"And what are you doing here?" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Paolo.
"Why not? I'm her personal doctor?" Tugon naman ng isa.
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa na ngayon ay nagbabaga na ang mga mata kakatingin sa isa't-isa. Ngumisi lang si Sir Yaji, at agad na dumistansiya kay Paolo.
"She don't need a personal doctor, kaya na niya ang sarili niya lalo na't hindi naman na siya bata." Pabalang na sagot ni Sir Yaji.
Hindi na lang siya pinansin ni Paolo at naglakad ito papalapit sa'kin.
"Are you oka-"
"She's okay, kaya makakaalis ka na." Biglang sambit ni Sir Yaji.
Ba't ba ang init ng dugo nila sa isa't-isa, hindi ba pwedeng magkasundo na lang sila kahit ngayong araw lang. Ganito ba epekto kapag nagkakagusto sa iisang babae lang? As if naman wala ng ibang babae sa mundo. Tsk!
"Did I ask you?" Masungit na tanong ni Paolo.
Binalingan naman siya ng masamang tingin ni Sir Yaji.
"No! Pero dadalhin ko ba siya sa hospital kong hindi siya okay? " Pilosopo nitong sagot.
Hays, nakakaloka na tong dalawang to.
"Nagtatalo na naman ba kayo?" Si Manang Lena.
Napatihimik naman ang dalawa ng biglang magsalita si Manang.
"No, were not!" Walang ganang sagot ni Sir Yaji.
Parang gusto ko tuloy matawa sa mga kinikilos ng dalawang to, para silang mga bata na pinapagaligan ng magulang.
Naglakad papalapit sa akin si Manang at marahan nitong hinaplos ang pisngi ko."Ayus ka na lang ba iha? May masakit pa ba sayo?" Mahinahanon nitong tanong.
Umiling lang ako saka ngumiti para iparating kay Manang na maayos lang ako. Simula nong makatakas ako mula sa mga sindikatong iyon, hindi na nawala sa isip ko ang sarili kong kaligtasan lalo na ang mga taong nakapaligid sa'kin. Panigurado hinahanap na nila ako ngayon, at baka pati sila Nanay kundi pati na rin sila Manang Lena ay madamay sa kamalasan ng buhay ko. Hays.
" Ang lalim naman ata ng iniisip mo, are you okay?"
Napabaling naman ang tingin ko kay Paolo, lahat ng nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang buwan at araw ay sinabi ko na sa kaniya, subukan ko din kayang humingi ng tulong sa kaniya para mahanap ang mga magulang ko.
" Ayos lang ako, iniisip ko lang sila Mommy." Malungkot kong saad.
" Kong nasaan man sila ngayon, I'm sure that they are okay. H'wag ka ng masaydong mag-isip ng kong ano diyan."
Tumango na lang ako at nanatiling tahimik, gusto kong humingi ng tulong kay Pao pero biglang umuurong ang dila ko. Malaki pa ang utang na loob ko sa kaniya at ayaw ko na din siyang idamay pa sa gulo ng buhay ko. Hahanapin ko sila Mommy mag-isa gaya ng plano ko una pa lang.
____________Hindi rin naman kami nagtagal sa hospital at umuwi din agad, binigyan na lang ako ng mga gamot na iinomin para sa sugat ko.
Nang makarating ng bahay ay nagpahinga na ako sa kwarto, habang nagpapahinga napapa-isip akong bisitahin muna sila Nanay. Simula nong makauwi ako ng mansiyon ay wala na akong balita sa kanila, sana ayos lang siya ngayon.
Kinuha ko ang phone na nasa taas ng drawer ko saka ko dinial ang number ni Nanay, hindi ko ito makontak kaya hindi mapigilan ang sariling mag-alala. Ayos lang kaya sila Nanay? What if puntahan ko kaya siya.
Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at nagbihis, kailangan kong puntahan sila Nanay ngayon para masigurado ang kaligtasan nila.
Alas- sais na ng gabi, maaga pa naman kaya meron pa akong masasakyan nitong taxi.Palabas na ako ng pinto ng may biglang magsalita.
"Where are you going?" Boses 'yon ni Sir Yaji.
Binalingan ko naman ito ng tingin na ngayon ay nakacrossed arm lang at seryosong nakatingin sa'kin.
" Pupunta lang ako kela Nanay," tugon ko sa kaniya.
" Gabi na, kaya ipabukas mo na lang 'yan, Alieson."
Hindi ko na pwedeng ipabukas pa 'yon lalo na't sobra na akong nag-aalala kay Nanay, hindi na ako nakinig sa sinabi ni Sir Yaji at kumaripas na ako ng takbo palabas ng mansiyon.
Nakarating ako sa lugar nila Nanay ng alas-otso na ng gabi, agad akong nagtungo sa bahay nila para matiyak ang kaligtasan nila Nanay pero laking gulat ko ng walang ilaw ang bahay nito.
"Nay!" Sigaw ko.
Paulit-ulit kong tinawag si Nanay pero hindi ito sumasagot, ilang beses kong ding tinawagan ang phone number nito pero hindi ko na siga makontak. Nay, nasaan ka na?
"Alieson?"
Agad ko namang binalingan ang pinaggalingan ng boses na 'yon, bago ko mapagtantong si Betty iyon.
"Betty? Nasaan sila? Bakit walang tao dito?" Sunod-sunod kong tanong.
Malungkot ako nitong tingnan saka umiling.
"Matagal na silang wala diyan, simula kasi nong sinaktan si Aling Nena ng mga lalaking kumuha sayo umalis na sila, inisip din ni Jesica ang kaligtasan nila at baka kapag nagtagal pa madamay na sila." Paliwanag nito.
Nalungkot ako sa kwento ni Betty, possible kayang nagpalit na din si Nanay ng number?
"Pasensiya na Alieson,"
Umalis na si Betty ay naiwan naman akong mag-isa habang nakatingin sa bahay nila Nanay, unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.
Masaya na ako at wala na sila dito atleast kahit papano hindi na sila madamay pa sa gulo ng buhay ko, pero bakit pakiramdam ko iniwan na naman ako.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfic"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...