Chapter 55

312 3 0
                                        

Dala ng kaba ay isinugod namin si Ate Sabeth sa isang Private Hospital na malapit lang din sa amin. Ang sabi naman ng doctor ay maayus lang ang kalagayan nito, dala lang daw iyon ng pagod at init kaya biglang nanikip ang dibdib nito.

Matanda na si Ate Sabeth at magkasing-kaedaran lang sila ni Nanay Nena, kaya ang payo sa amin ng doctor ay h'wag na itong patrabauhin at baka mangyari na naman sa kaniya ang kong ano ang nangyari ngayon.

"Kamusta po 'yong pakiramdam niyo?" Tanong ko ng magising na ito.

Nong nagcollapsed ito kanina ay bigla akong natakot, pangatlong Nanay ko na si Ate Sabeth at hindi ko kakayanin ko pati siya mawawala din sa akin.

Sa kabila ng nangyari kanina ay nagawa pa nitong  ngumiti bago tumango.

"Nasaan na ang apo ko?" Tanong nito.

"Nagcr po at naiihi daw." Nakangiti kong tugon.

Nagsabi ako kanina na sasamahan ko siya at baka maligaw ito lalo na't malaki itong hospital pero tumanggi siya. Ang lagi nitong sinasabi sa akin ay big boy na daw siya.

"Maiba nga ako Alieson, w-wala ka pa bang balak sabihin sa ama ni Ceejay ang tungkol sa kaniya?"

Ang mga ngiti ko ay biglang nawala sa mga sinabi ni Ate Sabeth, wala ba akong balak? O baka naman hanggang ngayun ay nandito pa rin ang takot sa puso ko. Takot na baka hindi pa nga tuluyang nawala ang nararamdaman ko para kay Yaji.

"Ano man ang nakaraan sa pagitan niyo ng ama ni Ceejay ay wala iyong kinalaman sa anak mo. Hindi man nababanggit sayo ni Ceejay  pero alam kong gustong-gusto na niyang makita ang ama niya."

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot, sa kagustuhan kong h'wag makasira ng pamilya ay anak ko naman ngayun ang nagdudusa.

Matapos ng usapan namin ni ate Sabeth ay lumabas ako para hanapin si Ceejay, kanina pa 'yun nagpaalam na magbabanyo pero hanggang ngayun ay hindi pa rin nakakabalik.

Pinag-iisipan ko din ngayun kong oras na ba para magkita ang mag-ama pero madaming katanungan ang pumapasok sa utak ko. What if kunin sa akin ni Yaji ang anak ko? What if ipagkait niya 'yun sa akin gaya ng ginawa ko kaniya. Hayst! Naguguluhan na talaga ako.

"Mama?" Rinig kong tawag nito.

Agad naman akong napalingon saka ko nakita si Ceejay na tumatakbo papapunta sa akin.

"Paalam mo banyo lang, ang tagal mo namang bumalik." Saad ko dito.

Ngumisi lang ito sa akin.

"Hindi ko po kasi alam kong nasaan po ang cr Mama, kaya hinahanap ko pa po." Sagot nito.

Taas-kilay ko itong tiningnan para malaman kong nagsasabi ba ito ng totoo pero sunod-sunod lang ang pagtango nito. Ngumiti na lang ako sakaniya saka ko hinawakan ang kamay nito.

"Tara na nga, hinahanap ka na ng lola mo." Wika ko.

Pabalik na kami ng mapansin kong panay ang lingon nito sa kaniyang likuran. Nagtataka naman akong napalingon din.

"Ceejay, anak? May problema ba?" Nagtataka kong tanong.

Napatigil ito sa paglalakad at muli na namang lumingon bago ibinaling ang tingin sa akin.

"Mama, kanina po kasi habang nasa banyo ako mayroon pong isang lalaking tumulong sa akin para tanggalin ang suot ko pong belt at alam niyo po ba Ma, kamukhang-kamukha ko po siya."

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon