Chapter 58

174 3 0
                                    

Nanginginig ang mga tuhod at nanlalamig ang mga kamay ko habang nakasakay  sa bus papuntang Manila. Malakas ang pagkabangga ng sasakyan kay Ceejay at madaming dugo ang nawala sa kaniya, sa kagustuhan man naming magdonate ng dugo para mabuhay ang anak ko ay hindi compatible ang dugo naming dalawa kahit na ang dugo ni  Paolo. At ngayun wala akong ibang mahihingian ng tulong kundi si Yaji na lang.

Pagdating ng mansiyon ay sunod-sunod ang pagdoorbell ko, kasunod naman no'n ay ang paglabas ni Lily at bakas sa mukha nito ang gulat ng makita ako.

"A-alieson?"

"N-nandiyan ba si Y-yaji?" Nauutal kong tanong.

Pinagbuksan ako nito ng gate bago umiling.

"Wala siya dito, nasa mall siya kasama si Ma'am Beatrice at saka si Bianca." Sagot nito.

Ang Bianca na tinutukoy nito ay anak siguro nila ni Beatrice, paubos na ang oras ko at kailangan ko na talagang makausap si Yaji.
Pinapasok ako ni Lily sa loob ng mansiyon habang hindi mawala ang kaba at takot na nararamdaman  para sa anak ko.

Nang makita ko si Manang ay agad ako nitong niyakap, kahit siya ay nagulat din na para bang hindi nila inaasahan na makita ako ngayon.

Ang daming mga tanong sa akin ni Manang na hindi ko masagot, wala ako ngayun sa sarili at wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ng anak ko. Yaji nasaan ka na ba?

Isang saglit pa ay narinig ko na ang busina ng sasakyan, nandito na sila Yaji. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayun  at hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko kay Yaji ngayon.

Unang pumasok sa pinto ang isang batang babae na kamukhang-kamukha ni Beatrice at sa tingin ko ay kaedaran lang ito ni Ceejay, kasunod no'n ay si Beatrice na mula sa nakangiting mukha ay hindi na maipinta ng reaksiyon ngayun ng makita ako.

"What are you doing here?" Pagmamaldita nito.

Tiningnan ko lang siya pero hindi ko siya sinagot, hindi siya ang kailangan ko kaya wala akong oras para makipagtalo sa kaniya.

"Ahh alam ko na, wala ka na bang pera? Kaya nandito ka para huthutan si Yaji? Well, hindi ka lang pala malandi, gold digger ka pa!" Bulyaw nito sabay tulak sa akin.

Muntik na akong matumba sa ginawa nito buti na lang at nandiyan si Lily sa likod ko. Sinamaan ko ito ng tingin saka malakas na sinampal.

"Hindi ako nagpunta dito para insultuhin mo lang. Si Yaji ang kailangan ko at hindi ika-"

"What do you want from me?" Malamig nitong sambit.

Napadako ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo sa harap ng pinto, malamig ang bawat titig na ipinupukol nito sa akin. Ilang taon na ang nagdaan at wala pa ding bago, siya pa din si Yaji Figeuroa.

Pakiramdam ko aatras ang dila ko sa tuwing nakikita ko ang malamig nitong awra. Pero kailangan kong itabi ang takot dahil kailangan na kailagan ako ngayun ng anak ko.

"Y-yaji, k-kailangan ko ang t-tulong mo." Naluluha kong sambit.

Walang reaksiyon ang mukha nito at nanatiling nakatitig sa akin.

"Ang a-anak ko ngayun ay nasa h-hospital, nag-aagaw buhay kailangan kita para m-mabuhay siya." Dagdag ko pa.

"Why me? Si Paolo, ang ama niya right? So, ano namang kinalaman ko sa kaniya?"

Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa sobrang sakit, hindi ko inaasahan na magiging ganito ang sagot niya sa akin.

"M-makakaya ba ng k-konsensiya mo na tiisin ang isang b-batang nag-aagaw buhay ngayon sa h-hospital at walang ibang kailangan kundi ang Papa niya."

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon