"Sabihin mo na kong nasaan siya tanda, kong ayaw mong masaktan," sambit nito.
"Hindi ko nga alam!" Sagot naman ni Nanay.
Lalapit na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko, agad ko naman iyong binalingan ng tingin bago mapagtantong si Betty pala 'yon.
"Bes, kanina pa 'yang nanggugulo sa inyo at hinahanap ang mga magulang mo." Natatakot na sabi ni Betty.
Hinahanap nila ang mga magulang ko? Sila ata 'yong sindikato na pinagkaka-utangan ng parents ko, pero paano nila nakilala si Nanay? Pati 'yong address ng bahay alam din nila.
"Kailangan kong puntahan si Nanay. "
"Nababaliw ka na ba? May mga baril silang dala, 'pag nalaman nilang anak ka ng mga taong hinahanap nila baka pati ikaw madamay."
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Betty at tuluyan na akong lumapit sa kanila, nakakaramdam man ng takot pero mas pinili kong maging malakas para kay Nanay.
"Bitawan mo siya!" Sigaw ko. Dahilan para mabaling ang atensiyon nila sa'kin.
Ang lalaking may hawak kay Nanay ay biglang napangisi ng makita ako, agad nitong binitawan si Nanay at nagsimulang maglalakad papalapit sa'kin habang ako naman ay dahan-dahang umaatras.
"Alieson, umalis ka na dito." Nahihirapang sabi ni Nanay.
Iling lang ang naging sagot ko kay Nanay, naaawa na tiningnan ko siya na ngayon ay hirap na hirap sa pagtayo.
"Alieson Rodriguez, sa wakas nakita din kita."
Nakakatakot ang boses nito, kaya naman biglang naging triple ang takot na nararamdaman ko.
Atras lang ako ng atras hanggang sa tuluyan na itong nakalapit sa'kin, saka niya hinila ang buhok ko, napangiwi naman ako sa sakit no'n.
"Alam mo ba kong gaano kalaki ang utang ng mga magulang mo sa'kin? Hindi 'yon nila kayang bayaran kaya nga lumayo at nagtago sila na parang daga diba!" Humalakhak lang ito na parang demonyo.
" Pero ngayon bayad na 'yon, dahil ikaw ang kapalit sa lahat ng utang nila." Dagdag pa niya.
Hindi ko lubos akalain na ganito ang mangyayari sa buhay ko, kong alam ko lang na sa pagbalik ko ng Manila ito ang sasalubong sa'kin, sana pala hindi muna ako bumalik. Mas masakit 'to kesa makitang naghahalikan si Sir Yaji at Beatrice.
"Kahit kailan 'di mo ko makukuha, at kahit anong gawin mo hindi ako sasama sayo!" Sigaw ko sa kaniya, saka ko siya dinuruan sa mukha.
Wala na akong pakialam kong patayin niya ako, pero hinding-hindi ako sasama sa kaniya.
Walang bago sa ekspresyon niya, nanatili pa din siyang nakangisi habang pinupunasan ang laway sa mukha nito. Hindi ako papatalo!
" Paano pag sinabi kong papatayin ko 'yang Nanay-nanayan mo, hindi ka pa rin ba sasama?"
Napabaling naman ang tingin ko sa nakakaawang si Nanay, ayus lang sana kong lahat na ng malas nasa akin e, pero h'wag naman sana madamay si Nanay.
Kinuha nito ang kaniyang baril na nakaipit sa kaniyang tagiliran saka itinutok kay Nanay.
"H"wag!" Pigil ko sa kaniya.
"Sasama na ako sa inyo, h'wag niyo lng sasaktan si Nanay,nagmamakaawa po ako." Umiiyak kong sabi.
Labas na si Nanay sa problema ng pamilya ko, at ayaw kong madamay siya sa mga kasalanan ng mga magulang ko.
Hinawakan ng dalawang lalaki ang braso ko, saka ako nila hinila papalayo. Madaming tao ang nakatingin sa'kin na gustong tumulong, pero hindi sila nangialam lalo na't ayaw nilang madamay.
"Alieson." Nahihirapang tawag sa'kin ni Nanay.
Muli ko siyang nilingon, pero tanging ngiti lang ang naging sagot ko sa kaniya. Gusto kong iparating na ayos lang ako at h'wag na siyang mag-alala pa sa'kin.
Alam ko namang walang tutulong sa'kin, alam ko din na malabo. Pero.... Yaji, tulungan mo ako!

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...