Natapos ako sa paglilinis pasado alas-kwatro na ng hapon, lumabas ako ng bahay para magdilig ng halaman at para makapagrelax na din.
Habang nagdidilig ako ay napansin ko ang isang babaeng naglalakad papunta sa direksiyon ko, nakasuot ito ng workout lenggings at sports bra kaya kitang-kita ang kaseksihan niya.
"Hey! Nandiyan ba si Yaji?" Tanong nito.
Para akong natulala sa taglay nitong ganda, pang-model na nga ang height, artistahin pa ang mukha. Ganito siguro ang type ng isang Sir Yaji.
" Ahh, ano po bang kailangan niyo sa kaniya?"
Mula sa maamong mukha ay nag-iba bigla ang reaksiyon nito.
"How dare you ask me back! So tell me, where is Ya-"
"Why are you here?" Malamig ang tono ng boses nito.
Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng boses ng makita ang boss kong parang nang-seseduce na naman ng kababaihan ngayun. Gaya kasi kahapon ay nakabukas ulit ang tatlong butones ng pulo niya, ayaw ko ng magsinungaling pera ang hot niya sa ganiyang style. Walangya Alieson! Shutp up!
"Yaji, you're here. Uhmm... By the way kahapon kasi nabalitaan kong nakauwi ko na, so I decided to make a cake for you."Sabay lahad ng cake na hawak-hawak nito.
Sayang ganda pa naman niya, ang panget nga lang ng ugali. Sa susunod na dumaan dito 'yung truck ng basura isama na din niyang itapon 'yong sarili niya, total pareho naman silang bulok lalo na 'yong ugali niya. Badtrip!
Mula sa cake ng hawak ng babae ay binaling nito sa'kin ang nakakatakot niyang tingin. Luh! Kaninang umaga pa 'yang tingin na 'yan ha!.
"Can you give us a privacy?" Baritonong wika niya.
Tumango naman ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanila, hindi ko na lang sila pinansin at pinatuloy ko na lang ang pagdidilig.
"Yaji?" Rinig kong sigaw ng babae, kaya napadako ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Papasok na sana si Sir Yaji sa gate ng hawakan nito ang braso ni Sir na agad naman niyang iniwaksi. Hindi ko man naririnig ang pinag-uusapan nila pero base sa mukha ni Sir Yaji ay naiinis na ito.
Halata naman 'yung girl na patay na patay siya sa boss ko, pero 'yong isa tinalo pa 'yong yelo sa sobrang lamig makitungo sa ibang tao.
"Hoy! Alieson!" Sambit nito na ikinagulat ko.
Badtrip naman 'tong babaeng to, nakikichismis pa nga ako saka naman umepal.
"Ano bang tinitingnan mo diyan?" Tanong nito, sabay tingin sa direksiyon nila Sir Yaji.
"Wala naman, nanunuod lang ako ng teleserye," pabiro kong sabi.
Binalingan ko ng tingin si Betty na ngayon ay seryosong nakatingin sa dalawa.
"Teka, si Miss Cassadra 'yon ha. Bakit sila nagtatalo ni Sir Yaji?" Aniya na ikina-kibit balikat ko lang.
"Kilala mo 'yong babaeng 'yon?"
"Oo naman, amo ko 'yon eh. Grabe naman pala, nabalitaan lang na umuwi si Sir Yaji e, pinuntahan agad. Kakaiba talaga 'tong si Ma'am."
Sobrang kakaiba Betty, kababaeng tao e, siya pa itong nanliligaw sa lalaki. Napailing na lang ako bago ko muling ibinaling ang tingin sa kaibigan.
"Teka nga, saan ka pupunta?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Ako? Uuwi na ako," tugon nito.
Uuwi? Kala ko ba kasambahay ang trabaho nitong si Betty, bakit kailangan pa niyang umuwi. Akala ko pag-kasambahay stay- in.
"Hindi ka ba stay-in sa trabaho mo?"
" Wala kasing tiwala si Miss. Cassandra sa mga kasambahay niya. Kaya tuwing hapon minsan naman gabi, pinapauwi niya kami," paliwanag nito.
"Ahhh."
Hindi rin nagtagal ang usapan namin ni Betty dahil nagmamadali itong umuwi, nagbilin na din ako sa kaniya na pakikamusta ako kela Nanay at sabihing okay lang ako dito para di na ito mag-alala pa sa akin.
Nang matapos ko ng madiligan ang mga halaman ay pumasok na ako sa loob ng mansiyon ng matanaw ko sa sala ang masungit kong amo. Abala ito sa pagtitipa ng kaniyang laptop kaya tahimik lang akong naglalakad papuntang kusina.
"Are you the new maid?" Biglang tanong nito kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Yes po Sir!" Mahinahanon kong sagot.
Ilang sandali pa ay inalis nito ang tingin sa kaniyang laptop at itinuon sa'kin. Takte! Bakit kasi ganito lagi siya tumingin, kongting-konti na lang baka isipin kong may gusto 'to sa'kin.
"Marunong ka naman sigurong magtimpla ng kape diba? Imposible namang hindi."
Hindi ko alam kong anong isasagot ko ngayon, dati sinubukan kong magtimpla ng kape para kay Daddy at isang beses ko lang ginawa 'yon. Pero sa ngayon 'di ko alam kong marunong pa ako, hays! Ang malas ko naman.
"Timplahan mo ako ng kape," maawtoridad nitong utos na agad ko namang sinunod.
Bahala na! Hindi ko malalaman kong marunong pa ako, kong hindi ko susubukan.
Nang makarating ako ng kusina ay agad akong nagtimpla ng kape niya, purong nescafé ang nilagay ko saka konting asukal, magugustuhan niya naman siguro to. Hays! Manang Lena, nasaan ba kayo ni Lily.
Ilang segundo ang hinintay kong lumipas, nagbabakasakali akong dumating sila Manang para sila na lang sana ang magtimpla ng kape ni Sir Yaji, pero nadismaya ako kasi kahit isa man lang sa kanila ni Lily ay wala. Napaka-engot mo talaga Alieson, kape lang 'yan hindi mo pa alam kong papano timplahin ng maayos! Shuta!
Buong tapang kong dinala ang tinimpla kong kape sa sala at ibinigay kay Sir Yaji, agad naman niya itong inabot habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang laptop. Humigop ito ng kaunti, pero laking gulat ko ng bigla niya itong ibuga sa harap ko.
Walangya ka talaga Sir Yaji! Badtrip ka naman.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...