit bago ako tuluyang umalis. Palabas na ako ng eskinita ng makasalubong ko si Betty.
"Alieson, ikaw pala. Bakit ka nandito?" Tanong nito.
"Day-off ko kasi ngayon kaya binisita ko sila Nanay, pero pabalik na ako ng mansiyon," tugon ko.
"Babalik ka na agad ng mansiyon, sama ka na lang sa'kin."
Puno ng pagtataka ang mukha ko sa sinabi nito, sasama? Saan naman kami pupunta?
"Minsan mag-enjoy ka naman, kasi pagbalik mo sa mansiyon puro ka na naman trabaho kaya halika ka na!" Sabay hila nito sa'kin.
"Teka, saan ba tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.
Hetong si Betty hila ng hila sa'kin, e 'di ko naman alam kong saan kami pupunta.
"Sa bar."
Para ako ngayong nabibingi dahil sa sobrang lakas ng music dito sa bar, eto ang unang beses na nakapunta ako sa ganitong lugar kaya hindi ako sanay sa ingay. Nakaupo lang ako sa gilid habang enjoy na enjoy naman si Betty at ang kaniyang mga kaibigan sa kakadisco.
Ilang saglit pa ay napagod ata sila sa kakasayaw kaya bumalik sila sa pwesto namin.
"Alieson, mag-enjoy ka minsan lang to." Si Betty.
"Yeah, just enjoy your self!" saad naman ng kaibigan nito.
"Kayo na lang, okay na ako dito," sagot ko sabay inom ng tubig.
Wala naman akong balak uminom ng alak dahil baka malasing lang ako, edi hindi pa ako makauwi ng mansiyon.
"Ali, 'hwag puro tubig. Uminom ka." Sabay abot nito sa'kin ng isang shot glass na may lamang vodka.
Tinanggihan ko ito dahil ayaw kong uminom, pero sadyang mapilit itong si Betty kaya tinanggap ko na lang. Isang beses lang naman e.
Kinuha ko ang shot glass sa kamay niya at agad na ininom, nag-iba ang reaksiyon ng mukha ko dahil sa mapait nitong lasa at naramdaman ko na din ang pag-init ng aking lalamunan.
Hindi pa ako umiinom at mukhang kay Betty ako matuto, ang sinabi kong isang shot glass lang sana na vodka ay nasundan pa ng limang shot. Kaya hindi nagtagal ay nakaramdam na ako ng hilo sabayan pa ng pag-init ng dalawa kong pisngi.
Natagpuan ko na lang ang sarili na nasa gitna ng disco floor na sumasayaw kasama sila Betty. Gusto ko ng umuwi at tigilan 'tong kalokohan na ginagawa ko ngayon, pero huli na ako dahil hindi ko na makontrol ang sarili ko dala na din siguro ng kalasingan.
***
Time check, 2:00 o'clock in the morning.Pagkatapos ng kasiyahan sa bar ay hinatid ako ng kaibigan nila Betty sa mansiyon. Nasa labas ako ngayon ng gate at paulit-ulit na nagdodoorbell para pagbuksan nila ako ng pinto. Kainis, wala ng gising sa ganitong oras pero heto ako ngayon nambubulabog ng tulog.
Napaupo na lang ako sa semento dahil 'di na ako umaasang pagbubuksan nila ako ng pinto, mukhang dito ako ngayon matutulog sa labas. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil hanggang ngayon nakakaramdam pa din ako ng hilo.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng gate kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko saka bumungad sa'kin ang seryosong mukha ng boss ko.
"Sinong matinong babae ang uuwi ng ganitong oras? And you're drunk! " baritonong sambit nito.
Nakangisi akong nakatingin sa kaniya. " Hi Sir Yaji, goodevening po este goodmorning pala."
Sumama ang timpla ng mukha nito.
"Saan ka naman kumuha ng lakas ng loob na umuwi dito ng lasing? I can't believe it!"
Hindi ko pinansin ang sinasabi nito at unti-unti akong naglalakad palapit sa kaniya. Wala sa sariling inilapit ko ang mukha sa kaniya na ngayon ay isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Sir, ampogi niyo pala sa malapitan," nakangiti kong ani.
Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya habang siya ay gulat na gulat sa ginagawa ko ngayon. Nakita ko ang pagbaba taas ng adams apple nito kaya 'di ko mapigilan ang sariling mapalunok hanggang sa dumapo ang tingin ko sa mapupula nitong labi.
Pakiramdam ko para iyong isang cherry na gustong-gusto ko ngayong kainin. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata, hanggang sa tuluyan kong naramdaman ang malambot nitong labi.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fiksi Penggemar"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...