Chapter 18

295 2 0
                                        

Nabored ako sa loob ng kwarto kaya naisipan kong magpahangin at mamasyal sa labas. Napakaaliwalas ng lugar na ito at napakalinis, masasabi kong wala na ako syudad dahil wala na akong malanghap na maiitim na usok.

Habang naaaliw ako sa paglalakad ay bigla kong namataan ang  pamilyar na rebulto ng isang lalaki na naglalakad papunta sa direksiyon ko.

"Hey Alieson," nakangising tawag nito sa'kin.

Huminto ako sa paglalakad saka ngumiti sa kaniya. Hindi naman kami gano'n kaclose para mag-usap na dalawa kaya naman ay tinalikuran ko na siya.

" Umiiwas ka yata, natatakot ka bang makita tayo ni Yaji na mag-kausap? Gano'n na ba siya ka possesive ngayon?" Natatawa nitong sabi.

Gustuhin ko man na hindi na lang siya pansinin, pero ayaw kong mag-isip pa siya ng kong ano kapag tuluyan ko siyang iniwasan.

Nilingon ko ito na nakangiti, at hindi nagpa-apekto sa mga sinasabi nito.

"Hindi 'yon gano'n. E, ikaw? Hindi ka ba natatakot na baka makita tayo ni Beatrice na mag-kausap? Baka magselos pa 'yon, edi mag-aaway lang kayo,"tugon ko sa kaniya.

Natawa naman ito ng pagak,pero kitang-kita ang hinanakit sa mga mata nito.

"I wish na totoo 'yang sinasabi mo, pero malas lang dahil hindi. Beatrice is my first love but everytime I confess my feelings for her, she reject me. Why? Because the one that she love is Yaji, your boyfriend."

Hindi ako makapagsalita at nanatili lang na tahimik, ibig sabihin ba nito nagpapanggap lang din sila na magjowa dahil kay Sir Yaji, at kami naman ni Sir ay nagpapanggap lang din para kay Beatrice. Grabe naman pala ang rebelasyong malalaman ko ngayon.

"Hindi ko alam kong anong nasa isip mo ngayon, but how did you meet Yaji? Kilala siya na malamig ang pakikitungo sa ibang babae except kay Beatrice, but you? How did you become the girlfriend of a heartless ceo like him?" Nagtataka nitong tanong.

Gano'n ba talaga ka walang puso si Sir Yaji, para bansagan ng ganong pangalan. Pero hindi ako naniniwala, kahit ako nawitnessed ko ang kabutihan niya at kong 'di dahil sa kaniya panigurado patay na ako ngayon.

"Aalis na ako, madami pa kasi akong gagawin." Pag-iiba ko ng usapan.

Ayaw ko ng makipag-usap pa sa kaniya ng matagal, malay ko ba kong totoo talaga ang sinasabi niya o hindi. O baka naman gusto niya lang siraan si Sir Yaji sa'kin.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at nakailang hakbang pa lang ako ay bigla na itong nagsalita.

"I know you and Yaji are just pretending and you can't fool me, payong kaibigan lang Alieson, don't ever fall in love to Yaji. You will only hurt yourself, because you loved the wrong person. Wala pang ibang babaeng minahal si Yaji, bukod kay Beatrice."

Ang salitang 'yon ang dahilan kong bakit nakaramdam ako ngayon ng lungkot, bakit ba ako nagkakaganito? Sobra na akong naweweirduhan at hindi ko na maintindihan pa ang sarili.

Tahimik lang akong nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw, ayaw ko ng isipin ano man ang sinabi ni Paulo sa'kin kanina. Ano naman ngayon kong si Beatrice ang mahal ni Yaji, ano namang pakialam ko sa kanila.

Sa tuwing naiisip ko ang sinabi sa'kin ni Paulo,bigla-bigla na lang akong nalulungkot, ano bang nangyayari sa'kin? Nahuhulog na ba ako kay Sir Yaji?

Madilim na ng makabalik ako ng hotel room, pagpasok ko ng pinto ay nakita ko si Sir Yaji na abala sa pagtitipa ng kaniyang laptop, kaya naman ay hindi niti napansin ang pagpasok ko. Dahan-dahan lang ang lakad ko mula pinto hanggang pinto ng banyo ng bigla itong magsalita.

"Saan ka galing?" Tanong nito sa malamig na boses.

Hindi na ako nito tiningnan pa, kaya hindi ko na rin inabala ang sarili na tingnan pa siya.

"Namasyal lang po Sir," sagot ko.

" Wala tayo sa mansiyon, so call me Yaji. And by the way the hotel was celebrating their 50th anniversary today. Kaya kailangan nating pumunta doon."

Gusto ko mang pumunta pero wala akong dress na dala ngayon, nakakahiya naman diba kong aattend ako don na nakapantalon at simpleng t-shirt lang. Nakakahiya 'yon.

Tumayo si Sir Yaji sa kinauupuan nito sabay kuha ng malaking paper bag sa tabi niya saka ibinigay sa'kin.

"Suutin mo 'yan para naman magmukha kang tao tingnan, make yourself beautiful tonight. Ayaw kong magdala ng partner doon na mukhang kasambahay," masungit nitong wika.

Kanina lang ang bait niya, pero ngayon para na naman siyang sinapian ng kong anong masamang espirito. May date at oras ba 'yong pagiging mabait niya? Sabihin niya na lang ng  mapaghahandaan ko, tsk!

Padabog akong pumasok sa banyo bago ko tiningnan ang sarili sa salamin, mukha na ba talaga akong gurang na kasambahay ngayon? Parang hindi naman ata.

Kinuha ko na ang laman ng paper bag para tingnan kong ano 'yon, pero halos lumuwa ang mata ko ng makita ang laman no'n. Blackless string mini sexy dress iyon na kulay itim at dalawang pares ng ankle-strap stiletous. Seryoso ba si Sir Yaji na ipapasuot niya to sa'kin? Pero hindi ako nasuot ng ganitong klaseng dress! Hays!

Dahil no choice nga ako, naligo na lang ako at sinimulang ayusan ang sarili. Nalagay lang ako ng konting make-up para naman magmukha akong tao gaya ng sabi ni Sir Yaji. Hinayaan ko lang na ilugay ang mahaba kong buhok saka ko kinulot ang ibabang parte nito, nagsuot din ako ng Alloy pendant necklase saka magkapares na hikaw.

Nang makuntento na ako sa ayos ko ay naisipan ko ng lumabas ng banyo para makaattend na kami sa party, pero hindi ko naman napigilan ang sariling makaramdam ng kaba lalo na't ito ang unang beses ko na dadalo ng party.

"Are you ready?" Tanong ni Sir Yaji, saka ako nito tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Medyo kinakabahan po ako Sir," nahihiya kong sabi.

Binalingan ako ni Sir Yaji ng tingin saka ito ngumiti, dahilan para bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Lagi na lang ba titibok ng ganito kabilis ang puso ko sa tuwing nakikita ko si Sir Yaji na nakangiti! Ano ba!

" Don't be, you look so gorgeous tonight," nakangiti nitong sabi sa'kin.

Inalok nito sa'kin ang kaniyang braso, kaya agad naman akong napakapit doon. Hindi ko napigilan ang sariling mapangiti at pakiramdam ko ako na 'yong pinakamasayang babae ngayon.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon