Chapter 62

346 4 0
                                        

Habang nasa operating room ay hindi ko maiwasang tingnan si Ceejay, ilang taon ang hinintay ko para makasama siya pero hindi ko inaasahang magkikita kami sa ganitong paraan.

Nagsimula na ang doctor na kumuha ng dugo sa akin at isalin sa anak ko, hindi ko man alam kong gaano  kadaming dugo ang kailangan niya, but I will do everything for him.

Nagising na lang ako sa isang kwarto habang may kabit ng dextrose ang kanang kamay ko, bumangon ako at agad na tinanggal iyon sa kamay ko,  kasabay naman  no'n ang pagpasok ni Alieson.

Binalingan ko ito ng malamig na tingin at kitang-kita ang pamamaga ng mga mata nito.

"What are you doing here?" Malamig kong tanong.

Sa totoo lang masama ang loob ko kay Alieson, itinago niya sa akin ang anak ko ng ilang taon tapos hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon pa kami magkikita.

"K-kamusta k-"

"Ayus lang ako, I don't need your concern." Matigas kong sambit.

Tumayo ako sa kama at inayus ang suot kong polo, balak ko sanang bisitahin muna ang anak ko bago ako umuwi lalo na't hindi pa ako handa para harapin si Alieson, sa tuwing nakikita ko kasi siya ay sumasama lang ang loob ko.

"Yaji, sorry!" Mahinahon niyang wika.

Napaiwas ako ng tingin ng maramdaman  ang panunubig ng mga mata ko.

"Para saan? Sa pagtago sa akin ng anak ko? Don't worry matagal ko ng alam!"

Muli ko itong tinapunan ng tingin at bakas sa mukha nito ang gulat, mukhang hindi nito inasahan ang magiging sagot ko. Sinabi na sa akin ni Paolo ang totoo una palang, pero hinintay kong kay Alieson mismo manggaling ang katotohanan. Pero nadissapoint lang ako, I expect so much for Alieson, alam kong mabuti siyang tao at hindi niya kayang itago sa akin ang anak ko, but I was wrong.

"Pero bakit nga ba? Am I not deserving to be his father?"

Pinigilan ko ang sariling maiyak nong mga oras na iyon kahit sa totoo lang ay durog na durog na ako. Hindi ko akalaing magagawa sa akin ni Alieson ang bagay na ito. Unang beses ko lang nakita ang anak ko nong bumisita ako sa isang private hospital dito sa Pampanga, at nong mga oras na 'yun napaiyak ako sa saya lalo na't kopyang-kopya nito ang mukha ko.

"Yaji? G-gusto ko lang p-protektahan ang a-anak ko, anong gusto mong gawin ko? Sabihin sa kaniya na may ibang pamilya ang Papa niya!"

"So, kaya mo itinago sa'kin ang anak ko? Napakselfish mo, alam mo ba 'yon! Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya!" Galit kong wika.

Hindi na naiwasang maiyak ni Alieson kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ko, muli ko na namang naalala kong paano ako nagmakaawa dati kay Alieson na h'wag niya akong iwan pero nagawa pa din ako nitong ipagtulakan papalayo sa kaniya.

" Mayroon kang pagkakataon para sabihin sa akin ang totoo, pero mas pinili mong lumayo at itinago sa akin ang anak ko. Kaya kong isakrispisyo ang lahat para sa inyo.......Hindi ito ang pinangarap kong wakas para sa ating dalawa, Alieson!"

Lumabas ako ng kwarto habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko, hindi ko alam kong saan ako pupunta ngayon pero dala na din ng sama ng loob ay mas pinili ko munang umuwi ng mansiyon at magpakalayo-layo.

Pag-uwi ko ng mansiyon ay nag-aalalang mukha ni Beatrice ang bumungad sa akin, hawak-hawak nito ang dalawa niyang kamay bago ako nito sinalubong sa pinto.

"Anong nangyari? Kamusta ang anak ni Alieso-"

Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng bigla ko itong sinampal na ikinagulat niya.

"Y-ya...ji?" Gulat nitong saad habang hawak ang kanang pisngi.

Agad kong hinila ang kanang braso nito at mahigpit na hinawakan dahilan para mapadaing ito sa sakit.

"Akala mo hindi ko alam ang ginawa mo sa anak ko? Pinanagutan ko ang anak mo kahit alam kong hindi naman ako ang ama niya, pero 'yung mag-utos ka ng tao para sagasaan ang anak ko, ibang usapan na 'yun, Bea!"

Kitang-kita sa mukha ni Beatrice ang gulat ng sambitin ko ang mga salitang iyon, hanggang ngayun sariwang-sariwa pa din sa pandinig ko ang plano nitong patayin ang anak ko.

"Ya..ji, ano bang p-pinagsasabi mo?" Pagtatanggi nito.

Napangisi na lang ako sa naging sagot niya, pakiramdam ko hindi ito ang Beatrice na minahal ko dati.  Madami ng pagbabago sa kaniya at hindi ko na siya nakikilala, hindi ko alam na kaya niyang pumatay ng inosenteng bata para lang sa sarili nitong interes.

" Get out of my house, iwan mo dito si Bianca lalo na't hindi ka deserving para maging ina niya!" Bulyaw ko sa kaniya.

Naghalo na ang sama ng loob at galit na nararamdaman ko, pakiramdam ko para na akong sasabog ano mang oras.

"Yaji! No!Dito lang ako!Kaya ko lang naman nagawa 'yon, dahil ayaw kong masira ang pamilya na mayroon tayo. Gusto kong bigyan ng buong pamilya si Bianca, at mangyayari lang 'yon kapag nawala ang tunay mong anak. But it was to late to realize na mali ang ginawa ko, nagsisi na ako Yaji, so please don't leave me. H'wag mo na akong palayasin, hindi ko kakayanin kapag napalayo ako sa anak ko."

Gustuhin ko mang maawa, pero naging bato ang puso ko.Hindi ko alam kong magsisi ba akong inako ko pa ang responsibilidad na maging ama sa anak nito, kung iyon din naman pala ang dahilan ng ikakapahanak ng tunay kong anak.

"H'wag mong hintaying mapuno ako,Beatrice!Kong ayaw mong kaladkarin kita palabas ng mansiyon or else ipadampot sa mga pulis! Ito ang huling beses na pagtatangkaan mo ang buhay ng anak ko! Subukan mong gawin ulit 'yan, dahil baka ako mismo ang pumatay sayo!Get out!"

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon