Chapter 60

216 1 0
                                    

Seryoso lang akong nakatingin sa invitation card na hawak ko ngayun, magkakaroon ng hotel anniversary sa boracay at isa ako sa inimbita pero hindi ko naman alam kong pupunta ba ako o hindi lalo na't hindi naman ako mahilig sa party.

"Sino-sino ang dadalo sa party na to?" Agad kong tanong kay Amanda.

Ayaw ko namamg basta umattend lang lalo na kapag hindi ko naman kilala ang mga dadalo.

"Sa pagkakaalam ko ay isa po sa dadalo si Ma'am Beatrice at ang boyfriend niya pong si Sir Paolo."

Napanting agad ang tenga ko sa sinabi nito, si Beatrice at si Paolo? This can't be!
Padabog akong tumayo at malakas na hinampas ang lamesa na ikinagulat ni Amanda.

"Tell, Mr. Dela Cruz na aattend ako." Matigas kong sambit.

Hindi ako makapaniwala sa balitang natatanggap ko ngayun at mas nadagdagan pa 'yun nong pag-uwi ko ng bahay ay nalaman kong nabasag ang vase na niregalo sa akin ni Beatrice.

Galit na galit ako kay Alieson nong mga oras na 'yun. Sobrang halaga sa akin ng Vase na 'yon lalo na't iyon ang niregalo  sa akin ni Beatrice nong first anniversary namin. Sa sobrang galit ko ay pinakain ko siya ng spicy shrimp na humantong pa sa kamuntikan nitong ikamatay.

Matapos maadmit ni Alieson sa hospital ay sobra akong nagsisi, naibaling ko sa kaniya ang galit na dapat kela Paolo at Beatrice.

"Alieson, is not my girlfriend!" Matigas kong sambit.

Nagkaroon ako ng oppurtunity para makausap si Bea at para na din maayus ang kong anong meron kami. Pero kanina pa ako nagpapaliwanag tungkol sa amin ni Alieson pero ayaw nitong maniwala.

"Oh really! Yaji? The way you look at her, alam kong may kakaiba sa mga tingin mo and then what? Proud ka pa na ipagmalaki sa akin na wife mo siya. I'm not stupid!" Bulyaw nito sa akin.

Nagtangka naman itong umalis na agad kong hinila saka hinalikan. That time, hindi ko alam kong bakit nagawa ko ang bagay na iyon pero hindi ko aakalain na sa ganong paraan ko mapapamo si Beatrice.Ilang taon din ang nakalipas bago ko muling nahagkan ang mga labi ni Beatrice,pero bakit ganon? Pakiramdam ko wala akong kahit anong naramdaman nong mga oras na 'yon.

I feel guilty sa tuwing iniisip kong ginamit ko si Alieson para balikan ako ni Beatrice,   pero wala akong choice I can't afford to lose her.
Naging official kami ni Beatrice at inamin nito sa akin na nagpanggap lang sila ni Pao para tuluyang bumalik sa akin, nagpasya na din kaming kalimutan na lang ang nangyari sa nakaraan at magsimula ulit ng panibago.

Pagdating ko ng mansiyon galing ng boracay ay bigla kong naisip si Alieson, pumunta ako sa kwarto nito para humingi sana ng sorry about what happen in boracay pero nagulat lang ako sa nadatnan ko.

"Hey!Alieson.Wake up! Don't close your eyes, I will take you to the hospital." Nag-aalala kong sambit.

Hindi ko na alam kong anong dapat gawin nong mga oras na iyon, napraning ako at hindi mapigilang mag-alala sa kaniya ng sobra, kulang na nga lang ay maiyak ako sa nakita kong kalagayan niya.

"Mayroon siyang tama ng bala sa kanan niyang balikat at sa nakikita ko ay bagong tahi lang iyon. Sa totoo lang bawal siyang magpagod o magbuhat ng mabibigat at 'yun ang nakikita kong posibleng dahilan kong bakit napunit ang tahi niya."

Tama ba ang narinig ko? May tama ng baril ang balikat ni Alieson? Ibig sabihin ba nito ay may masamang nangyari sa kaniya nong bumalik siya dito ng Manila.

Nang matapos ang usapan namin ni Doc ay agad ko siyang kinompronta tungkol sa sugat nito pero masyadong matago si Alieson, at pilit nitong itinatanggi ang totoo.

To be honest, nakakaubos ng pasensiya si Alieson. Paano niyang nagawang itago ang bagay na iyon sa akin o kahit kela Manang man lang, muntik na siyang mamatay dahil sa lala ng sugat niya pero hindi man lang siya kumikibo. Pilit niyang pinapakita na matapang siya, kahit ang totoo ay hindi naman. Tsk!

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon