Kinabukasan
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame, humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko inikot ang tingin sa paligid.
Napako ang tingin ko sa isang lalaki na ngayon ay nasa sofa, prente iyong nakaupo doon habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa kaniyang mukha.
" Anong ginagawa ko dito?" Namamaos kong sambit.
Binalingan ko ng tingin ang kanang kamay ko na ngayon ay meron ng dextrose habang ang kaliwa kong pala-pulsuhan ay merong benda. Nagmadali akong bumangon sa kama at malakas na hinugot ang dextrose na nasa kanang kamay ko, bakit buhay pa ako! Dapat namatay na lang ako.
"Hey! What are you doing?" Rinig kong sabi ni Yaji.
Hindi ko na ito pinansin at nagdamaling bumaba ng kama, palabas na sana ako ng pinto ng hilahin nito ang kanang braso ko.
"Nababaliw ka na ba, Alieson!" Bulyaw nito.
"Bitawan mo na lang ako pwede ba! Bakit mo pa kasi ako dinala dito, gusto ko ng mamatay! Wala ng natira sa akin, lahat na ng taong mahalaga sa akin iniwan na ako!" Nagpumilit akong magpumiglas pero sadyang mahigpit talaga ang hawak sa akin ni Yaji.
Gusto ko ng tapusin tong paghihirap ko, sa tuwing naiisip ko na wala na sila Mommy para akong pinapatay ng paulit-ulit. Ano bang nagawa kong mali, para sapitin ang ganitong kapait na kapalaran.
Nagtrabaho ako para hanapin sila, gusto kong mabuo ulit ang pamilya ko, gano'n lang naman kasimple ang gusto ko eh. Pero bakit ayaw sumang-ayon ng tadhana sa akin!" Yung taong tinuring kong pangalawang ama, ang taong pumatay sa mga magulang ko. Wala ng silbi ang buhay ko dahil wala na ang mga taong dahilan kong bakit ako nabubuhay ngayon.... Sana hinayaan mo na lang akong mamatay!"
Tuluyan na akong umiyak at napaupo sa sahig.
"What do you want me to do? Hayaan kang mamatay? Sa tingin mo ba natutuwa ang mga magulang mo sa tuwing nakikita kang nagkakaganiyan?"
Kitang-kita naman sa mukha ni Yaji na nag-aalala ito sa akin, ayaw kong bigyan ito ng ibig sabihin. Nanatili akong tahimik habang patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko.
"Hindi ka nag-iisa, Alieson! Nandito ako... Si Manang.. si Lily. We are all here for you. Kaya h'wag mong iisipin na mag-isa ka," mahinahong sambit nito.
Binalingan ko ng tingin si Yaji, ngumiti ito sa akin saka ako niyakap. Si Yaji ang dahilan kong bakit nakaligtas ako kay atty. Leo at ngayon siya din ang dahilan kong bakit buhay pa ako ngayon matapos kong tangkain na magpakamatay.
Lumipas ang mga araw na unti-unti kong tinanggap ang totoo, napaisip din ako na useless man kong magpapakamatay ako. Hinding-hindi na no'n maibabalik ang buhay ng mga magulang ko.
Araw-araw akong binibisita nila Lily at Manang sa hospital, inaalagaan ako ng mga ito at sa pagkakataon na iyon ay gumaan ang pakiramdam ko dahilan para muli akong ngumiti.
Ngayon ang uwi ko sa mansiyon kaya naman ay inihahanda ko na ang sarili ko, susunduin daw ako ni Yaji kaya hindi napigilan ng puso kong magdiwang sa saya. Sinubukan ko namang pigilan ang sarili kong mahulog sa kaniya, pero habang tumatagal lalo lang akong nahuhulog.
Nitong mga nakaraang araw kasi na nandito ako sa hospital ay wala akong ibang nakakasama kundi si Yaji lang, dito na siya natutulog at nagtatrabaho. Minsan naman sinasabi ko sa sarili ko na mali tong nararamdaman ko, pero huli na dahil tuluyan na akong nahulog sa kaniya.
Narinig kong bumukas ang pinto, kaya naman ay sinalubong ko ito ng ngiti sa pag-aakalang si Yaji 'yon, pero hindi.
"Hi, how are you?" Pangangamusta ni Paolo.
"Okay na ako," tipid kong sagot.
Lumingon-lingon pa ako sa likuran nito, nagbabakasakaling may Yaji na susulpot pero nadismaya lang ako dahil wala ito.
"Expecting for someone?" Taas-kilay niyang tanong.
"Huh?"
Natawa naman si Paolo bago ako nito nilapitan, nahalata nito siguro na meron akong ineexpect na dumating.
"Kong si Yaji ang hinahanap mo well, hindi siya makakapunta... She's with Beatrice right now."

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...