" Happy Birthday, Mom!" Nakangiti kong bati sa Nanay ko.
Ngumiti ito sa akin at mariin akong niyakap.
"Thankyou son," sagot nito.
Simple lang naman ang handaan, sapat lang para sa mga bisitang inimbitahan namin. Nakatayo lang ako sa gilid at matamang nakatingin sa mga tao sa paligid habang umiinom ng wine, nakakaisang baso pa lang ako pero nakakaramdam na agad ako ng hilo at init ng katawan.
Sa sobrang init ay agad kong niluwagan ang suot kong kurbata, ramdam ko na hindi na maganda ang pakiramdam ko kaya nagdesisyon na akong bumalik ng kwarto. Mataas ang tolerance ko sa alcohol at hindi ako agad malalasing pero kakaiba ang tama sa aking ng wine na ininom ko, did someone put something in my drink?
Pagdating ko sa kwarto ay bumungad sa akin ang isang babae, hindi ko masyadong makita ang mukha nito lalo na't iisang ilaw lang ang nakabukas sabayan pa ng malabo kong paningin.Wala akong ibang naramdaman nong mga oras na iyon kundi ang init ng katawan, kaya naman ang sumunod kong hakbang ay hindi ko na inaasahan.
Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko at hindi ko na din kilala ang sarili ko nong mga oras na iyon, this is not me! Malaki ang respeto ko sa mga babae at malabong gawin ko ang isang bagay na gaya nito, narinig ko ang pagsigaw nito para tumigil ako sa ginagawa ko, and that voice was familiar to me. Sinubukan ko din namang pigilan ang sarili pero tila ba may sariling utak ang katawan ko at ayaw nitong magpapigil.
Nagising na lang ako kinaumagahan na nasa tabi ko na si Beatrice, wala itong saplot at tanging kumot lang ang nagsilbing tabon sa hubad nitong katawan. Sh*t! What I have done!
Days passed, bigla ko na lang nabalitaan kela Manang Lena at Lily na umalis daw si Alieson sa mansiyon na walang paalam, that time sobra akong nagalit lalo na nong malaman kong kela Paolo soya nakikitira, pero hindi no'n maipaliwanag ang sakit na naramdaman ko, nang malaman kung buntis ito.
Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan nong mga oras na 'yun, then I realized na unti-unti na pala akong nahuhulog kay Alieson ng hindi ko man lang namamalayan. Naging bulag ako and also in denial, akala ko 'yung pagmamahal na mayroon ako ngayon ay para lang kay Beatrice, but it was to late nong marealize kong si Alieson na pala ang mahal ko at hindi si Beatrice.
"Alieson, why? Ang sabi mo mahal mo ako, pero bakit sinasaktan mo ako ng ganito. I can't even imagine that your pregnant and carrying Paolo's child! This is bullsh*t!" Sigaw ko.
Nong iwan ako ni Beatrice ay hindi man lang tumulo ang mga luha ko, oo! Inaamin kong pinabayaan ko ang sarili ko no'n, pero hindi ko aakalain na si Alieson ang unang babaeng iiyakan ko. Parang dinudurog ng paunti-unti ang puso ko sa sakit and I wish isa lang itong bangungot.
Akala ko sa paglipas ng mga araw ay tuluyan ko ng makakalimutan si Alieson, but I was wrong. Sa tagal ko itong hindi nakikita ay mas lalo ko itong namimiss, gabi-gabi ay patago akong umiiyak minsan pa nga tuwing pagkatapos ng trabaho ay dumidiretso ako sa bar para uminom.
"I need to talk to you!" Wika ni Paolo sa kabilang linya.
Sa totoo lang galit na galit ako kay Paolo, unang-una si Beatrice ngayun naman ay si Alieson.Lahat na lang ba ay aagawin niya sa akin!
"I'm sorry Yaji, kung nagsinungaling kami ni Alieson. Pero hindi na kaya ng konsensiya ko na itago ang totoo, ikaw ang totoong ama ng batang dinadala ni Alieson."
Bigla akong napatigil sa pag-inom sa mga winika nito, natawa lang ako ng pagak habang nakatingin kay Paolo. Nagpapatawa ba siya? Dahil kong oo, hindi 'yun nakakatuwa.
"Hindi ako mag-aaksaya ng oras makipag-usap sa baliw na kagaya mo!" Igting-panga kong sambit.
Agad kong inubos ang natitirang alak na nasa baso ko saka tumayo. Pati ba naman responsibilidad niya bilang ama ay ipapaako sa akin, this is insane!
Akma akong aalis ng bigla itong magsalita na ikinatigil ko.
"That night, I put some date raped drug in your drinks! Matapang ang gamot na 'yun kaya nga hindi mo nakontrol ang sarili mo diba? At 'yung babaeng nagalaw mo nong gabing iyon ay walang iba kundi si Alieson."
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...