Gaya ng nakagawian ay gigising ako ng madaling araw, maliligo at tutulong kela Manang Lena at Lily sa pagluluto ng agahan. Pagsapit naman ng alas-nwebe ng umaga ay magsisimula na akong maglinis, but this time ay nagdodoble ingat na ako, baka kasi makabasag na naman ako. Wala na ako balak kumain ng hipon noh!
" I have a business meeting in Boracay next day, hahanap na lang ako ng makakasama," wika ni Sir Yaji sa kausap nito sa kabilang linya.
"Sana magaling ka na sa pagbalik ko, lalo na't ayaw ko pa naman ng paiba-iba ng secretary," sambit nito sa masungit na boses.
Ibinaba nito ang tawag bago tumingin sa direksiyon ko, agad naman akong umiwas ng tingin ng magtugma ang mga mata naming dalawa. Nagpatuloy na lang ako sa pagwawalis , pero nakita ko sa pheripheral view ko na naglalakad ito papunta sa kinatatayuan ko.
"Alieson?" Tawag nito na agad kong nilingon.
"Po."
"I have to go to Boracay next day, but my secretary is sick. Kaya ikaw ang sumama sa'kin." Wika nito.
Boracay? Isa 'yon sa mga pinangarap kong lugar na gustong puntahan, pero 'di ko akalaing mapapabilis ang pagdating ko doon dahil kay Sir Yaji.
Noong bata ako pinapangarap ko ng makapunta roon, lagi ko ngang niyaya sila Mommy at Daddy na pumunta do'n, kaso wala na silang ibang pinagkaabalahan pa kundi ang kompanya lang.
Kinagabihan ay nagimpake na agad ako ng mga damit na dadalhin ko, ngayon pa lang ay naeexcite na ako dahil sa wakas ay makakapunta na din ako ng Boracay. Konti lang naman ang dinala kong damit, ayon kasi kay Sir Yaji, tatlong araw lang naman daw kami doon.
Alas-singko ng madaling araw ay umalis na kami, ayaw kasi ni Sir Yaji, mag-eroplano at gusto niyang magbarko na lang. Tahimik lang ang buong byahe namin papuntang Batangas port at si Manong Pedring na ang naghatid sa'min.
Napatingin ako sa rear view mirror ng sasakyan ng matanaw ko ang nahihimbing na tulog na si Sir Yaji. Napaka-amo ng mukha niya kapag natutulog, hindi mo iisiping napakasuplado niya. Pero infairness ang pogi niya sa ganiyang awra.
Nweweirduhan na talaga ako sa sarili ko, minsan kasi bigla-bigla akong napapangiti sa tuwing nakikita ko si Sir Yaji, minsan naman bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit siya sa'kin. Hays! Siguro kailangan kong magpa-konsulta sa doctor pagbalik namin ng Manila, baka mamaya mabaliw na ako!
Pagdating ng Batangas Port ay isa-isang ibinaba ni Manong Pedring ang mga gamit namin, bago ito nagpaalam saka umalis. Pagpasok ng Port ay kaniya-kaniya kaming bitbit ni Sir ng mga gamit namin, hila-hila nito ang kaniyang maleta habang dala ko naman ang bag ko.
Binigay ni Sir Yaji ang ticket namin bago kami umakyat ng barko, wala naman masyadong tao kaya naman ay madaming bakanteng pwesto ang mga upuan. Inilapag ko ang gamit ko sa upuan at lumabas ng cabin para magpahangin sa labas.
Hindi pa naman umaalis ang barko dahil meron pa ata itong hinihintay na mga pasahero papuntang caticlan port. Tahimik akong nakaupo sa upuan na nasa gilid at mapayapang tiningnan ang magandang tanawin sa labas.
Sa unang beses ay nakasakay na ako barko, buti na lang at hindi ako nahilo, dahil nakainom ako ng gamot kanina. Paalis na ang barko, kaya napagdesisyonan ko ng pumasok sa loob ng cabin. Napako naman ang tingin ko kay Sir Yaji na, komportableng nakaupo sa upuan habang nakapikit ang mga mata.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka natutulog lang, kaya naman ay tahimik akong napaupo sa upuang katabi niya. Binalingan ko muli ng tingin si Sir Yaji ng makita na parang hindi ito okay.
"Sir?" Sabay sundot ko sa braso nito.
"What?" Namamaos nitong wika, saka dahan-dahang iminulat ang mga mata.
"Okay lang po ba kayo?"
Binalingan ako nito ng tingin sabay iling. " No ,I'm not. Nahihilo ako."
Kasunod no'an ay agad ko namang kinuha ang gamot sa loob ng bag at pinainom sa kaniya.
" Para saan 'yon?" Pagtutukoy nito aa gamot na pinainom ko sa kaniya.
"Gamot po iyon kontra hilo, itulog niyo lang po iyan Sir at maya-maya mawawala din 'yan." Sagot ko.
Dahan-dahan nitong ipinikit ang mga mata, pero may kong ano ang nagtulak sa'kin para hawiin ang ulo nito at isandal sa balikat ko. Hindi naman na nagreklamo si Sir Yaji, kaya naging kampante ako at bigla na lang napangiti.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...