Buong araw ay hindi ako mapakali, hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil wala akong ibang inisip kundi ang kaligtasan ng mga magulang ko. Ang ipinagtataka ko lang ay kong paano nito nakuha ang phone number ko, e bukod sa pamilya ko at mga taong malapit sa akin ay wala na akong pinagbigyan no'n.
Noong una iniisip kong nampaprank lang 'yon kaya binalewala ko lang, pero sunod-sunod ang pagbabanta nito sa akin dahilan para mag-aalala ako sa kaligtasan nila Mommy.
"Alieson, okay ka lang ba? Tulala ka diyan," sambit ni Lily.
Nasa labas kami ngayun ng mansiyon habang nagdidilig ng halaman, kanina pa ako tulala at binabagabag ng takot dahil sa sitwasyon ng mga magulang ko. Hindi ko alam kong paano ko maililigtas ang parents ko kong ako lang mag-isa.
"Ayus lang ako," nakangiti kong tugon.
Pagsapit ng gabi ay agad kong inihanda ang sarili, nagdadalawang isip na din ako kong hihingi ba ako ng tulong sa mga pulis, pero mas nanaig ang takot na nadarama ko para sa kaligtasan nila Mommy.
Sinigurado ko muna na tulog na ang lahat ng tao dito sa bahay bago ako nagdesisyong lumabas ng mansiyon, nag-iwan na din ako ng sulat sa itaas ng side table kong sakaling hanapin ako ng mga ito.
Pamilya ko na ang nakasalalay dito, at gagawin ko ang lahat para sa kanila. Maingat ang bawat galaw ko para hindi iyon makalikha ng ingay, palabas na sana ako ng pinto ng biglang bumukas ang ilaw sa sala.
"It's already 10 o'clock in the evening, Alieson. Where do you think your going?"
Sunod-sunod ang paglunok ko ng marinig ang malamig na boses na iyon. Paktay, si Sir Yaji.
Nanatili akong kalmado ng balingan ito ng tingin.
" May kailangan lang po akong puntahan Si-"
"Ng dis-oras ng gabi." Pagputol nito sa sasabihin ko.
Gabi na at malayo pa ang pupuntahan ko, kong makikipagtalo pa ako kay Sir Yaji ng matagal baka ano pang masamang mangyari sa mga magulang ko.
"Kailangan ko na pong umalis Sir, bukas na lang po ako magpapaliwanag sa inyo."
Kumaripas na ako ng takbo palabas ng mansiyon, narinig ko pa na paulit-ulit akong tinawag ni Sir Yaji pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Nakasakay na ako ngayon ng taxi papunta ng batangas, hindi ko alam kong anong mangyayari sa akin pagkatapos nito pero isa lang ang kahilingan ko. 'Yon ay maging ligtas ang mga magulang ko.
Binabaybay ko na ngayon ang daan papunta sa sinasabi nitong lumang warehouse, napapalibutan ang lugar na iyon ng mga tanim na palay at halata namamg tago 'yon.
Nang makarating ako sa paroroonan ay wala na akong ibang bahay na nakikita kundi ang mga tanim na palay sa paligid. Nong mga oras na 'yon ay nakaramdam na ako ng dobleng takot para sa sarili ko lalo na't madilim ang paligid at kahit isang ilaw dito ay wala.
Pumasok na ako sa loob at sinimulang hanapin sila Mommy, paulit-ulit ko silang tinawag pero wala ni isa sa kanila ang sumasagot, naging triple na ang kabang naramdaman ko dahil hindi ko pa nahahanap sila Mommy kahit na dalawang oras na akong naghahanap at paikot-ikot sa warehouse na iyon.
"Akala ko ang mga magulang mo lang ang uto-uto ikaw din pala."
Natigilan naman ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ko alam kong naghahallucinate lang ba ako o hindi, pero kilala ko ang may-ari ng boses na iyon.
Ilang sandali pa ay lumabas ang isang lalaki mula sa dilim, may hawak itong baril at namumula ang mga matang nakatingin sa akin.
"Kamusta ka na, Alieson?"
Nakangisi itong nakatingin sa akin bago ako tinutukan ng baril.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...