Nanirahan ako sa bahay nila ate Sabeth sa loob ng tatlong buwan, sa sobrang bilis ng paglipas ng araw ay palaki na din ng palaki ang tiyan ko at hindi ko na iyon naitago pa, hanggang sa napansin na iyon ni Ate Sabeth.
"Buntis ka? Pero wala ka man lang balak sabihin sa akin ito iha!" Panenermon nito.
Matagal na panahon ko din tong itinago sa kanila pero hindi ko aakalain na sa paglipas ng araw ay malalaman nila ang totoo. Naabutan kasi ako ni ate Sabeth na nagsusuka kaninang umaga at isa pa kasama na rin doon ang paglaki ng tiyan ko.
"Pasensiya na po Ate Sabeth, wala naman po akong balak itago sa inyo ang pagbubuntis ko, ayaw ko lang na... magbago ang tingin niyo sa akin." Paliwanag ko sa kanilang mag-asawa.
"At bakit naman magbabago ang tingin ko sayo aber! Sino ba ang ama ng anak mo? Hindi ba niya kayang panagutan 'yang bata?"
Umiling ako sa kaniya habang nakayuko.
"Hindi naman po sa gano'n ate Sabeth, hindi ko po sinabi sa kaniya na buntis po ako.. dahil mayroon po s-siyang.. asawa."
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga nito, ramdam kong dismayado si ate Sabeth sa sinabi ko pero hindi ko na lang iyon pinansin.
Ang isang aksidente na nangyari sa pagitan namin ni Yaji nong gabing iyon ay hindi ko aakalaing magbubunga. Kaya mas pinili ko na lang lumayo at itago ang totoo dahil ayaw ko ng gulo at mas ayaw kong makasira ng pamilya.
"Ano ba naman itong pinasok mo, Alieson. Nawala lang ang mga magulang mo, kung ano-ano na ang mga pinanggagawa mo!"
Nanatili akong walang imik habang nakikinig sa sermon ni Ate Sabeth. Alam kong mali ko din dahil itiinago ko sa kanila ang pagbubuntis ko, pero ang mas ikinakatakot ko ay ang malaman ni Yaji ang totoo.
Matapos akong sermonan ni ate Sabeth ay pinangaralan ako nito. Tinanong niya din ako kung anong balak ko kapag nanganak na ako, pero isa lang ang naging sagot ko. 'Yon ay ang manatili dito sa Pampanga.
Gusto ko ng kalimutan ang masalimuot na nangyari sa akin sa Manila, magsisimula ako dito ng panibagong buhay kasama ang anak ko at ang bago kong pamilya.
Sa pagdaan pa ng ilang araw ay naging maayus ang pamumuhay ko kasama si ate Sabeth at ang asawa nitong si kuya Domeng, maayus naman ang pakikitungo nila sa akin at itinuring nila akong anak. Naging maalaga sa akin si ate Sabeth nitong nakaraan, araw-araw niya akong pinapakain ng gulay para sa paglabas ni baby ay healthy ito.
"Ate Sabeth, aalis na ako." Paalam ko dito.
Pupunta ako ngayung bayan para magpacheck-up at para na din pumasok sa trabaho, nagpapart-time ako ngayun sa munting karinderya ni Manang Aida para na din makaipon sa panganganak ko, ayaw ko naman na iasa na lang iyon kay ate Sabeth.
"Oh siya iha, mag-iingat ka doon. Magsabi ka kapag uuwi ka na at susunduin kita sa plaza." Bilin nito.
Marahan akong tumango at nakangiting niyakap ito bago umalis. Sa paglipas ng panahon na nanirahan ako dito sa Pampanga, unti-unti kung nakalimutan ang bangungut na nangyari sa akin sa Manila, gano'n na din sa nararamdaman ko para kay Yaji.
Masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon, simple lang at tahimik. Pero kung may bagay man akong hihilingin 'yon ay.. h'wag na sana kaming magkita pa ni Yaji.

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Hayran Kurgu"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...