Chapter 25

164 1 0
                                    

"Nagkaroon ng utang ang mga magulang ko sa kanila at ako ang naging pambayad no'n, tapos balak nila kaming ibenta sa mga foreigner  sa malaking halaga. Kaya naman naisipan namin ni Grace na tumakas," pagkukwento ko.

Kinuwento ko kay Paolo ang lahat, simula nong malulong ang mga magulang ko sa sugal, 'yong nabankrupt ang company namin at 'yong nagkaroon ng malaking utang ang mga magulang ko sa sindikato, kaya nandito ako ngayon sa sitwasyon na to. Hindi ko alam kong dapat ko bang sisihin ang mga magulang ko, dahil kong hindi dahil sa kanila hindi ko to mararanasan ngayon.

"So, kong dalawa kayong tumakas. Nasaan 'yong isa?" Pagtutukoy nito kay Grace.

Sandali akong nanahimik bago magsalita ulit, sa tuwing binabalikan ko 'yong masakit na sinapit ni Grace, napupuno ng galit at poot ang puso ko. 'Di ko lubos akalain na isasakripisyo niya ang buhay niya para lang makaligtas ako.

"Wala na siya, nahuli siya ng mga sindikato at....pinatay!" malungkot kong sambit.

Nabalot ng katahimikan ang  pagitan namin ni Paolo, alam kong nalungkot din siya sa sinapit ni Grace. Ilang sandali pa ay tumayo na ako at nagsimulang naglakad papasok ng banyo.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Uuwi na ako, simula nong makauwi ako galing ng boracay hindi pa ako nakakauwi ng mansiyon. Baka hinahanap na ako ng amo ko." Usal ko.

Nakacrossed-arm na tiningnan ako ni Paolo saka ngumiti.

"Don't worry Alieson, panigurado nag-eenjoy sila Yaji at Beatrice ngayon. Lalo na't nagkabalikan na sila."

Parang biglang kinurot ang puso ko sa sakit ng banggitin iyon ni Paolo, ayaw kong mag-papekto pero hindi ko naman mapigilan ang sariling masaktan. Alieson! Kong ano man 'yang nararamdaman mo ngayon, itigil mo na.! Masyadong perpekto si Yaji para pumatol sa isang kasambahay lang.

Nagpanggap akong walang narinig at dumiretso na papasok ng banyo, nagbihis ng damit na binili sa'kin ni Paolo bago lumabas ng  cr.

"Uuwi na ako, salamat pala sa tulong mo," nakangiti kong paalam sa kaniya.

"Hindi ka pa magaling Alieson, kailangan mo pang magpahinga dahil kong hindi baka mapunit 'yang tahi mo sa balikat," paalala nito.

Ang sabi sa akin ni Paolo, malalim daw ang naging sugat ko nong tamaan ako ng bala, kaya naman nong dinala ako dito sa hospital ay agad ako nitong  inoperahan para makuha ang bumaon na bala sa balikat ko, buong akala ko nong una daplis lang 'yon lalo na't hindi ako masyadong nakaramdam ng sakit non.

"Ayos lang ako Paolo, kaya ko sarili ko."

Hindi na ako nagpaawat at lumabas na ako ng hospital room habang si Paolo naman ay sinundan ako at nagboluntaryo itong hinatid ako sa mansiyon. Nong una tumanggi ako, lalo na't ayaw ko naman siyang maabala pa pero nagpupumilit talaga ito.

Hindi kalauna'y napapayag din ako nito, ang sabi nito sa akin ay pahirapan daw makasakay ng taxi sa lugar na 'yon at ako naman itong si tanga naniwala din kaya niya ako napapayag. Madami na akong utang na loob kay Paolo ngayong araw, sa pagligtas ng buhay ko at 'pag hatid sa akin. Sa tamang panahon ay masusuklian ko din ang kabutihan niya.

Nakarating kami ni Paolo sa mansiyon ng ligtas, nauna itong bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pinto.

"Pao, thankyou ha." Nakangiti kong sabi sa kaniya ng makababa na ako ng sasakyan.

"Your always welcome Ali," tugon nito.

Bumalik na si Paolo sa kaniyang sasakyan, kumaway muna ito sa akin bago niya pinaharurot ang sasakyan paalis.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng bumungad sa akin si Sir Yaji na nakasandal  sa gate habang seryoso ang tingin sa'kin.

"Now I know kong anong dahilan kong bakit nauna kang bumalik ng Manila," sambit niya.

"Hindi po si Paolo ang dahilan kong bakit ako bumalik ng Manila, h'wag po kayong mag-isip ng kong ano," sagot ko.

Natawa naman siya ng pagak pero bakas sa mga mata nito ang inis.

" Pinagmumukha mo ba akong malisyoso, Alieson." Tiim bagang niyang sabi.

Naglakad ito palapit sa akin kaya napaatras naman ako, naramdaman ko bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginagawa ni Sir Yaji. Ano bang trip ng lalaking to?

Nagpatuloy lang ako sa pag-atras,  hanggang sa natisod ako sa isang bato dahilan para matumba ako, bigla kong naramdaman ang isang kamay na sumalo sa akin. Nakahawak ito sa bewang ko habang maamo ang mukhang nakatingin sa'kin, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, parang bigla tuloy huminto ang oras at wala na akong ibang nakikita pa kundi ang maamong mukha ni Sir Yaji.

Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't-isa at ramdam ko na din ang pag-init ng dalawa kong pisngi. Shit!

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon