Chapter 63

223 6 0
                                    

Sunod-sunod na sampal ang natanggap ko sa Mommy ni Yaji, nalaman din kasi nila ang pagtago ko kay Ceejay sabayan pa ng 'pagkawala ni Yaji.

"You! Anong karapatan mong itago sa amin ang apo ko, ano kang klaseng ina para pagdamutan ng ama ang sarili mong anak!"

Nag-aapoy sa galit ang Mommy ni Yaji at konting-konti na lang ay hindi na sampal ang magagawa nito sa akin, agad naman siyang inawat ng asawa niya at inilayo sa akin.

Dahang-dahang bumagsak ang luha ko kasabay ng pagyakap sa akin ni Pao, naiintindihan ko ang galit na nararamdaman nila ngayun at kong ako ang nasa sitwasyon nila ay ganiyan din ang mararamdaman ko.
Kung alam ko lang na aabot sa ganito ang lahat ay sana nakinig ka na ako kay Paolo, inaamin kong nagkamali ako. Ang akala ko kasi ay pinoprotektahan ko ang anak ko pero hindi naman pala gano'n ang nangyari.

Nakaupo ako ngayun sa bakanteng upuan sa gilid ng kama ni Ceejay, hanggang ngayun hindi pa rin siya nagigising matapos gawin ang operasyon pero ang sabi naman ng doctor ay h'wag ng masyadong mag-aalala dahil maayus na ang kalagayan nito at kailangan lang ng konting pahinga.

"Ali, magpahinga ka na muna. Ako na muna ang magbabantay kay Ceejay, saka isa pa nandito naman ang Mommy at Daddy ni Yaji." Saad ni Paolo.

Pagkatapos ng operasyon ay hindi na ako umalis sa tabi ng anak ko, gusto ko kasi na sa paggising nito ay ako ang una niyang makikita, pero panigurado hahanapin nito ang ama niya.

"Ayus lang ako, Pao." Walang gana kong sagot.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Paolo, naikwento din pala nito sa akin ang ginawa ni Beatrice. Siya ang dahilan kung bakit nasa hospital ngayun ang anak ko, pero wala na ito dito sa pinas at nagtago na sa ibang bansa kasama ang anak niya. Gustuhin ko mang pagbayaran nito ang ginawa niya kay Ceejay pero nakiusap sa akin si Pao na h'wag ipakulong si Beatrice lalo na't kailangan na kailangan ito ng anak niya.

"A-alam mo ba, kong s-saan ko makikita si Y-yaji?" Bigla kong tanong.

Nagtataka ang mukha ni Pao ng balingan niya ako ng tingin na agad kong ikinaiwas. Ako ang dahilan kong bakit nawawala ngayun si Yaji, at dapat ako din ang gumawa ng dahilan para bumalik siya.

"Nasa tagaytay siya," saad ng isang babae.

Sabay kaming napalingon ni Pao sa pinanggalingan ng boses na iyon, bago ko nakita ang nakatayong Mommy ni Yaji sa harap ng pinto.

"Mayroon kaming rest house doon, at sa tuwing gusto niyang mapag-isa lagi siyang napunta do'n." Dagdag pa niya.

Parang kanina lang nanggagalaiti sa galit ang Mommy ni Yaji, pero ngayun ay sobrang bait nito at itinuro pa sa akin ang kinaroroonan ng anak niya. Bigla tuloy akong nakonsensiya sa pagtago kay Ceejay, kung alam ko lang una pa lang na ganito sila kabait edi sana nabigyan ko ng maayus at buong pamilya ang anak ko.

" Patawarin niyo po ako," agad kong sambit.

Saksi ang panginoon kung gaano ako nagsisi sa maling ginawa ko at ngayung may pagkakataon akong itama 'yun ay itatama ko na.

Nakangiting lumapit sa akin  ang Mommy ni Yaji at marahan nitong hinaplos ang pisngi ko.

"Patawarin mo din ako, iha. Nadala lang ako sa galit dahil sa ginawa mo. Pero kalmado na ako ngayon, hanapin mo na si Yaji at ayusin niyo kung anong meron kayo."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga sinabi nito, kahit papaano ay natanggal ang tinik sa lalamunan ko at unti-unti ng gumaan ang  pakiramdam ko.

"Alam kung mahal ka ng anak ko at ganon ka din sa kaniya, hindi ako tutol sa kung anong meron kayo basta masaya ang anak ko."
___________

Nasa byahe na kami ngayon ni Paolo papuntang tagaytay, susunduin ko na si Yaji at iuuwi ko na ito lalo na't nag-aalala na sa kaniya ang mga magulang niya. Hindi ko alam kong paano ako haharap kay Yaji ngayun lalo na't nakakaramdam pa din ako ng takot sa kaniya.

Pagdating ng tagaytay ay agad akong bumaba ng sasakyan, bumungad sa akin ang isang bahay na gawa lang sa kawayan. Eto ata ang rest house na tinutukoy ng Mommy ni Yaji.

"Pumasok ka na, Alieson." Sambit ni Pao.

Agad ko naman siyang tinapunan ng tingin, kaya nga kami nandito na dalawa para kumbinsihin si Yaji na umuwi eh, bakit ako lang mag-isa ang papasok?

"Bakit ako lang? Paano ka?" Nagtataka kong tanong.

Imbis na sagutin ang katanungan ko ay tanging ngiti lang ang naging sagot niya.

"Problema niyo ni Yaji 'yan, kaya ayusin niyong dalawa. Hanggang dito na lang ang tulong na kaya kong gawin para sayo, Ali... Naalala mo ba ang mga pulang rosas na laging nadedeliver sayo... Kay Yaji galing ang mga iyon, that's the way he shows it how much he loves you. At nong nalaman niyang siya ang ama ng batang dinadala mo, ginawa niya ang lahat para mahanap ka.. kaya nga natuntun kita sa Pampanga diba."

Nagulat ako sa mga isiniwalat ni Pao ngayung araw, unti-unti ko na lang  naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sakin noon ni Yaji.

"Iloveyou, Alieson! At hindi ko hahayaang mawala ka sa akin, when the right time comes. I will find you!"

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon