Chapter 19

164 2 0
                                    

Pagdating namin ni Sir Yaji, sa sinabing venue ay mapapahanga ka talaga sa sobrang ganda no'n. Mayroong iba't-ibang kulay ng ilaw na nakahilera sa bawat gilid at parang lantern ang style nito, mga balloon na nakakalat sa ilalim at ang mga nakahilerang cocktail tables.

Maganda din ang ayos ng stage nila at halata namang pinaghandaan ang okasyon na ito, bongga ang party kaya panigurado mayayaman ang mga inimbita nilang guest.

Habang abala ang mga mata ko sa kakatingin sa paligid ay bigla ko namang nakita sila Beatrice at Paolo na papalapit sa diresiyon namin.

"Hi, Alieson. You look so beautiful tonight," nakangiting puri sa'kin ni Beatrice ng makalapit ito sa'min.

Mula sa akin ay napabaling ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa braso ni Sir Yaji, nakaramdam naman ako ng ilang sa tingin na 'yon, kaya gusto kong tanggalin ang kamay ko sa braso ni Sir Yaji, na agad naman nitong pinigilan.

Ang maamong tingin kanina ni Beatrice ay may halo ng hinanakit ngayon, pakiramdam ko para akong naiipit sa sitwasyon nila.

"We have all stopped pretending, we know this is all fake," wika ni Paolo.

Alam ko na kong anong tinutukoy ni Paolo, kahit siya mismo ay inamin kanina sakin na  nagpapanggap lang siyang boyfriend ni Beatrice dahilan para bumalik si Sir Yaji sa kaniya, gano'n din kaya kami ni Sir?

"No, were not. We all know that Alieson is my fiance at seryoso ako don," kalmadong sabi ni Sir Yaji.

"Yaji!" Matigas na wika ni Paolo.

Hays, nababaliw na ata tong amo ko. Bakit hindi na lang niya sabihin na may gusto pa siya kay Beatrice, hindi 'yong nagkakaganito sila.

Binalingan ko ng tingin si Beatrice na alam kong nasasaktan ngayon dahil sa mga sinasabi ni Sir Yaji, kitang-kita man ang hinanakit sa mga mata nito, pero mas pinili niya pa ring ngumiti.

"It's okay Paolo, well congratulations to the both of you." May hinanakit man, pero nasabi pa rin 'yon ni Beatrice.

Sa totoo lang kong ako nasa sitwasyon niya, sobra akong masasaktan. Kahit sinong babae masasaktan talaga kapag 'yong lalaking mahal mo gano'n na ang pakikitungo sayo. Parang gusto ko na tuloy maniwala sa sinabi ni Paolo na walang puso talaga itong si Sir Yaji.

Umalis si Beatrice na agad namang sinundan ni Paolo, binalingan ko ng tingin si Sir Yaji na ngayon ay kalmado lang ang mukha pero 'di non maitatago ang mga lungkot sa mga mata niya.

"Kong mahal niyo pa siya, hindi nyo siya dapat saktan ng gano'n." Bigla kong sabi.

"What?"

" Iba man ang sinasabi ng isip mo kesa sa puso mo, hindi pa rin tama ang ginawa niyo."

" Did I tell you to talk?" Tiim-bagang nitong sabi.

Tingnan mo to, napaka taas ng pride.

"Hindi, pero ayaw kong makisali sa gulo niyo. Pag-usapan niyo po 'yan, Sir." Pagdidiin ko pa sa huli kong sinabi.

Sa isang relasyon naman, kapag pwede pang maayos pwede namang pag-usapan eh. Pero 'yong meron silang dalawa ngayon, mukha wala ng pag-asa lalo na't gumagamit pa sila ng ibang tao para balikan ang isa't-isa. Pag-untugin ko ulo ng mga 'yon e!

Nakaupo lang ako sa  buhangin habang pinagmamasdan ang sinag ng buwan, matapos naming mag-usap kanina ni Sir Yaji ay umalis na ako. Nakakastress silang dalawa, jusko!

"The party is started, what are you doing here?" Sambit nito.

Hindi ko na ito inabalang tingnan pa, kahit kanina lang kami nagkausap ay pamilyar na agad sa'kin ang boses nito.

"Hindi naman ako mahilig sa party kaya dito na lang ako," mahinahon kong sabi.

" Bakit gano'n? Halata namang mahal nila ang isa't -isa pero masyado silang tanga para hindi makita 'yon." Dagdag ko pa.

Wala namang dahilan para maramdaman ko to ngayon, pero bakit ako nasasaktan? Kasi dahil ba nagpapanggap lang kami ni Sir Yaji na kami o dahil nagexpect ako.

Tinapunan ko ng tingin si Paolo na alam kong mas nasasaktan siya ngayon kesa sa'kin. Mahal niya si Beatrice kaya kahit gamitin pa siya nito ng paulit-ulit, hindi siya tatanggi dahil ganon niya ito kamahal.

" Sobrang nasaktan si Yaji non, ng iwan siya ni Beatrice at mas pinili nito ang States. Iyon din siguro ang dahilan kong bakit ayaw ng balikan ni Yaji si Beatrice ngayon dahil natatakot siyang baka mangyari na naman ang dati," pagkukuwento nito.

Napabuntong hininga na lang ako at nanatiling tahimik, ayaw ko ng mangialam sa kong anong meron sila. Ang priority ko ngayon ay hanapin ang parents ko hindi para makisali sa kumplikado nilang relasyon.

Nagdesisyon na kaming bumalik ni Paolo, siya sa party at ako naman sa hotel. Inaantok na ako at gusto ko ng matulog.  Habang naglalakad kami pabalik ay namataan ko na nagtatalo sila Beatrice at Sir Yaji, hindi ko man nakikita ang mukha nila dahil madilim pero nakilala ko sila base sa kanilang boses.

"Alieson, is not my girlfriend," matigas nitong sabi.

"Oh really Yaji? The way you look at her, merong kakaiba sa mga tingin mo at proud ka pa ngang ipagmalaki sa'kin na magiging wife mo na siya. Hindi ako tanga!" Bulyaw ni Beatrice.

Hindi na ata madadaan to sa maayus na usapan dahil pareho na nilang nasasaktan ang isa't-isa. Aalis na sana si Beatrice ng hilahin ito ni Sir Yaji saka hinalikan.

Nang makita 'yon ng dalawang mata ko ay parang kinurot ang puso ko sa sakit, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil biglang may isang kamay na tumakip sa mga mata ko.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon