Atras naman ako ng atras habang naglalakad si Yaji papalapit sa akin, hindi ko alam kong anong pakay nito ng ganitong oras. Napatigil na lang ako sa pag-atras ng napasandal na ako sa pader, seryoso ko lang tiningnan si Yaji na ngayun ay masama ang timpla ng mukha.
"Bakit hindi mo sinabi na 'yun pala ang gusto mo, edi sana una pa lang binigay ko na sayo!"
Hindi ko maintindihan ang gusto nitong sabihin kaya naman ang sumunod nitong ginawa ay nagpagulat sa akin. Hinawakan nito ng mahigpit ang magkabila kong kamay habang sapilitan ako nitong hinahalikan.
"Yaji, h'wag! Ano ba!" Sigaw ko.
Nagpumilit akong magpumiglas para makawala sa hawak nito pero masyadong mahigpit ang pagkakawak niya, naglandas ang mga luha sa magkabila kong pisngi dahil sa ginagawa ni Yaji. Wala iyong pag-iingat kaya sa tuwing nagpupumiglas ako ay sakit ang balik sa akin, ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi ito ang isang Yaji na nakilala ko dati.
"Yaji, tama na!" Umiiyak kung sambit.
Natigilan ito ng marinig ang pakiusap ko, binitawan niya ako at sunod-sunod na sinuntok ang pader dahilan para dumugo ang mga kamao nito. Napaupo na lang ako sa sahig at yakap-yakap ang sarili habang umiiyak.
"Damn it!" Sigaw nito.
Tuluyan na akong humagulgul ng iyak dala na din ng takot sa inaasal ni Yaji, bakit ba siya ganito? Sobra na niya akong sinasaktan.
"Alieson, why? Ang sabi mo mahal mo ako, pero bakit sinasaktan mo ako ng ganito. I can't even imagine that your pregnant now and carrying Paolo's child! This is a bullsh*t!"
Nakita ko kung paano unti-unting tumulo ang mga luha ni Yaji, eto ang unang beses na nakita ko siyang umiyak at sa bawat patak ng mga luha nito ay sakit ang bigay sa akin.
Kung alam mo lang ang totoo Yaji, hindi mo pipiliing maging ganiyan. Pero wala akong balak sabihin sayu ang totoo, mamuhay ka ng kasama ng mag-ina mo at mamumuhay ako kasama ng anak ko. Ayaw kung dumating sa punto na maging bastardo ang tingin nila sa anak ko lalo na't kasal ka, sana mapatawad mo ako pagdating ng tamang panahon kapag malaman mo ang totoo.
"Umalis ka na Yaji, ikaw... at ako.. hindi tayo para sa isa't-isa. Kaya simula ngayon... isipin na lang natin na hindi tayo magkakilala."
Sobrang bigat sa pakiramdam na sambitin ang mga katagang iyon, pero kung ito lang ang dahilan para tuluyan na naming makalimutan ang isa't-isa ay gagawin ko na lang.
Ayaw kong makasira ng pamilya at mas lalong ayaw kong pagkaitan ng ama ang anak ni Beatrice."At sa tingin mo gano'n na lang 'yon? I want to spend the rest of my life with you, Alieson. Pleasee.. don't leave me!"
Puno ng hinanakit ang boses nito kaya hindi ko rin maiwasang umiyak, pareho kami ngayung nasasaktan pero masakit lang dahil hindi kami 'yung para sa isa't-isa. Siguro nga nasa tamang oras kami pero nasa maling panahon, kailangan lang talaga naming tanggapin na hindi sang-ayon ang tadhana sa pagitan namin.
"Yaji, umalis ka na." Pagtutulak ko sa kaniya palayo habang hindi makatingin sa mga mata nito.
"Iloveyou, Alieson. At hindi ako papayag na mawala ka sa akin, when the right time comes, I will find you!"
Iyon lang ang huling kataga na sinambit nito bago tuluyang lumabas ng condo, nong mga oras na iyon lumambot ang puso ko gusto ko siyang sundan at yakapin pero mas nanaig ang utak ko. Kailangan ko ng kalimutan si Yaji, matagal kong hinangad na mahalin ako ng kagaya niya, pero kung kailan natutunan na ako nitong mahalin saka naman tumutol ang tadhana sa amin.
Lumipas pa ang ilang linggo ay wala ng Yaji na pumupunta pa ng condo, pero araw-araw naman akong nakakatanggap ng mga pulang rosas na hindi ko naman alam kung kanino galing. Sa totoo lang inaamin ko na namimiss ko ang presensiya ni Yaji, pero wala akong magawa kundi ang mangarap na lang.
Nakatambay lang ako ngayun sa terrace habang inaabangan ang paglubog ng araw. Sobrang bilis ng paglipas ng araw hindi mo aakalaing dalawang buwan na akong buntis, palaki ng palaki ang tiyan ko pero pamahal naman ng pamahal ang pinaglilihian ko. Naalala ko nga nong pinabili ko si Pao ng mga chokolate sa mall kahit dis-oras na ng gabi, minsan naman mga mamahaling pagkain sa restaurant depende sa kung anong pagkain ang hahanapin ng panlasa ko.
"Are you okay?" Si Pao.
Tumango ako bilang sagot habang nasa malayo ang tingin.
"Kung si Yaji ang dahilan ng kalungkutan mo ngayun, then tell him the truth!"

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...