Naging mainit man ang tensiyon sa pagitan namin ni Beatrice kanina ay mas pinili ko na lang na kalimutan iyon. Alam niya na ang totoo at ngayon natatakot ako na baka malaman din ito ni Yaji.
Habang nag-aayus ako ng tulugan namin ni Ceejay ay napapansin kong tahimik ito habang nakadungaw sa bintana, kaya naman nong matapos ko ng ayusin ang higaan namin ay agad ko itong nilapitan.
"Napakatahimik mo ata anak, may problema ba?" Tanong ko sa kaniya.
Mula sa malayong tingin ay napabaling ang mga mata nito sa akin.
"Ma? Sino po 'yung babae na nandito po kanina? At.. Yaji po ba ang pangalan ng Papa ko?" Inosente nitong tanong.
Pilit akong ngumiti bago bumuntong hininga, mukhang hindi habang buhay ay maitatago ko kay Ceejay ang totoo, gaya na lang ngayon. Madami na itong naging katanungan at oras na siguro para sabihin ko sa kaniya ang totoo.
Hinaplos ko ng marahan ang malambot nitong pisngi habang inosente itong nakatingin sa akin.
"Gusto mo bang malaman talaga kong sino ang Papa mo?" Tanong ko na ikinatango nito.
Eto na siguro ang oras para sabihin kay Ceejay ang totoo, malaki na ang anak ko kaya kong ano man ang sabihin ko sa kaniya ngayun ay sana maintindihan niya.
"Anak, Yaji Figueroa ang pangalan ng Papa mo at kamukhang-kamukha mo siya." Panimula ko habang nakangiti.
"Nabankrupt kasi ang company ng lola at lolo mo kaya napatigil ako sa pag-aaral at pumasok ako bilang kasambahay ng Papa mo. Doon kami unang nagkakilala anak,sa totoo lang napakasungit ng Papa mo alam mo ba sa tuwing nagagalit siya para siyang dragon na bumubuga ng apoy."
Napangiti ako ng bigla itong tumawa. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita ni Yaji, para siyang isang anghel sa unang tingin pero kapag nakilala mo na para na siyang isang tigreng tutuklawin ka ng buhay.
"Iyong babae na nandito kanina ay....ang asawa ng Papa mo. Ang totoo niyan Ceejay ay hindi ko sinabi sa Papa mo ang totoo nong pinagbubuntis kita, itinago kita sa kaniya sa kagustuhan kong protektahan ka. Patawarin mo ako anak!"
Hindi ko na napigilang ang sariling maluha, heto na naman ako napapaiyak sa tuwing binabalikan ko ang mapait na nangyaring iyon.
Naramdaman ko na lang ang mainit na yakap ng anak ko, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng maikwento ko na sa kaniya ang totoo. Ilang taon ko ding iyong kinimkim at itinago sa pag-aakalang magagalit sa akin si Ceejay matapos ko siyang itago sa ama niya.
"Ma, h'wag na po kayong umiyak." Pagpapatahan nito sa akin.
"Patawarin mo si Mama anak, kong pinagkait ko ang pagkakataon na makasama mo ang Papa mo."
Patuloy ako sa pag-iyak habang yakap-yakap ng anak ko. Inaasahan kong darating din ang araw na malalaman din ito ni Ceejay pero hindi ko pa alam kong kaya ko na bang harapin si Yaji.
Habang nakahiga ay mataman kong tinitingnan ang natutulog na si Ceejay, sa kagustuhan kong protektahan ang anak ko ay hindi man lang sumagi sa isipan ko na napaka-selfish ko na sa part na 'yon. Alam kong gusto na niyang makita at makasama si Yaji, alam kong nanabik na siya sa atensiyon ng isang ama pero wala akong sapat na lakas ng loob para sabihin kay Yaji ang totoo.
Nagising ako kinaumagahan dahil sa malakas na tilaok ng manok, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata bago ko napagtantong wala na si Ceejay sa tabi ko.
Bumangon ako sa kamang hinihigaan ko at agad na lumabas ng kwarto. Nakarating ako ng kusina at agad na bumungad sa akin si Ate Sabeth na nagluluto ng aming agahan.
"Goodmorning, ate Sabeth." Bati ko sa kaniya.
"Goodmorning iha, gising ka na pala. Teka tatawagin ko lang si Ceejay at si Domeng para makakain na." Sambit nito.
Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot at agad na inihanda mga plato, baso at kutsara para makakain na. Habang nag-aayus ako ng lamesa ay napapansin kong panay ang hawak ni ate Sabeth sa dibdib niya na para bang hindi ito makahinga ng maayos.
"Ate Sabeth? Okay lang po ba kayo?" Nagtataka kong tanong.
Tumango naman ito. "Ayos lang ako iha, h'wag mo na akong isipin."
Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayus ng lamesa ng bigla na lang bumagsak si Ate Sabeth na ikinagulat ko.
Tumakbo naman ako papalapit sa kaniya at agad na humingi ng tulong, nong mga oras na iyon ay parang tumigil ang oras at umeecho lang sa tenga ko ang malakas kong sigaw habang nahingi ng tulong hanggang sa nagflashback na naman sa utak ko ang nangyari kay Nanay Nena nong nakaraang buwan.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...