"Congratulations, Ms. Rodriguez. You are pregnant," nakangiting wika ng ob-gyn.
Para akong natuod sa kinauupuan ko ng marinig ang sinabi nito, buntis ako? Ibig sabihin ba no'n nagbunga ang pangyayari sa pagitan namin ni Yaji nong gabing 'yon. Pero hindi ito pwede!
Hindi naman sa itinatanggi ko 'yung baby, pero kasal na si Yaji sa iba at magiging ama na din siya sa anak ni Beatrice. Ayaw kung maranasan niyang lumaki na walang kinikilalang ama.
"Doc, baka pwede paulit po ng test. Baka kasi mali po 'yung lumabas na resulta." Sambit ko.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Dra. Gambales ng tapunan ako nito ng tingin.
"I don't think so, why? Is there anything wrong about your pregnancy? Bawal ka bang mabuntis?" Sunod-sunod nitong tanong.
Sa lahat ng katanungan na iyon ay tanging iling lang ang naging sagot ko, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot nang malaman kung buntis ako. Alam kong blessing ang isang baby, nawala man ang magulang ko pero may isang munting anghel naman ang pumalit sa kanila.
Hawak-hawak ko ang maliit kong tiyan palabas ng clinic ni Dra. Gambales, healthy naman daw si baby. H'wag lang daw akong mastress dahil mahina ang kapit ng bata.
Simula ngayun magsisimula ako ng panibagong buhay kasama ang anak ko, mamumuhay kami ng tahimik at sisiguradohin kung palalakihin ko siya ng maayus gaya ng pagpapalaki sa akin ni Mommy, Daddy at Nanay.
Nakangiti akong naglalakad papuntang parking lot dahil doon ang usapan namin ni Pao na magkikita, hindi na ako nito nasamahan dahil biglang nagkaroon ng emergency sa hospital.
"Alieson?"
Pamiilyar sa akin ang may-ari ng mahinhin na boses na iyon, kaya kahit hindi ko na iyon lingonin pa ay alam na alam ko ng si Beatrice 'yon.
Nakangiti ako ng balingan ko siya ng tingin pero agad namang nawala iyon ng makita si Yaji sa likuran nito. Hangga't maaari ayaw ko munang makita si Yaji, gusto ko na siyang makalimutan pero paano ko magagawa 'yun kung palagi ko na lang siyang nakikita.
"What are you doing here?" Tanong nito.
"M-may b-binisita l-lang," nauutal kong sagot.
Hindi ko man nakikita pero pakiramdam ko nakatingin sa akin si Yaji kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang, ilang araw pa lang ang nakakalipas bago ko ipagtapat ang nararamdaman ko para sa kaniya at hindi pa ako handa na makita siya.
"Really? I saw you na lumabas sa clinic ni Dra. Gambales, sinong binisita mo doon?"
Para akong nababalisa sa kinatatayuan ko, hindi ako mapakali lalo na't wala akong maisip na rason na isasagot kay Beatrice, ano ba 'yan! Kung alam ko lang na nandito sila sana hindi na ako tumuloy pa dito.
"Babe?" Tawag nito.

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...